KABANATA 11 (Edited)

2 2 0
                                    

HINDI MO PWEDENG MALAMAN
Paano: Kabanata 11

POV: YANNIE ENRIQUEZ

"Bakit mo biglang tinangihan yung bahay na binibenta ko noon?" Nanginginig ang mga kamay ko sa ilalim ng mesa ng naitanong nya sakin 'yon.

Hindi pa ko handang sabihin ang buong katotohanan. Hindi dapat tayo nag papang abot ng ganito. Anong gagawin kong palusot?

"Good morning! Mag umpisa na tayo!" Nabaling ang attensyon naming dalawa sa mga taong pumapasok sa store ni Tristan. Siguro akong mga empleyado nya ito.

Si Tristan  pala yung nakita kong lalaki na pinag iinteresan ng mga babae sa cafe kahapon.

Bagay na bagay pa din sa kanya ang service uniform na suot nya.

"Yannie?" Muling bumalik ang tingin sakin ni Romano.

Paano ako mag papalisot?

"Kase—" hrrr! Yannie mag isip ka! Tumingin ako sa paligid, "Mahalaga pa ba sayo 'yon? It's been 9 months already. Bagong taon na at iniisip mo pa din yung panahon na 'yon?"

Kalmado kong pag papalusot sa kanya.

"You have a point. Anyway, thank you dahil hindi mo din binili 'yon, doon ko kasi narealize lahat." Nakangiti nyang pag papaliwanag.

"Pero— bakit hindi mo tinangap di ba matagal mo ng pinapabenta yon?" Yeah, syempre I ask. I really wanted to know.
Sasabihin mo kaya? Sana...

"Well, those 9 months were really tough. You made me realize that I should face my sadness. Pinaganda ko ang bahay, at sinubukan kong mag move on." Ngumiti sya habang sumandal sa kinaupuan nya.

Napangiti ako sa mga sinabi nya. Matutuwa sayo si Adeline. Natutuwa ang puso nya sayo. Masaya akong marinig 'yan galing sa bibig mo.

Tanging ngiti at tango lang ang naging sagot ko sa mga sinabi nya.

Hindi pa din ako makapaniwala na handa pa din syang mag hayag ng nararamdaman nya kahit hindi pa kami gaanong mag kakilala.

"So, hindi mo pa din sasabihin ang dahilan?"

Umupo ako ng maayos.

"The reason why I cancelled the turn over of the house because nagka problema sa business ventures na sisimulan ko, so hindi ko muna kinuha ang bahay mo." Yeah, half true. Sana satisfied kana.

Tinitignan nya kong mabuti, feeling ko talaga nag dududa na sya sakin. "Ow! Ok. I hope for the best." Ayun na lang ang lumabas sa mga bibig nya.

"Here's your orders." Nilapag ni Tristan ang mga orders namin.

Kanina pa ko na mumula kada lumapit sya sakin. Napapalibutan ata ako ng mga gwapo! Pero hindi pwede 'to Yannie. Hindi ka pwede magka gusto din kay Romano. No! No! No!

Tinabihan ako Tristan, "Tikman mo na! Bagong bake ko na Red Velvet cake yan!" Tinaas baba nya ang kilay nya.

"Nabangit kanina na mayroon tayong party para sa Education students. Pupunta ba tayo?" Sabay subo ni Romano ng pagkain nya habang tinitignan kaming dalawa.

"Hindi pa naman nila nasasabi yung theme ng party. Tsaka may classroom orientation pa tayo bukas." Pag kakasabi ni Tristan.

Napansin kong iinuman niya ang Macchiato ko! Ooohhh nooo!

"Ah— Ahhhh!" At ayun nga. Ininuman nya.

Napansin ni Romano ang pagka dismaya ko. Ngumiti lang sya at umiling.

"Oh no. I'm sorry kukuhanan na lang kita ng bago—" tumayo sya.

"Wag na! Ok lang."

...KINABUKASAN...

"Masyadong madaming pinapagawa sa majors natin."
Pag hihinaing ko kay Tristan.

"Mas marami naman tayong time kesa sa mga regular students."

Maagang nag sara ang cafe nya pag tapos namin umuwi galing school. Since parehas kami ng schedule, lagi kaming tumatambay
dito at sabay gumagawa ng mga projects at assignments.

"Anong lulutuin mo?"
Tinitignan ko sya habang nag luluto.

Nasa kitchen kami ng cafe ngayon, at kasalukuyan syang nag luluto.

"Pasta at steak." Ngiti nya sa'kin. "Can I ask you something?"

"Yeah. Sure."

"Hanseoul University graduate ka, right?"

"Yes?

"So taga Korea ka?"

"Yeah. Why did you ask?"
Nag tataka siguro kung bakit hindi ako singkit katulad nya? "If your thinking na hindi ako mukhang Korean because of my confections, half ako."

"No, hindi sa ganun. I mean, nag tataka ako kung bakit ka nandito?"
Nilapag na nya ang mga niluto nyang pasta at steak. "Eat?"

"Well, mas mura kasi kumuha ng Education dito plus gusto ko din umiwas  sa arrange marriage ng parents ko."

Napansin nyang hindi ko mahati ang steak ko kaya sya na mismo ang nag hati.

"Actually, same reason here! Last na pag balik ko doon may nag arrange silang ng date for me sa isang half korean na babae."

"Well, how did it go?"
Pag subo ko ng steak.

"Hindi sumipot yung babae kasi pumunta daw sya sa ibang bansa. Ikaw ba?"

"Hindi ko sumipot. Same reason din sa kadate mo, I decided na mag stay muna dito sa Philippines to pursue my units for Education."

"Out of the topic, nagka boyfriend kana ba?"

"Actually, meron akong Ex dati. 3 years ago, nag break din kami after 5 months. Ikaw?"

"Meron din first love, kaso we broke up because hindi nya kayang mag long distance relationship kami nung nag decide ako na dito na lang sa Philippines mag stay."
Napatango tango na lang ako, habang sinunod kong kinain ang pasta.

"Your pasta and steak is good! I mean I never had medium rare pero masarap."

"Oh no, sorry I didn't ask you kung anong doneness ng streak."

"It's ok, satisfied naman ang tummy ko."

"Nga pala, if I ask you to date me. Would you date me?"
WHAT! ARE YOU KIDDING ME?!

"HA?"

"If I ask you to date me, would you date me?"

Paano?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon