KABANATA 7 (Edited)

4 2 0
                                    

HINDI PWEDENG IKAW...
Paano: Kabanata 7

POV: Yannie Enriquez


A-d-e-l-i-n-e

"Ano ng ginagawa mo?" Muling pag tatanong ni Lisa.

"Hinahanap ko yung namatay nyang gf."

"Ha?! Anong pinag sasasabi mo?"

"Natanong ko kasi kung anong kwento ng bahay nya. Yung nakaraan kung baga, malay ko bang drug den pala yon. Di ba?"

M-a-r-q-u-e-z

"So, anong kwento?" Nakwento ko ang mga sinabi ni Romano tungkol sa bahay. Labis na kinagulat yon ni Lisa, halos parehas lang reaksyon namin. "Nakita mo na?"

"Andaming lumalabas na results, hindi ko alam kung sino dito." Pinagpatuloy ko ang pag iiscroll. "Hindi ko pa mutual friend yung lalaki."

"Try mo sa account nung lalaki, baka naka in a relationship status pa sya." Sinubukan ko ang sinabi ni Lisa, hinanap ko ang account ni Romano at hindi sya nagka mali.

"Wow. Galing mo naman, tama hula mo."

"Halata naman e, kasi mukhang hirap pa sya mag move on."

"Wait, bumagal yung net."

"Try mo din ako i-video call! Shared screen mo para makita ko."

"Sige. Wait lang."

Agad kong pinatay ang tawag ni Lisa. Nang bumalik na ang internet, agad ko syang vinideo call at binuksan ang account ko sa cellphone.

"Pindotin mo na!"

"Eto na! Eto na!"






Nalalag ko ang cellphone ko dahil sa gulat. Nag slow motion ang lahat habang tinitigan ko ang isang familiar na mukha sa screen.

"Yannie... Kumalma ka..." Narinig ko si Lisa sa cellphone.

Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko ngayon. Ang larawan sa aking harapan ay muling ibinalik ang mga mapapait na pangyayari sa aking buhay.

Unti-unting bumalik ang lahat ng nakaraan ko sa nag daang dalawang taon. Ang nakaraan pinilit kong kinalimutan, at ngayon ay bumabalik sa aking harapan.

Ang babaeng nag bigay sa'kin ng pangalawang buhay, at nag paranas din sa'kin ng pait at sakit ng buhay.

Ang babaeng dumadaloy ang dugo sa aking buong katawan, at araw-araw na dinadalaw ako sa panaginip ng dalawang taon.

Sadyang hindi titigil ang tadhana para ipaalam sakin na hindi pa tapos ang aking natitirang misyon sa kanya, kahit dalawang taon akong nag dusa.



Paanong nangyari na ikaw ang babaeng minahal nya? Paanong paraan mo kami pinag tagpo ng nobyo mo? Mahal na mahal ka pa nya Adeline! Paano ko sasabihin na ako ang naging dahilan ng pag lisan mo sa kanya? Paano ko sasabihin lahat lahat sa kanya? Akala ko ba tapos na tayo makalipas ang dalawang taon? Paano na?


"Mag usap na lang tayo bukas." Panginginig kong pakakasabi kay Lisa. Agad kong binaba ang tawag sa cellphone. "Hindi pwede to."

Paulit ulit kong sinabi sa sarili ko habang yakap yakap ko ang mga binti ko.

Paano?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon