LUMIPAS ANG ISANG BUWAN.
Walang ibang ginawa si jake kundi pumunta sa taping nila at isama ako pero madalas ko itong tinatanggihan dahil ayokong mailang si jake, ayokong ako 'yung palaging isipin nya kasi gusto ko nakafocus lang sya palagi sa trabaho nya. Pero minsan sumasama ako sakanya at nakikita ko kung paano umarte ang boyfriend ko at ang galing nya talaga.
"Ang galing talaga ng boyfriend ko," Mahinang sabi ko na nakatingin sakanila habang nagtataping sila.
"I like you claire, so please come back to me and let's start again.. I promise I will take care of you and I will never leave you again.." sabi ni jake habang nakatitig sa mga mata ni clarisse. Claire kasi ang pangalan ni clarrise sa movie nilang 'Perfect Love' at si jake naman James.
"I will give you a second chance, I hope it does not lead to pain again," Napatango tango si clarisse at niyakap si jake.
"And cut!" malakas na sigaw ng derector kaya kumalas na agad si jake sa pag yayakapan nila ni clarisse at nag paalam na rin para puntahan ako sa pwesto ko.
"Ahmm mahal nagugutom kaba? Nilutuan kita ng adobo," tapos kinuha ko sa bag ko 'yung pagkaing niluto ko sakanya.
"Sige mahal tapusin ko lang 'to saka nako kakain tapos uwi na rin tayo." Halatang napapagod nasi Jake dahil nakailang cut din sila. Napaupo sya at uminom ng tubig.
"Mahal sorry ha hindi ako makakasabay sayo pauwi kasi mauuna nako ngayon e." He looked at me full of disappointment.
"Ha saan ka naman pupunta?"
"Uuwi na kasi ko mahal medyo sumama kasi 'yung pakiramdam ko."
"Mahal sorry, I hope you understand that it was just a job at walang malisya don.." tapos napahawak sya sa kamay ko.
"Alam ko naman mahal wala sakin 'yun gusto ko lang talaga muna mag pahinga sana maitindihan mo ko."
Magsasalita pa sana sya kaso bigla syang tinawag ng director mag sisimula na raw sila ulit kaya tumayo sya at nagpaalam saakin. "Mahal tinatawag nako e usap nalang tayo sa call mamaya," tapos tumayo na sya.
"Osige po ilovey---" I could not continue what I was about to say because he was back on the set and focused on what they would do next.
Napangiti nalang ako ng pilit at napahinga ng malalim. Tumayo nako at inayos 'yung mga gamit ko. I put the food I cooked in his bag and stood up to leave. Bago ako tuluyang umalis ay tumingin ako kay jake na ngayon ay may hawak na papel at pinapractice ng paulit ulit 'yung line na sasabihin nya mamaya. I waited a few seconds for him to look back at me but I failed kaya napayuko ako at tuluyan ng umalis. Naghanap ako ng taxi.
Ng makasakay ako tsaka ako napaisip. Bakit ganon? Feeling ko wala na sakin 'yung atensyon ni jake. Feeling ko iba na kami ngayon. Bakit? Bakit nasasaktan ako? Mas na kay clarisse na 'yung atensyon nya ngayon dahil katrabaho nya ito. Naiitindihan ko naman e pangarap nya 'to. Pinilit ko sya na tanggapin 'yung movie na 'yun pero bakit parang ang sakit?
I took a deep breath and closed my eyes and just thought that maybe naninibago lang ako dahil na sanay ako na kami ni jake 'yung palaging magkasama.
"I like you claire, so please come back to me and let's start again.. I promise I will take care of you and I will never leave you again.."
Biglang nag flashback sa isip ko ang mga sinabi ni jake kanina kay clarisse. Hays bakit ba kung ano anong pinag iisip ko? Trabaho lang 'yun! Walang malisya 'yun para kay jake! Napadilat ako at napahawak sa dibdib ko na ngayon ay sumisikip na naman.
"Ija ok ka lang ba?! ijaaaa!"
Ayun nalang 'yung huling narinig ko at hindi kona alam kung anong nangyari.
Isang linggo na ang nakalipas nung nawalan ako ng malay sa taxi. Ngayon ay nasa hospital ako nakahiga at hindi pa rin nakakauwi saamin. Nakita ko si mama na nakatungo sa kama na hinihigaan ko.
Napaangat 'yung ulo nya at dumilat 'yung mga mata nya. "Gising kana pala anak mabuti naman." ngumiti lang ako. "Nagugutom kaba? Gusto mobang bumili ako ng makakain mo?" Napatango nalang ako dahil nagugutom din naman ako.
Bago pa makaalis si mama ay pinigilan ko muna sya. "Si jake poba? Nakapunta napo ba sya dito?"
"Ha? Hindi pa anak e alam mo namang may trabaho 'yun anak hindi 'yun basta basta makakapunta dito."
"Ah ganon poba?" Napatango nalang ako. Umalis na rin ang mama ko para bumili ng makakain ko.
Hindi ko maiwasang madismaya. Nasasaktan ako. Bakit? Bakit hindi nya man lang ako binisita dito sa hospital? Alam nya kaya na andito ako?
Bigla na lamang tumulo 'yung luha ko tsaka binuhos ko yung sakit na nararamdaman ko. "Miss na miss na kita jake." sabi ko habang sunod sunod na tumutulo ang mga luha.
vote.comment.follow
BINABASA MO ANG
KABILANG BUHAY (Finished)
Novela JuvenilMinsan sa buhay na'tin may tao talagang makakapag pasaya saatin. Hindi lang saya kundi kaya ring mag stay sa kahit anong ugaling mayroon tayo. May taong papahalagahan tayo, 'yung tipong ipaparamdaman na kamahal mahal tayo. Iingatan tayo. May mga tao...