ROMANO
IKALAWANG PARTEPOV: ROMANO BAUTISTA
Inaya ko si Yannie sa College Cottage upang makapag usap kami ng masinsinan. Habang nag lalakad kami pa punta doon, nag text na ko kay Tristan kung sakaling hanapin nya si Yannie.
Nag dala din ako ng stethoscope dahil matagal ko na din itong gustong gawin. Ang marinig ang pag tibok ng puso ni Adeline sa kanya. Nahihirapan ako nung una, pero natuwa ako nung naririnig ko na ang pag tibok nito.
Nagpasalamat ako kay Yannie, at habang binabalik ko ang stethoscope sa aking bag. Kung saan naka lagay sa ibabaw ng bench, naaninag ko si Tristan papalapit sa amin.
Naalala ko nga pala ang plano ko. Matagal ko na din napapansin na may gusto si Tristan kay Yannie. Kaso, hindi ito masyadong pansin ni Yannie. O baka may nararamdaman din sya?
Kaya sinubukan ko ang dating taktika ni Chris noon, upang mapaamin ako dati na gusto si Adeline. Binulungan ko sya malapit sa tenga.
Papalapit si Tristan dito. Alam mo bang gustong gusto ka nya? Hindi mo ba 'yon na hahalata? Kapag lumapit sya dito, at halata mo ang galit sa kanyang mata. Sigurado akong nag seselos sya. Bulong ko kay Yannie.
Hindi ko alam kung gagana iyon kay Tristan, dahil sa'kin gumana ito. Nung mga panahon na iyon, pinag seselos ako ni Chris kada nag kikita ang barkada. Napapansin ko dati masyadong nagiging malapit sila Chris at Adeline noon, kaya hindi na ko nag atubiling umamin kay Adeline.
At, doon ko nalaman ang laging binubulong ni Chris sa kanya. Makalokohan talaga iyong taong yon.
"Wala naman. May binubulong lang ako kay Yannie."
Siniko ko si Yannie, dahil naka yuko pa din ito at kitang kita ang pamumula nya.Tinitignan ko din si Tristan, simula pa lang siguro kaya hindi pa halos kita ang pag seselos nya. Susubukan ko ulit sa susunod na pagkakataon.
At, kapag napatunayan kong may gusto sila sa isa't-isa. Gagawin ko na ang naisip kong plano para sa singsing. Ang ibigay ito kay Tristan. Nasa kanya iyon kung gagamitin nya ito sa pag amin kay Yannie, o sa ibang bagay nya ito gagamitin.
Ang mahalaga may pag gagamitan na ang singsing na binili ko nung nakaraang limang taon.
"Ah ganun ba. Yannie? Bakit naka yuko ka pa din? Hindi ba pag uusapan na natin tatlo yung tungkol sa Research?"
Siniko ko ulit si Yannie sa tabi ko, at mukhang bumalik na ulit sya dati nyang katauhan.Nilingon lingon nya ang kanya mga mata.
"Tama tama. Kulang na tayo sa oras, kaya naisip ko na madalas na tayong mag kita. Dahil nandito na si Romano, mas magiging maayos ang usapan."
Ramdam ko ang kaba sa kanyang boses.Tinitignan ko ang reaksyon ni Tristan, hindi ko alam kung nag aalala sya base sa expresyon ng kanyang mukha.
"May naisip ako. Since parehas kayong nakatira sa condo, at para hindi tayo mawalan ng oras sa pag aantay. Doon muna kayo sa bahay ko tumira habang gumagawa tayo ng Research. Gusto nyo ba ng ideyang iyon?"
Tinignan ko silang dalawa."Magandang ideya iyon. Kaso, may alaga akong aso? May mga alaga ka ba?"
Tanong sa akin ni Tristan.
BINABASA MO ANG
Paano?
General FictionPaano ka ba makakalaya sa sakit ng kahapon? Paano ka makakalaya sa taong iniwan ka ng walang paalam? Paano ka makakalaya sa masamang dulot ng iyong nakaraan? Paano ka makakalaya sa isang desisyon na hindi mo inaasahan? Ang istoryang ito ay alay sa m...