LUMIPAS ANG ILANG YEARS.
3 years na kami ni jake ngayong araw kaya maaga palang umalis nako pumunta na agad ako sa mall para bumili ng ireregalo sakanya. Bumili ako ng damit para saming dalawa at shorts na rin pati nike na steppin para couple kami. Pero pag balik ko sa bahay sila mama't papa ang laki ng ngiti.
"Oh why are you smiling there??" Medyo natatawa kong tanong.
"Wala anak naisip lang kasi namin ng papa mona sobrang swerte mo sa boyfriend mong si Jake," nakangiting sabi ni mama habang hinahawi ang buhok ko.
"Akalain mo 'yun anak may artista kang boyfriend na maalaga, mabait, gwapo." Sabi ni papa kaya napangiti ako.
"Ma, Pa sobrang salamat po kasi pumayag kayo na mag kaboyfriend ako. At 3 years napo kami ngayon," kinikilig kong sabi.
"Pero 'yung puso anak ha wag sobra sobra ang pag mamahal na ibigay mo sakanya dahil sa huli baka ikaw lang din 'yung kawawa. Alam mo namang mahina 'yang puso mo," nag aalala sabi ni papa.
"Pa mahal kopo si Jake at hindi naman po siguro masasayang 'yung pag mamahal na ibibigay ko sakanya diba kasi mahal nya rin naman po ako."
Napatango tango nalang sila pero paulit ulit nilang pinapaalala 'yung puso ko. Hays it's just simple asthma it will also disappear kaya wala silang dapat ikabahala. I just went up to my room to arrange the gifts that i would give to my boyfriend. Pero pag pasok ko sa kwarto ko sobrang dilim kaya nag taka ako.
"Brownout ba?" tanong ko sa sarili ko.
I pressed the switch to turn on the light. Ng nagkaroon na ng liwanag ay nagulat ako sa mga nakikita ko ngayon.
'Yung kama ko naging puti yung bedsheet pati na rin 'yung mga punda tapos may heart na nakalagay dito gamit ang hibla ng red roses. Ang daming baloons kulay red at kulay white at silver sa buong kwarto ko tapos sa may kama ko rin naman nakakalat ang iba't ibang litrato namin ng taong mahal kong si jake. Sa itaas ng mga baloons may nakasulat na..
HAPPY 3RD ANNIVERSARY MAHAL.
I don't know how I should feel right now. Naiiyak ako na sobrang saya. Halo halo 'yung nararamdaman ko ngayon at medyo sumisikip na rin 'yung dibdib ko. As my tears flowed I saw jake smiling sweetly as he approached where I was. May hawak syang isang banquet ng red roses tapos iniabot nya saakin 'yun ng di pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi. Ang gwapo gwapo talaga ng boyfriend ko!
"Happy 3rd anniversary mahal," sabi nya sabay halik sa labi ko.
"Happy 3rd anniversary den mahal sobrang sweet mo talaga, sobrang speechless ako ngayon kasi akala ko talaga nakalimutan mo 'yung anniversary natin," naiiyak kong sabi tapos pinunasan nya 'yung pisngi kong natuluan ng luha.
"Kasabwa't ko ata sila tito't tita 'no haha. Wag ka ng umiyak alam ko namang nakakita kana naman ng gwapo e haha." dahil sa sinabi nyang yon hinampas ko sya ng mahina gamit ang kamay ko.
"Siraulo ka talaga e 'no ang hangin hangin mopa din pasalamat ka mahal kita!" nag tawanan kaming dalawa tapos nag lambingan syempre.
"Iloveyou mahal."
"Iloveyou moreeee mahal ko.."
Sobrang saya ko noong araw na iyon at sama sama rin kaming kumain ng mga pag kaing dala nya. Minsan naiisip ko sana maulit nalang ulit ang lahat. Atsaka bawat picture namin dinidikit kona sa pader ng kwarto ko. Wala lang gusto ko lang kasi makita kung gaano kami kasaya palagi.
vote.comment.follow

BINABASA MO ANG
KABILANG BUHAY (Finished)
Подростковая литератураMinsan sa buhay na'tin may tao talagang makakapag pasaya saatin. Hindi lang saya kundi kaya ring mag stay sa kahit anong ugaling mayroon tayo. May taong papahalagahan tayo, 'yung tipong ipaparamdaman na kamahal mahal tayo. Iingatan tayo. May mga tao...