Chapter 5
''Oo malaki at malawak.''sagot ko
''Ang swerte mo talaga Besty gwapo na nga hot at mayaman pa.''natutuwa nitong saad
''Huh.? Hindi naman ganon ang gusto ko Riss.''nagkukunwari lang kami diba.? at isa pa pinatira lang kami doon dahil sa maliit lang ang bahay namin.
''Ayy. Ano ka ba naman Besty ayaw mo non perfect package na.?''
''Hindi naman yaman o kagwapohan ang pinagbabasihan Mariss. Pagmahal mo talaga siya din mamahalin mo siya sa kabila ng pagiging imperfect niya.''
Ang mahirap kasi sa mga tao ngayon puro gwapo at mayaman lang ang pinipili. Paano na lang yong hindi gwapo pero matino, mabait pero hindi mayaman.?
''May tama ka diyan Besty. Pero mahal mo naman siya diba.?''
Mahal ko ba talaga siya.? Pero noong isang araw lang kami nagkakilala. Pag nasa malapit siya sa akin bumibilis tibok ng puso ko. Anong tawag non Love at first glance.? Sight.? See.? Basta yong unang kita niyo palang tas mahal mo na siya.
''Oo.''nahihiya kong sagot, hindi ko namang pweding sabihin sa kanya na nagpapanggap lang kami. Alam kong kasalanan ang magsinungaling, pero white lie lang naman yon diba..?
''Ayiee lumalove life na talaga ang bestfriend ko.''kinikilig nitong saad habang sinusundot ang tagiliran ko.
''Tahimik na Mariss baka mapagalitan pa tayo.''suway ko sa kanya
***
Midyo marami-rami yong customer namin ngayon. Buti na lang talaga at hindi absent yong dishwasher namin ngayon baka kasi ako na naman ang maghuhugas.
''Kaine hatid mo to sa table six.''
''Kaine sa table twelve.''
''Kaine sa table seven.''
Napa kamot na lang ako sa batok ko dahil sa lito. Hindi ko na alam kung sino ang uunahin ko dahil sa dami nilang inuutos as akin.
''Kaine sa Table six.''
Kinuha ko yong order na dapat kong iserve, hindi pa man ako naka punta sa table seven ay accidente akong natapilok. Hindi ko alam kung accidente ba talaga yon o sinadya. Nasa gilid ko lang naman kasi si Claire hindi ko alam kung paano siya na punta doon.
''Ano ba naman yan Kaine ang tanga mo. Hindi ka binayaran para lang magtapon ng mga pagkain.''pagalit nitong saad
Napayuko na langa ako sa hiya, pinagtitinginan na kasi kami ng mga tao sa lakas ng boses. Sinadya niya talaga yong iparinig sa lahat para ipahiya ako.''Sorry hindi ko po yon sinasadya.''nakayuko ko paring saad
''Anong magagawa ng Sorry mo sa pagkaing sinayang mo.? Wala ka namang perang pambayad.''naka taas ang kilay nitong saad sabay tulak sa akin saakin sapat napara mapa atras ako ng mahina.
''Ibabawas niyo na lang po yon sa sahod ko.'' Kahit labag man sa kalooban ko ang mabawasan ng sahod ay wala na akong magawa. Ayaw ko namang mawalan ng trabaho dahil lang sa katangahan ko kuno.
''Hindi pa sapat ang sweldo mo sa pagkaing natapon, kahit lumuhod ka pa hindi parin yon sapat.''galit nitong saad sabay hablot ng buhok ko. ''Kainin mo yan para narin mapaki nabangan ang sahod mo.'' Dagdag pa nito. Ang sakit ng pagkahila niya sa buhok ko. Parang matatangal ang anit ko sa sakit, gusto kong umiyak pero hindi naman ako iyakin.
Tapos yong mga palad ko pa na sugatan dahil sa mga bobog, ang lakas kasi ng pagka hila ni Claire sa buhok ko kaya na tukod ko yong palad ko.
''What the hell are doing to my wife.?''
BINABASA MO ANG
Mafia Lord Series 2:Nathan Henderson
RandomThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of my imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincident...