JAKE.
Hapon na kaya umalis nako sa bahay upang puntahan si stella sa bahay nila. Ng nakarating ako sakanila ay sumalubong saakin sina't tito at tita.
"Magandang hapon po tita, tito." Nagmano ako at nginitian sila parehas. Nginitian lang din nila ko pabalik pero napansin kong parang pilit lang. "Sya nga po pala nanjan poba si ste----"
"Wala." bigla akong nagtaka sa sinagot ni tito. Bakit parang ang cold nya?
"Huh? Saan po sya nagpunta? Wala naman po syang sinabi na aalis sya." Nag tataka pa rin ako.
"Pasensya na ijo pero umalis kasi ngayon si stella may iportanteng lakad syang pinuntahan pwede bang sa ibang araw ka nalang bumalik dito?" Mahinahong sabi ni tita kaya napatango nalang ako at nag paalam na ring mauna nako.
Ng nakasakay ako sa kotse ko nagtataka na talaga ko at nag aalala. "Kanina lang naman mag kausap kami ni stella hindi man lang sya nag paalam na aalis pala sya hays nakakainis talaga 'yung babaeng 'yun." bulong ko sa sarili ko kaya napailing iling ako at tuluyang pinaandar ang kotse ko pauwi saamin.
"Siguro nagtatampo 'yun dahil hindi ko tinanggap 'yung proposal nila derect para sa movie na ako ang gaganap na leading man ni clarisse, hays hindi kopa pala nasasabi sakanya nasi clarisse 'yung makakasama ko sa set na 'yun,"
STELLA
Paglipas ng ilang araw ay naging ok naman na ako pero hindi ko pa rin maitindihan dahil sa tuwing tinatanong ko sila mama't papa ay tanging sagot lang nila ay hikain ako pero napakadaming gamot ang palagi nilang binibili para saakin araw araw. Hays siguro nga hika lang 'to.
*Knock knock!*
Napatayo ako habang nanonood ng tv tapos binuksan din naman 'yung pinto at bumungad saakin si jake na ang laki ng ngiti kaya agad ko syang niyakap ng mahigpit sobrang higpit.
"Sobrang miss kita," naiiyak kong sabi habang nakayakap sakanya.
"Imissyouuuuusomuch," bulong nya rin saakin.
Pagtapos namin mag yakapan pinaupo ko sya sa sofa dahil may sasabihin daw sya saakin.
Hinawakan nya ko sa kamay at tinitigan. "Mahal? Bakit ang putla mo? Ok ka lang ba?" Nag tatakang tanong nya kaya napaiwas ako ng tingin tapos ngumiti ng mapakla.
"Mahal hindi ako nakalipstick kaya maputla ako,"
"Pero mahal iba kasi ngayon yung pagiging maputla mo,"
Huminga ako ng malalim bago tumingin sa mga mata ni jake. "Iloveyou," sabi ko at ngumiti ng matamis sakanya. "Ano nga pala 'yung sasabihin mo sakin?"
"Ah 'yun ba? Napag isipan kona rin kasi na tanggapin kona lang 'yung inaalok nila derect, ayoko kasing magalit ka kapag tinanggihan ko. At bukas na agad 'yung taping namin."
Napangiti ako. "Talaga? Buti naman nag bago pa 'yung isip mo."
"Syempre sabi mo e haha. Sya nga pala mahal makakasama ko dun si clarisse, ok lang ba sayo?"
"Ha? Oo naman makakasama lang naman e."
"Sya rin 'yung magiging girlfriend ko sa palabas na 'yun ok lang ba sayo?" Dahil sa sunod na sinabi ni jake parang bigla akong nawalan ng gana habang nakatingin sakanya.
Ngumiti ako. "H-ha oo naman! Atsaka ok lang yun ganon talaga artista 'yung boyfriend ko e."
"Sigurado kaba mahal? Baka kasi magselos ka pero swear walang malisya 'yun at isa pa trabaho 'yung iniisip ko kasi pagtapos ng project na 'yun malaki 'yung isusweldo sakin at iniisip kona mapupunta na kita sa korea, new york, sa icelands saan ba gusto mo mahal?" Halata sa mga mata nya na excited na syang matapos agad yung project na yun.
Napangiti ako. "Kahit sa palawan lang or sa batanes ok na sakin 'yun."
"Ayaw mo bang pumunta sa ibang bansa?"
"Syempre gusto ko pero mas maganda kung magtatravel tayo muna tayo dito sa pilipinas diba?"
"Hmm," nag isip isip sya tapos nakangiting tumingin sakin. hays napaka gwapo talaga. "Oo nga 'no. Osige mahal gusto moba pumunta na agad tayo sa palawan at batanes next week?"
"Ha? Agad agad?"
"Oo naman."
"Mahal magiging busy ka kaya sa susunod na kapag tapos ng project nyo."
Napapout sya. "Sige na nga. Pero promise mahal ipupunta kita sa lahat ng lugar na gusto mo."
Ngumiti ako at napayakap sakanya. "Salamat jake,"
"Iloveyou stella,"
"Iloveyouto jake."
vote.comment.follow
BINABASA MO ANG
KABILANG BUHAY (Finished)
Fiksi RemajaMinsan sa buhay na'tin may tao talagang makakapag pasaya saatin. Hindi lang saya kundi kaya ring mag stay sa kahit anong ugaling mayroon tayo. May taong papahalagahan tayo, 'yung tipong ipaparamdaman na kamahal mahal tayo. Iingatan tayo. May mga tao...