"WHAAAAAAH!!!"
Isang malakas na tilian ang naririnig ko ngayon dito sa loob ng mall. Napangiti ako ng lumabas sa stage ang lalakeng kanina ko pa hinihintay kasabay ng paglabas nya ang babaeng si clarisse habang mag kaholding hands pa sila, kitang kita ko kung gaano kasaya ang mga mata ni jake na makita ang mga fans nilang dinudumog sila habang ako nakatayo at durog na durog na nakatingin sakanila.
"Bagay talaga kayo papa jake at mama clarisse!" rinig kong malakas na sigaw ng baklang idol na idol sila jake.
"Ja-risse! Ja-risse! Ja-risse!" sabay sabay pa nilang sigaw.
"Hello sainyo!" Malakas na sigaw ni clarrise sa mga fans nila.
"Maraming salamat sa mga pumunta, mahal na mahal ko kayo!" dagdag pa ni jake na mas lalong ikinadurog ko.
Pumunta ako ngayon dito sa SM SOUTHMALL para makita ang boyfriend kona unting unti ng naabot ang pangarap nyang pag aartista.
"Sana po panoodin nyo po ang aming bagong movie na 'Perfect Love' mapapanood nyo napo sila sa mga cinema. Salamat po sa pag suporta," masayang sabi ni clarisse habang kumakaway.
"Ate clarisse kayo napo ba ni jake? Nililigawan kana po ba nya? Sana kayo nalang!"
Sa mga oras na iyon parang hinihiling ko na sana mabingi nalang ako, mabingi nalang para hindi ko marinig ang mga salitang lumalabas sa mga taong taga suporta nila jake. Gusto kong sumigaw, gusto kong ipaalam sa lahat na ako, ako yung girlfriend ni jake pero hindi ko kaya dahil ayokong sirain ang pangarap na pinaghirapan ng mahal ko.
"Oo kami na," nakangiting sabi ni jake.
Napahawak ako sa dibdib ko na ngayon ay unti unti na namang sumisikip. Kasabay don ang parang pag hinto ng mundo, hindi sinasadyang napalingon saakin si jake. Kaya unti unti kong isinuot ang aking pekeng ngiti na punong puno ng pagsusuporta. Itinaas ko ang malaking banner na hawak ko,
HAPPY 5th ANNIVERSARY JAKE
ILOVEYOU!!
Kasabay non ang sunod sunod na pagpatak ng mga luha kona kanina pang nag babadyang tumulo.
Di rin naman nagtagal dahan dahan ko itong ibinaba at binitawan nalang ng kusa tapos umiiyak na tumalikod sakanila at dahan dahang inumpisahang lumakad papalayo.
"S-stella!" rinig kong malakas na tawag saakin ni jake habang hindi pako nakakalayo. Nakatingin na rin naman saakin lahat ng tao.
Kaya huminga ako ng malalim tapos ngumiting humarap sakanya habang pinupunasan ang mga luha ko. Itinaas ko ang kanang kamay ko at nagsign na 'ok lang ako'.
Tapos kumaway upang iparating sakanya na aalis na ako. Hindi na ako lumingon pa at tuluyan ng lumayo sakanila.
Sino nga ba ako para ipagpilitan ko pa yung sarili ko sa taong katulad nya? Sikat na sya. May kalove team syang sobrang ganda. Sa totoo lang wala akong laban. Kasi eto lang ako. Bakit Jake? Bakit?
Ako nga pala si Stella Hernandez. Ikekwento ko kung paano nga ba nag umpisa ang pagmamahalan namin ni Jake Rodriguez.
Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
PLAGIARISM IS A CRIME!
BINABASA MO ANG
KABILANG BUHAY (Finished)
Teen FictionMinsan sa buhay na'tin may tao talagang makakapag pasaya saatin. Hindi lang saya kundi kaya ring mag stay sa kahit anong ugaling mayroon tayo. May taong papahalagahan tayo, 'yung tipong ipaparamdaman na kamahal mahal tayo. Iingatan tayo. May mga tao...