CHAPTER 4

60 4 0
                                    

LUMIPAS ANG ILANG BUWAN.















Ilang buwan din syang nanligaw saakin tuwing papasok ako lagi nya ko sinusundo kasi naka kotse naman sya wow yayamanin haha tapos tuwing academic nag kakasundo kami salahat ng bagay. Sinasakyan nya mga katarantaduhan ko ganon din naman ako sakanya. Palagi nya kong nililibre, minsan nga hiyang hiya na talaga ko tanggapin mga binibigay nya sakin kasi sobra sobra na pero kapag hindi ko yon tinatanggap nag tatampo sya kaya syempre wala akong magawa kundi tanggapin nalang malay koba sa lalakeng yun hindi nauubusan ng pera sana all haha.










Palagi rin kaming magkasama buong school namin kaya may kumakalat na kami na daw pero di namin pinapansin yung ibang tao na hinuhusgahan kami kesyo kabago bago ko palang daw sa school na 'to ang harot harot kona. Hindi kami mapaghiwalay at dun ko sya mas lalong nakikilala. Sobrang bait nya, sobrang siraulo, sobrang abnormal, napakahangin, sobrang daldal oo gaiz apakadaldal haha.









Hindi rin naman nagtagal sinagot ko na sya dahil kitang kita ko naman kung gaano sya ka seryoso at kaeffort para saming dalawa. Sobrang saya nya nung araw na yon sobrang saya naming dalawa.








"Mahal ko," tawag nya sakin habang kalaki laki ng ngiti. Nasa bahay kami. Kami lang dalawa dahil nasa work sina mama't papa.







"Po mahal ko?" sabi ko habang nagbebake ng paborito naming brownies.







"Mahaaaaaaal.." sabay yakap sa likuran ko.







"Mahal ano ba yung sasabihin mo? Sabihin mona po." tinanggal ko yung yakap nya saakin tapos nag tatakang humarap sakanya.








"May nag invite kase sakin na mag guess sa isang tv show mahal, at andaming directors ang nag memessage sakin para kuhaing artista. Andaming blessings yung pumapasok sakin simula nung dumating ka sa buhay ko stella. Feel ko ikaw yung lucky charm ko kaya sobrang mahal na mahal kita e." kitang kita ko sa kanya yung saya na nararamdaman nya ngayon. Matagal nya na 'ring kinukwento sakin na gusto nya maging sikat na artista pangarap nya na 'yon bata palang sya pero ngayon lang sya nagkaroon ng lakas ng loob upang kumilos para tuparin 'yung mga pangarap nya na 'yun.








"Alam mo sobrang saya ko para sayo. Alam kona ayan talaga 'yung pangarap na gusto mo, mahal konting tiis nalang mas lalong sisikat kana," diko maiwasang maexcite para sakanya kaya niyakap ko sya ng mahigpit na mahigpit.






"Tapos kapag sumikat ako mal ipag sisigawan ko sa buong mundo na ikaw lang ang mahal ko, parang ganto mahal o.." ibinababa nya ko tapos taas noo syang humarap saakin tsaka hinawi hawi ang buhok nya na mas lalong ikinagwapo nya. "Gusto kong ipakilala sa inyo mga fans na may asawa nako at si Stella Hernandez 'yun. Mahal na mahal ko 'yan akin lang 'yan kaya subukan nyo lang landiin 'yung mahal ko kamao ko mismo sasapok sainyo!" matapang na sabi nya habang ginagaya yung boses ni Daniel Padilla na animo'y may mga fans talagang nanonood sakanya.







Sabay kaming nagtawanan sa mga kalokohan naming dalawa. Puro harutan, kiligan, asaran ang parati naming ginagawa syempre hindi mawawala yung alam nyo na haha yung kwentuhan kasi yon haha.







KABILANG BUHAY (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon