KABANATA 20 (Edited)

1 2 0
                                    

KATOTOHANAN
PAANO: KABANATA 20

POV: ROMANO BAUTISTA

Tito Roman, good afternoon po. May ibibigay po sana ako sa inyo. Bibisitahin ko na din po kayo. Pwede po ba?
Pag text ko kay Tito Roman. Kapangalan ko ang tatay ni Adeline, pero Roman na lang daw ang itawag ko sa kanya para hindi daw nakakalito.

Matapos kong ibilin kayla Yannie at Tristan na kami na lang ang magkaka partner sa Research, binalak ko na din na puntahan sila Tito.

Sige. Buti sinabi mo agad. Para makapag luto si Tita Arianne mo.
Reply ni Tito Roman sa'kin.

Pagkatapos ng klase, dumiretso na muna ako sa bahay para kunin ang box. Para maibalik ko na din ang mga naiwan pang gamit ni Adeline sa'kin.

Itatanong ko din kung sino si Elizabeth, at kung ano ang naging papel nya sa buhay ng aking nobya noon.

Pagkatapos nun ay nag byahe na ko papunta sa bahay nila Tito Roman.


"Hello po Tito Roman, magandang gabi."
Pag bati ko sa mga magulang ni Adeline.

"Pasok ka Romano, nasa loob si Arianne nag hahanda ng mga makakain."
Nang nakapasok ako sa bahay, amoy na amoy ko ang masarap na luto ni Tita Arianne.

Hindi pa din nag babago ang mga amoy ng masasarap na luto ng kanyang nanay. Nilibot ko ang aking mga mata, naiba man ang ayos pero nanatili pa din ang malaking picture frame nilang mag anak sa gitna ng sala.

Kita ko pa din ang graduation pictures nya, at graduation picture naming dalawa na mag kasama sa lalagyan ng mga picture frames nila.

"Romano! Tara at kumain ka muna. Ibaba mo muna yang kahon na dala mo."
Pag tawag ng pansin sakin ng kanyang ina.

"Sige po tita."
Pinatong ko muna ang kahon sa marmol na table na naka pwesto sa gitna ng sala nila, at dumiretso sa malaking dinning table.

"Kain na."
Pag aya ni Tito Roman.

"Salamat po."
Dahan dahan kong hinila ang upuan sa aking harapan.

"Ano pala yung dala mong karton?"
Matapos namin ipag dasal ang pag kain, at sumubo muna kami ng kaunti bago mag tanong si Tita Arianne sa'kin.

"Mga lumang dokumento po sa transplant operation ni Adeline."
Napansin ko ang pagkaka tinginan nila Tito at Tita sa bawat isa.

Siguro, naalala nila na hindi pa nila na ikwekwento sa'kin ang naging operasyon ni Adeline nung muli akong bumisita sa kanila.

Tanging na pag kwentuhan lang namin sa noong pag bisita ko ay ang pag kumusta nila sa'kin, at sa dati naming bahay ni Adeline.

Natuwa din sila ng muli akong mag aral, at kurso pa ni Adeline.

Matapos namin kumain, ipinag handa naman kami ng mga desserts ni Tita Arianne, at hinain nya iyon sa sala.

"Kumusta ang pag aaral ng Education?"
Pag tatanong ni Tito Roman.

"Ayos lang naman po. Research na din po namin bukas."
Napa tango tango sya.

Bigla kong naalala na bukas na din pala ang Birthday ni Adeline.

"Oo nga po pala. Sorry po. Birthday din po pala ni Adeline bukas. Wag po kayong mag alala, bibisitahin ko ulit kayo bukas."
Pag higop ko ng mainit na kape na nilapag ni Tita Arianne sa aking harapan.

Paano?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon