EPILOGUE

58 6 1
                                    

STELLA.











Naglalakad ako ngayon sa loob ng lim de mesa habang papunta sa baong kung saan nakahiga si jake. Ng tuluyan akong nakalapit parang pinipiga 'yung puso ko habang nakikita ko syang parang mahimbing na natutulog. Unti unti kong binuksan ng buo ang kabaong at napangiti habang nakahawak sa pisngi nya.







"Mahal gising na." ang amo amo nya pa rin talaga habang natutulog. "Ang gwapo mo pa rin mahal ko kaya mahal, please bangon kana," Tumulo ang mga luha ko.





"Mahal sabi ko bumangon kana.." nakapikit pa rin sya. Hindi ko kasi kayang tanggapin na wala na sya e hindi ko kaya! "Jake naman gumising kana! Pleaseeeeee!!" napaupo ako at napatungo habang umiiyak.





"Sabi mo dimo ko iiwan diba? Sabi mo mag papakasal pa tayo? Sabi mo sabay tayong tatanda! Andaya mo naman jake! Andaya daya mo iniwan mo nalang ako bigla!" Mas lalo akong napahagulgol.






"Jake alam mo namang hindi ko kaya 'to diba? Jake naman bakit mo 'to ginawa?! Bakit jake? Bakit mo binigay 'yung puso mo saakin?! May pangarap kapa jake e diba!! Bakit mo 'to ginawa? Dapat ako 'yung nanadyan hindi ikaw.." umiyak nalang ako ng umiyak at napahawak ng mahigpit sa kamay ng taong mahal na mahal kona ngayon ay natutulog na at hinding hindi na muli pang gigising.







"Jake sana dumating araw na tayong dalawa ulit. Sana walang mawala sa atin pareho. Gusto pa kitang makasama. Kahit gaano katagal hihintayin kita.."






Ng medyo napagod ako sa pag iyak pinunasan ko ang mga luha ko inilapit ko ang mukha ko sakanya. "Iloveyou mahal," habang sinasabi ko 'yun ay natuluan ko ng luha ang pisngi nya pero hindi ko pa rin 'yun pinansin. Hinalikan ko sya sa kanyang noo at sunod sa kanyang malambot at mapulang labi.







"Stella." may tumawag saakin kaya napaharap ako dito, si clarisse. "Pwede ba tayong mag usap?"






Napatango nalamang ako sakanya. Bago kami umalis doon ay inayos ko muna ang kabaong kung saan nakahiga ang mahal ko.







Nandito kami ngayon ni clarrise sa park at tag isang nakaupo sa duyan. Nakatulala lang ako habang pinagmamasdan kong lumubog ang araw.






"Stella sorry for what I did to you." narinig kong sabi ni clarisse kaya nabaling ang paningin ko sakanya.






"Napatawad na kita." Tapos ngumiti ako sakanya.





Ngumiti rin naman sya saakin habang may namumuong luha sa mga mata nya.





"Kaya nagawa ko 'yun sayo dahil naiinggit ako sayo stella. Naiinggit ako dahil sobrang swerte mo kay Jake.." Napatingin sya sa langit sabay tumulo ang luha nya. "Akala ko kasi kapag inagaw ko sya sayo ay gagawin nya rin saakin 'yung mga ginagawa nya sayo but im was wrong." Napayuko sya.






"Sobrang mahal ka ni jake stella, hindi ka nya kayang lokohin. I also never thought he would be able to sacrifice his own life for you. Noong nalaman nyang may butas ang puso mo palaging syang tulala sa taping, he always cried stella because he was afraid of losing you." napatingin muli sya sa akin habang umiiyak.





"Im so sorry stella.." mas lalo syang napaiyak.






Napangiti naman ako habang pumapatak ang mga luha ko. "Naiitindihan kita clarisse." tumayo ako at lumapit sakanya at niyakap sya. Parehas kaming umiyak.






Hindi rin naman nag tagal ay pinunasan nya yung luha nya at inayos nya ang kanyang sarili. "By the way may gustong ipabigay sayo si jake bago sya nawala." may kinuha syang mga papel sa bag nya. "Yung isang 'to letter nya 'to for you, at 'yung isang to ay 'yung kontrata para salahat ng sweldo nya sa pag aartista. Pangalan mo ang isinulat nya at lahat ng sweldo nya sayo mapupunta," tapos ngumiti sya. "Gusto nyang puntahan mo at ng magiging anak nyo 'yung lugar na dapat nyong pupuntahan nung nabubuhay pa sya."






Nag tataka ko itong tinanggap. "Huh? A-anong magiging anak namin?" hindi sya sumagot ngumiti na lamang sya at muling tuluyang umalis.







Napatulala ako sa mga hawak kong papel. Muli akong napaupo sa duyan. Binuksan ko ang letter na pinapabigay saakin ni jake at inumpisahang basahin ito.










Dear stella,







"Mahal alam kong nababasa mo 'to ngayon na wala na ako. Mahal ayaw kitang nakikitang nahihirapan e, ayaw kitang makitang mawalan ng buhay hindi ko kaya mahal kaya gumawa ako ng paraan para hindi mangyari ang mga bagay na'yun. Mahal patawarin moko ha? Patawad mahal ko. Sorry kung iniwan kita agad.. Sorry kasi hindi kona matutupad lahat ng pangarap nating dalawa. Mahal sorry ha kung iniwan kita ng biglaan. Wag mong isipin 'yung pangarap na naabot kona, sapat na sakin na naging sikat akong actor ng sandaling panahon at sapat na saakin na dumating ka sa buhay ko. Alam moba mahal na ikaw 'yung magandang nangyari sa buhay ko. Alam mo mahal noong una kitang nakita sobrang nagagandahan ako sayo, kahit saang anggulo ang ganda ganda pa rin ng mahal ko at hinding hindi ako magsasawang titigan ka, sayang nga lang dahil hindi kona ulit masisilayan 'yang ganda mo."









Walang ibang ginawa ang mga mata ko kundi umiyak ng umiyak habang binabasa ang liham ni jake para saakin. Mahal ang sakit hindi ko kaya.






"Mahal gusto kong ipangako mo saakin na hindi mo sasayangin ang pangalang buhay mona yan ha? Mahal wag ka ng umiyak mahal sige ka mumultuhin kita haha de joke lang po mahal. Wag kang mag alala mahal kahit wala na ako palagi pa rin akong andyan para sayo. Kahit hindi mo nako nakikita nandyan pa rin ako palagi sa tabi mo. Yayakapin kita palagi mahal kasi mahal na mahal kita. Noong nalaman kong may sakit ka sobrang nasaktan ako mahal :< alam moba hindi kita kayang mawala mas lalong naging buo ang desisyon kona idonor ang puso ko sayo ng malaman kona may bata na pala sa sinapupunan mo. Sorry mahal ha? Handa akong isakripisyo 'yung buhay ko para sainyong dalawa ng magiging anak natin. Wag masyadong mag papakastress mahal wag mo akong isipin palagi dahil nasa heaven nako ngayon. Kapag namimiss moko gusto ko tumingin ka sa langit at ngumiti ka..
Mahal ipangako mo saakin na iingatan mo 'yang puso ko ah? Mahal hindi na palagi sisikip 'yung dibdib mo, magiging normal na ang bawat paghinga mo. Makita lang kitang hindi nahihirapan masaya na ako. I love you stella hernandez. Mahal kita stella sobrang mahal na mahal..








Wag kang mag alala hihintayin kita mahal, hihintayin kita sa ating pangalawang buhay.







Nagmamahal mong gwapong asawa,
Jake Rodriguez.











Mas lalo akong napahagulgol ng matapos ko ang sulat ni jake para saakin. Iyak lang ako ng iyak.







Ng medyo nahimasmasan ako napahawak ako sa tyan ko. "Buntis ako? Si jake ang ama.." Bigla akong napangiti habang hindi pa rin tumitigil ang agos ng mga luha ko.







Napapikit ako at dahan dahang ko ring iminulat ang mga mata ko at tumingala sa langit.






Ngumiti ako habang umiiyak dahil alam kong magiging masaya si jake kapag nakangiti ako. Muli akong pumikit at dinama ang paligid.






Biglang humangin ng malakas kaya napadilat ako at napatayo. Bigla akong napangiti ng makita ko si jake na nakangiti ng matamis sa akin. Ang gwapo talaga ng boyfriend ko.







Dahan dahan ko itong nilapitan at mahigpit na mahigpit na niyakap habang nararamdaman kong lumiliwanag saaming paligid.











"Mamimiss kita jake. Mahal na mahal na mahal kita."









"Mamimiss din kita stella. Mahal na mahal kita stella."

KABILANG BUHAY (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon