KINABUKASAN.
Nasa kalagitnaan ako ng pakikinig sa teacher ko na nagtuturo ng bigla may malakas na bumukas ng pinto.
"Sorry I'm late." walang ganang sabi nya habang gulo gulo yung buhok na halatang parang kakagising lang tapos umupo agad sa upuan nya na nasa kaliwa ko lang pero may malaking space sa gitna namin at tumungo para matulog. Kahit magulo yung buhok nya ang gwapo nya pa den hays pero ang bastos nya naman may nagtuturo tapos tutulugan nya lang!
"Mr. Rodriguez late kana nga tapos tutulugan mopa kami ano ka boss?" masungit na sabi ng teacher namin.
"Buti nga." bulong ko😀
"Sorry ma'am puyat lang po kasi talaga ako."
"At ano namang katarantaduhan ang ginawa mo't napuyat ka?!" gigil na tanong ni ma'am bulldog mukha syang aso gaiz charot haha!
"Ma'am magiging artista na ata 'to 'no!" sabay kindat kaya yung iba naming classmate kinilig.
"Manahimik! Mga malalandi kayo! At ikaw mr. Rodriguez anong artista ka jan? wala akong pake kung sumikat ka man or maging artista basta labas!!"
"Tsk eto na nga po ma'am lalabas napo." Tapos nakangiti nyang sabi habang nang aasar na lumabas.
Nag umpisa na ulet magturo si ma'am pero yung isip ko lumilipad hindi ko maiwasang isipin si mr. Rodriguez daw, mag aartista na kaya sya? Sabagay gwapo sya di malayong marating nya agad yung pangarap nya.
"Ms. Hernandez tinatanong kita!" Nagulat ako ng may bulldog na nasa harapan ko. ayy sowy pasmado haha.
"Ha ano po 'y-yun?"
"What is scientific elements?" Kunot noong tanong ni ma'am hays mukha talaga syang bulldog haha chawot.
"Ma'am basic!"
"Basic naman pala e ano yung sagot mo?"
"Edi itanong nyo sa mga scientist wala naman po akong kinalaman dyan inosente po ako," biglang nagtawanan lahat ng classmate ko at si ma'am parang asong dragon na bubuga ng apoy anytime😀
"GRR!! LABAAAAASSSS!!!!"
Napatango tango akong lumabas. Jusko Stella ano bang katangahan ang ginawa mo! Hays.
"Iba ka den palang mang pikon bwahahhaha!" tawang tawa nyang sabi habang nakahawak sa tyan nya.
"Totoo naman kasi bwahahahha!" Tapos nakitawa na rin ako.
"BWAHAHHAHAHHAHA SAME VIBES!" sabay nag apir kami potek haha.
vote.comment.follow
BINABASA MO ANG
KABILANG BUHAY (Finished)
Novela JuvenilMinsan sa buhay na'tin may tao talagang makakapag pasaya saatin. Hindi lang saya kundi kaya ring mag stay sa kahit anong ugaling mayroon tayo. May taong papahalagahan tayo, 'yung tipong ipaparamdaman na kamahal mahal tayo. Iingatan tayo. May mga tao...