KABANATA 9 (Edited) 2 of 2

2 3 0
                                    

Ikalawang Parte
PAG SISIMULA

POV: YANNIE ENRIQUEZ

"Napatawag ka?"
Papunta ako sa isang malapit na cafe dito sa E.S.E.A.S. Nang biglang tumawag si Lisa sa'kin.

Siyam na buwan na din ang nakakalipas simula noong nag kita kami ng dating nobyo ni Adeline. Hindi ko pa din lubos maisip paano ko sya haharapin.

"Pupunta ako dyaan."
Napahinto ako sa pag lalakad. Anong pupunta ka dito? Di ba nasa South Korea ka ngayon?

"Hoy babae! Pupunta ka dito? Hibang kana ba?"

"Hindi ako nag bibiro. In fact boarding ko na ngayon! Hahahahaha!"
Hula ko. Pupunta sya dahil makikipag meet up sya sa isang Pilipino na nakilala nya sa chat. Napa irap na lang ako habang pumapasok sa cafe.

"Susuduin ba kita?"
Tanong ko sa kanya.

"Good afternoon Ma'am, can I take your order?"

"One Coffe Float, large. One Red Velvet cupcake, and one slice of cake Red Velvet."
Sabi ni Lisa sa kabilang linya. Alam na alam mo talaga ha?

Inuulit ko na lang ang mga sinabi nya sa telepono.

"About sa pag sundo, hindi na. Susuduin nya kasi ako! Mag kita tayo after one week."
Halatang halata ako ang kilig sa tono ng boses nya.

"Wag kang papabuntis!"

"Yes, Ma'am!"

Binaba ko na ang tawag nya, at sinumulan ng mag hanap ng mag pwepwestohan.

Mukhang sikat na sikat ang cafe na 'to ah? Napakadaming tao?

"Excuse me?"
Pag tawag ko ng pansin sa isang waiter.
Lumingon naman agad sya sakin.
"Can you help me find a vacant table? It looks like the cafe is full."

"Sure, Ma'am."

POV: ROMANO BAUTISTA

"Sino ba yang kausap mo? Busy ka ata."
Kanina pa naka harap si Chris sa cellphone nya pag kaalis pa lang namin sa E.S.E.A.S.

"Pre." Pinatong nya ang kamay nya sa balikat ko. "Boarding na daw yung eroplano nya, maiwan na kita. Bukas mo na lang ako ilibre sa cafe."
Tumakbo na sya papalayo para mag tawag ng taxi.

Nung mga nakaraang siyam na buwan, meron ng kinakausap si Chris na isang babae na taga South Korea. Hindi ko lubos maisip na mag dedating app ang aking matalik na kaibigan.

Siyam na buwan na din ang nakakalipas, simula ng hindi kami nag kita muli ni Yannie. Weird, pero lately sinubukan ko syang hanapin sa mga social media accounts nya. Ngunit, hindi ako nag tagumpay.

Hayaan ko na nga. Inisip ko na naman sya.

"Good afternoon Sir, can I take your order?"

"Miss, totoo ba yan? May Samgyupsal kayo sa second floor?"

"Yes Sir, would you like to have avail our service in Samgyupsal?"

Paano?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon