END

78 7 2
                                    

5 years later.
















Malakas na hangin ang aking nararamdaman habang nagfaflash ang mga camera sa mukha ko.










"Fierce.."










"Smile.."










"Bite lips.."











"Oh ganyan nga ang ganda pak na pak talaga!" Sigaw ng baklang photographer habang pumapalakpak.









Ng matapos ang photoshoot ko ay nilapitan ako ni Ana yung baklang photographer. "Besh ang ganda mo talagaaa!" sabi nya sabay pisil sa kanang pisngi ko.







"Mana sayo besh," tapos nagtawanan kami.










"Mabuti nalang talaga ikaw 'yung nahanap kong model at actress, bagay talaga sayo at hindi kami nag kamali sa pagpili sayo." nakangiting sabi nya.





"Nako salamat besh ah?"




"Nako wala 'yun."





"Mommy!!" sabay kaming napalingon sa masayang magandang batang papalapit saakin at niyakap ako. "Mommy habang pinapanood po kita ang ganda ganda mo kaya mana ako sayo e."





"Nambola pa 'tong anak ko." Napasinghap ako at tumingin sa mga mata nya. "Jackilyn mana ka sa daddy mo ok?" nakangiting sabi ko sa anak namin ni Jake.






"Syempre naman mommy mas mana ako kay daddy." Biglang lumungkot ang itsura nya. "Sayang nga lang po hindi ko man lang naabutang buhay si daddy jake." malungkot nyang sabi.





"Anak diba nakwento kona sayo lahat? Kahit wala na ang daddy mo palagi pa rin nya tayong binabantayan sa heaven." nakangiting sabi ko sakanya upang gumaan ang pakiramdam nya. "By the way anak samahan mo ako may pupuntahan tayo." Hinila kona ang anak ko at nag paalam na rin sa mga katrabaho ko.






Sumakay kami sa kotse ko. Ng makarating kami sa dapat na pupuntahan namin ay inihinto ko ito at bumaba kami. Nanguna agad ang anak ko. Tumakbo sya papuntang puntod ni jake at naririnig kong kinukwentuhan nya na naman ang daddy nya kaya nakangiti ako habang papalapit sakanila.





"Mahal alam moba napakakulit talaga nitong anak natin manang mana sayo." Natawa ako ganon din naman ang anak ko. "By the way mahal gusto kong sabihin sayo na ang layo na ng narating ko, namin ng anak natin." habang sinasabi ko 'yun ay biglang tumulo ang luha ko dahil sa saya ng nararamdaman ko.





"Alam kong masaya ka dyan habang nakikita kaming umaangat. Wag kang mag alala mahal palagi kitang kinukwento sa anak natin hinding hindi ka namin nakakalimutan. Pasensya na rin dahil minsan nalang kaming makadalaw sayo ah? Kasi busy talaga mahal e pero babawi po kami simula ngayon."






"Kaya nga po daddy e. At daddy alam mopo ba may artistang nangungulit kay mommy alam nyo poba inaway ko 'yun sabi ko may asawa na 'yung mommy ko at hindi sya pwedeng ligawan!" napasimangot si jackilyn at napacross arms pa hays manang mana talaga kay jake.





Medyo natawa ako sa naging reaksyon ni jackilyn at muling ibinaling ang tingin sa puntod ni jake. Hinimas ko ito at napangiti. "Wag kang mag alala mahal kahit wala kana hinding hindi kita ipag papalit. Sapat na sakin 'yung anak natin. Mas lalong sapat kana saakin."





Muling tumulo ang luha ko. Niyakap naman ako ni jackilyn.





"I love you mommy stella."






"I love you to anak." Tapos hinalikan ko ito sakanyang noo at niyakap ng mahigpit.





Muling lumakas ang simoy ng hangin. Nararandaman kong andyan si jake at niyayakap kaming dalawa ng anak namin









Napangiti ako habang tumutulo ang mga luha ko.











"Hintayin mo ko jake ah? Ipapangako ko na muli tayong mag kikita. Hintayin mo ako sa KABILANG BUHAY."






























END

KABILANG BUHAY (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon