KABANATA 6 (Edited)

7 3 0
                                    

PAANONG PAG LISAN?
Paano: Kabanata 6

POV: Romano Bautista

"Pwede mo bang sabihin sakin, anong kwento ng bahay na 'to?"

Inaayos namin ang tanghalian na dala nya. Napangiti ako sa mga nilalabas nya sa brown paper bag. Mga pagkain din na gustong gusto ng aking dating nobya.

"Bakit ka ngumiti? Gusto mo ba ng mga dala ko?"

Napalingon ako sa kanya. Hangang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na kamukhang kamuha nya ang aking dating nobya. Teka, bakit ngayon na babangit ko na yung mga katagang nobya? Hay. Bakit kasi kamukhang kamuha mo sya.

"Ah. Wala may naalala lang ako. Tara, umupo kana."

Inurong ko ang upuan sa tabi ko. Hindi naman sya nag atubiling upo doon.

"Tungkol nga pala sa tanong mo kanina. Sisimulan ko..."

Binuksan na nya ang burger na nasaharapan nya. Handang handa na sya para makinig.

Napalibot ang mata ko sa paligid, at muli kong binalik ang tingin sa kanya. Handa ko na bang sabihin?

...NAKARAAN...

"Dapat bang ilagay ko dito ito?" Tanong nya sakin habang tinitignan ako.

"Maayos na yan." Nakangiti kong pang lingon sa kanya.

Ngumiti sya at muling tinitignan ang litrato na naka frame. Isang mejo malaking portrait naming dalawa na naka toga.

"Tara kain na tayo." Pag aya nya sakin sa maliit naming kitchen counter. Kita ko sa mga ngiti nya ang saya dahil sa wakas handa na kami para mag ipon sa aming dream house.

"Andami naman neto?" Pag upo ko. Tinitigan ko ang mga paborito naming pagkain sa mesa. "May importante bang okasyon?" Tanong ko sa kanya.

Limang taon na din kaming magkasintahan, sa tingin ko handa na kong mag propose sa kanya. Kahit alam kong hindi pa kami handa para sa kasal. Pero mapipigilan ko ba ang sarili ko? Gusto ko na sya makasama habang buhay.

Muli kong tinitigan ang isang maliit na kahon sa aking kamay, tinatago ko ito sa ilalim ng mesa habang nakatalikod sya sakin.

"Wala naman. Naalala ko kasi na limang taon na tayong mag kasama, kaya magandang i-celebrate yon di ba?" Pag harap nya sakin.

Agad kong tinago ang maliit na kahon sa saking bulsa.

"Anong ginawa mo?" Pag tataka nya, habang nilalapag ang plato sa harap ko.

"Ah wala yon. Nag text kasi yung head sa banko. Tara kain na tayo." Pag ngiti ko sa kanya.
Bakas pa din sa mukha nya ang pag tataka sa ginawa ko.


....KASALUKUYAN...

"Sisimulan mo na ba?" Pagkagat ni Yannie sa burger nya. Sinabayan ko sya sa pag subo ng chicken fillet na dala nya.

Ngumiti ako sa kanya.

"Mayroon akong nobya, limang taon naging kami." Panimula ko. "Handa na kong alukin sya para magpa kasal."

Paano?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon