KABANATA 4 (Edited)

5 2 0
                                    

ALAALA NG NAKARAAN
Paano: Kabanata 4

Inspired by the song:
Ang Iwasan by Moira Dela Torre

POV: Yannie Enriquez

Hindi po makaka punta ang may ari ng bahay pero makakapag bayad pa din po kayo.
Text sakin ng ahente ng bahay.

Thank you so much. I'll go to your office, early in the morning?
Sagot ko sa kanya.

Sure, Ma'am. See you tomorrow.
Huling sagot nya sa'kin bago ako tawagan ng aking kaibigan.

"Yes, hello my dear best friend?" Pag sagot ko sa tawag nya.

"Are you sure na bibilhin mo na?" Bungad nyang tanong sakin.

Napaka simple lang ng bahay.

May dalawang kwarto sa second floor at meron ding balcony sa tapat pagka labas mo sa mga kwarto. May simpleng kitchen na may counter table, living room at laundry area naman sa first floor. Parehas din naman may tig isang comfort room sa parehong floors ng bahay.

Gusto ko din ang one car parking sa harap ng bahay. Kung saan ko pwedeng ilagay ang aking kotse na maproprotektahan ng mataas ding gate mula sa labas.

Maliit man ang garden sa likoran ng bahay pero tanaw mo naman sa labas ang dagat at langit.

Simple man ito pero maganda.

"Hello! Ms. Lee-" Don't you dare speak my korean name! Hrrr!!

"Sige! Subukan mo!" Pag babanta ko sa kanya.


"Sorry! Anyway, maganda naman yung pinakita mong photos ng bahay." Komento ng aking best friend na nagngangalang Lisa.

"Maayos naman eh. Saka mura na kumpara sa mga nakita ko." Pag upo ko sa kama.

"Sigurado ka bang dyaan mo gustong mag tayo ng negosyo? Tsaka dyaan mo din ba balak mag aral?"

"Lisa, paulit ulit na lang tayo simula ng pagka lapag ko dito sa Philippines. Mas mura mag aral dito ng Education plus magiging maayos naman ang sisimulan kong business dito." Napa buntong hininga ako.

Maganda na ang buhay namin sa South Korea pag pilit ng magulang ko. Huwag na daw ako bumalik dito kasi wala naman na akong mahalagang balakin dito.

'Bakit kailangan ko pa daw bumalik'

"Kung nandyaan ka para muling balikan ang nakaraan mo, sigurado na kong naka move on na silang lahat sa pangyayari na 'yon." Pag sisimula ni Lisa.

"Dapat hindi kana bumalik dyaan." 'Tama ba si Lisa? Tama bang dapat hindi na ko bumalik dito? Tama bang naka move on na silang lahat?'

"Sige. Sige na. Bukas na lang tayo mag usap. Maaga pa ko bukas. Bye!" Pag baba ko agad sa tawag nya, dahil alam kong mangongonsensya na naman sya na bumalik ako doon. Tsk! Tsk!

Magulo pa din ang isip ko. Kailangan ko bang sundin ang nasa liham na binigay nya sakin? Tama bang ito ang isa sa mga naging dahilan ko para bumalik dito?

Paano?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon