CHAPTER 1

120 4 0
                                        

SIMULA.













STELLA HERNANDEZ.













"Ma bakit ba kasi tayo lumipat dito sa manila? Ok naman nako doon sa probinsya ah tahimik naman po doon tapos fresh air," reklamo ko habang pakamot kamot pa ng ulo.






"Anak kailangan nating lumipat dito sa manila para sa pag aaral mo at para kapag inatake kana naman ng asthma mo madadala ka kaagad namin sa hospital," mahinanong sagot ni mama habang hinahanda ang pagkain ko.








"Ma kung kailan malapit nakong gurmaduate e, pero hayaan nyo na nga lang mukhang maganda naman po yung school na papasukan ko e."







"O sya pumasok kana't baka malate kapa stella."







"Sige po babyeeee!"






Ng makarating nako sa school na papasukan ko ay pinagtitinginan agad ako ng mga tao, hays parang ngayon lang sila nakakita ng cute ha? charot haha.







"Miss!" halos mapatalon ako sa gulat ng may biglang ng gulat saakin mula sa likuran ko.






"Gulat ka no? Pogi ko no?" Tapos natatawang sabi nya kaya napapikit ako ng mariin ng maramdaman kong sumikit yung dibdib ko. Sino ba kase tong halimaw na to bigla bigla nalang ng gugulat close tayo?







"Hoy o-ok kalang b-ba?" bigla syang nataranta ng makita nya kong napaupo sa sahig habang hindi makahinga.







"T-tulungan m-moko." dahan dahang nandilin yung paningin ko hanggang sa tuluyan nakong napapikit.








"M-miss g-gising! H-hoy!"








Ayun nalang ang mga salitang huling narinig ko ng bigla akong nagising. Puti yung paligid ko. Hala mygadd Lord kukunin nyo napo ba ako? Wag papo diko papo nakikita ang prince charming ko!







Napalingon lingon ako ng marealized kong nasa clinic lang pala ako hays osige na oa nako haha.








Bigla akong napatingin sa lalakeng natutulog sa may gilid ng lamesa dito sa clinic. Teka sya yung lalakeng ng gulat sakin ah? Sya yung siraulong halimaw na alien na ng gulat sakin kaya inatake ako ng hika ko! bwisit to lakas pang matulog tse!








Tinanggal ko ng dahan dahan yung inhaler mask (di alam ni author tawag don haha basta yun nayon) tapos tumayo at nilapitan si halimaw na alien. Gugulatin ko sana sya kaso bigla akong napatitig sa maamo nyang mukha, ngayon ko lang narealized na ang gwapo nya pala at ang amo amo ng itsura nya lalo na kapag tulog, sana tulog nalang palagi sya no?








"Bat moko tinititigan? Crush moko no?" Medjo nagulat ako ng magsalita sya. Potek gising na pala sya edi nahuli nya kong nakatitig sakanya? Oh noes!







"Hoy ang kapal mo naman! Bakit naman ako magkakacrush sayo? Sino kaba?" Kinakabahang inirapan ko sya.







"Kaya moko tinititigan habang natutulog kase may gusto ka sakin tapos nagagwapuhan ka sakin?"







"Huwaw napakahangin mo naman!" inis kong sagot. "At ikaw na lalake ka!" mariing itinuro ko sya. "Ikaw ang may dahilan kung bakit ako inatake ng asthma at kung bakit ako nandito ngayon sa clinic kase ginulat moko!"








"Ah parang ganto ba?" Ikinagulat ko ang ginawa nya bigla nyang inilapit ang mukha nya saakin kaya napatitig ako sa mga mata nya dahan dahan ding bumaba ang tingin ko sa mapula nyang labi. Hindi ko alam ang nararamdaman ko sa ngayon. Ang bilis ng tibok ng puso ko, hindi ako makahinga.








Itinulak ko sya bago kopa ituloy ang binabalak ko haha chareng. Hindi na naman talaga ako makahinga kaya mahina kong pinalo palo ang dibdib ko.








"Pwede ba layuan moko! Sino kaba ha?" galit na sabi ko na ikinagulat nya. galit na galit talaga ako habang nakatingin sakanya. Basta naiinis ako! nakakainis sya!







"S-sorry binibiro lang naman kita e." parang nakokonsensya nyang sabi. "Atsaka bakit ba palagi ka nalang nahawak sa dibdib mo? May sakit kaba?"









"Ay siguro wala no? Sa totoo lang ok na ok ako lalo na yung ginulat moko kanina kaya nga nahimatay ako kase wala akong asthma no? Sobrang nakakahinga nga ako e grabe!" sarcastic pero inis na inis kong sinabi sakanya.







"S-sorry. Hindi ko naman alam na may asthma ka pala e, napag utusan lang ako ng mga tropa ko gulatin ko daw yung babaeng bago lang sa paningin ko tapos ayun nakita kita kaya ginulat kita, s-sorry talaga." napayuko sya kaya parang feeling ko nakonsensya ako sa mga nasabi ko.







"Okay lang yon atlis nagsorry ka,"







"Salamat." Tapos bigla nya naman akong niyakap na ikinagulat ko. Ng makakalas sya saakin ay bigla syang nagsalita. "Yakap lang yun wag kang mafofall ah?"







Hays napakahangin talaga! Sa inis ko ay sinipa ko sya sa ano nya ang laki nga e sa paa nya haha kala nyo sa ano no? no way!








"Arghh! Aray!"








"Napakahangin mo talagang halimaw ka!" iniwan kona syang aray ng aray sa clinic. Para kasing sira lakas mang asara tsk.

























vote.comment.follow

KABILANG BUHAY (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon