WAKAS

2 2 0
                                    

ANG PAG TATAPOS
IKALAWANG PARTE

"At hangang doon lang muna ang kwento natin, tungkol sa istorya ng Paano."

"Nabitin po kami!"
Pang hihinayang na tono ng mga kabataan.

"Balik kayo uli bukas? Ok?"

"Opo!"

Pagkatapos magsi alisan ang mga kabataan, may tumawag sa babaeng nag kwekwento kanina.

"Adeline, pinapa tawag ka sa gate ngayon."

"Ha? Ako?"

"Oo."

Agad sinundan ni Adeline ang anghel papunta sa gate. Napansin din nya ang mga mahabang pila ng mga tao papasok sa gate.

"Pinapatawag nyo daw po ako?"

"Oh, Adeline nandyaan kana pala. Salamat munting kerobin."

"Walang anuman po. Mauuna na ko."
Pag alis ng anghel.

"Oo pinapunta kita ngayon, meron kasi akong ipapantay sayo dito sa pwesto na ito."

Walang ano mang tinanong si Adeline sa mga sandali na iyon, at nag antay lang sila kasama ang kilalang taga pag bantay sa gate. Pinanood lang nilang dalawa ni Adeline ang mga taong pumapasok sa gate, hangang may isang anghel na papalapit sa kanila.

Na may kasamang isang taong hindi nya maaninag dahil malayo pa ang kinaroroonan nila.

"Hindi mo pa ba sya naaalala?"

Umiling si Adeline. At, napatango tango lang ang bantay. Hanggang naging malapit na sa kanilang pwesto ang anghel, kasama ang isang lalaki.

"Makaka alis kana."
Utos ng bantay sa nag hatid sa lalaki.

"Ngayon Adeline, familiar na ba sya sayo?"

"Hindi pa din po."

"Hawakan mo ang kanyang kamay."

Nang pinag hawak ng bantay ang kamay nilang dalawa...

"Romano?"

"Adeline."
Ngiti ng lalaki sa kanya.

Paano?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon