Chapter 1
Her POV
Simple lang ang buhay ko kasama ang bunso kung kapatid na lalaki. 13 ako noong namatay ang mga magulang namin samantalang 10 naman ang kapatid ko.
Namatay ang mga magulang namin dahil sa Car accident at lahat ng ari-arian namin ay kinuha ng kamag-anak ni Papa. At walang tinira kahit isa wala ding may gustong kumupkop samin ni isa sa mga kamag-anak ni Papa ni Mama naman ay hindi namin alam kung may kamag-anak pa ba kami o wala na. Ni isa kasi ay wala kaming kilala sa madaling salita hindi nag kwe-kwento si Mama tungkol sa pamilya niya.
Kaya nasa squatter na lang kaming naka tira ng kapatid ko noong una ay subra talaga kaming nahirapan. Hindi kami sanay na wala kaming maayos na pagkain, higaan, bahay. Ilang buwan din kaming nasa lansangan ng kapatid ko at subrang dungis naming dalawa wala na yong magara naming mga gamit.
Naging pa laboy muna kami sa lansangan bago maka hanap ng bahay na matitrahan awang awa ako sa kapatid ko dahil tuwing na gugutom siya ay pilit niyang tinatago sakin pero halatang halata naman sa expression ng mukha niya.
Mga ilang buwan din na ganon ang set up namin, hanggang sa naka kita kami ng ma tutuloyan. hindi siya malaki hindi din siya maliit sakto lang para sa aming dalawa ng kapatid ko walong taon na din ang lumipas at masasabi kung medyo ma luwag na rin ang buhay namin ng kapatid ko scholar ang kapatid ko sa S.U scholar din naman ako dati doon kaso tumigil na ako at ang kapatid ko na lang ang pina paaral ko. May trabaho din naman ako bilang waiter sa isang sikat na restaurant.
Malapit lang ito sa S.U dito kasi ako nag pa-part time job noong nag-aaral palang ako. Siyempre noong una ay nahihirapan ako pero na kaya ko din naman. At ngayon nga ay duty ko 9:00 P.M kasi ang duty ko tuwing linggo as a waitress.
"Bunso kailangan ko ng pumasok sa trabaho mag-ingat ka dito."bilin ko sa kapatid ko
Linggo kasi ngayon kaya wala siyang pasok, hindi din naman kasi siya gumagala."Yong pera nasa arta bumili ka ng ulam mo para mamaya."
"Ate may pera pa naman ako dito."
"Pera mo yan kaya itago mo, gamitin mo na lang yan pag kailangan mo na."naka ngite kong saad.
"Opo ate."naka ngite niyang sagot
"Lock mo ng maigi ang pintuan kung aalis ka.!"ani ko sabay halik ng noo niya, kahit na binata na yang kapatid ko ay hinahalikan ko parin ang noo niya hindi naman siya umaangal.
Pagka rating ko sa restaurant ay kaagad akong binati ng mga kasam ko.
"Good evening Kaine paki serve nga yung nasa Table 4 please "ani ni Mariss isa sa mga ka close ko dito noong isang taon pa lang siya pumasok dito at kaidaran ko lang siya.
"Sige .."sagot ko
Kaagad kung kinuha ang tray na may laman ng order na dapat iserve"Good evening Sir and Ma'am here's your order."naka ngite kung ani sabay lapag ng tray na may laman ng order nil.
At umalis na rin, para mag serve ulit midyo may karamihan kasi yong customer namin ngayon dahil linggo at maraming nag d-date.
"Kaine nasa labas yung manliligaw mo."walang ganang ani ni Mariss sakin.
Tsk kailan ba magsasawa yang si Arnold nakakainis na siya will siya lang naman kasi ang masugid kung manliligas. Limang buwan na niya akong nililigawan.
"Hays hindi parin ba siya nagsasawa.?"walang gana kong tanong
Araw-araw ba naman kasing nandirito yan para magbigay ng bulaklak ,chocolate at iba pa. Buti at hindi siya nauubusan ng pera, pero sa bagay mayaman naman siya.
BINABASA MO ANG
Mafia Lord Series 2:Nathan Henderson
De TodoThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of my imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincident...