"Rocky went on a business trip sa Germany. Ang sabi ay isang linggo raw siya doon." Nahihirapan nitong kwento. Tahimik lang akong nakikinig sa kanya habang ino-obserbahan ang mga reaksiyon niya.
You shouldn't just trust the words of your clients.
Words are so easy to manipulate. Konting gamit lang ng tamang salita, the truths become a lie and the lies become the truth.
Isa pa, people tend to say things that are beneficial to them. Madalas makaligtaan ang mga bagay na sa tingin nila ay may hindi magandang maidudulot sa kanila.
It's not lying, but omitting.
That's a part of a human's survival instinct. Binabawasan ang katotohanan para mas maging pabor sa kanila ang sitwasyon.
And as a lawyer, you needed to master the skill of differentiating who's lying, who's omitting, and who's telling the truth.
Although honestly, this profession produces good liars. An oath of honesty on court was being overlapped by our duties to protect our clients. If lying, omitting truths, and manipulating can protect our clients, then, the lawyer shall do it.
Funny how we choose this profession to instill justice but still end up being eaten by its system.
Sistema na ng batas na kahit hindi ikaw ang may kasalanan, kung lahat ng ebidensya ay ikaw ang tinuturo, sa huli ikaw parin ang kriminal.
"Pero dalawang araw pa lang ay umuwi na siya. Hindi namin iyon inaasahan. Kaya... Kaya..."
"He caught the both of you?" Tanong ko para tulungan siyang tapusin ang nais niyang sabihin.
"He caught you doing what? Are you having sex or something when he arrived?" Nae-eskandalong nanlalaki ang mga niya habang nakatingin sakin ng marinig ang tanong ko.
"T-tulog p-po k-kami..."
"On the same bed?"
Tumango naman siya at yumuko. Nang sundan ko ang tinitingnan niya ay nakita ko ang pag-lalaro niya sa sariling mga daliri.
"Naked?" Napa-angat siya ng tingin sakin.
Nakita ko ang pamumuo ng luha sa gilid ng kanyang mga mata habang tumatango.
"Galit na galit si Rocky," pagpapatuloy niya.
Malamang girl, makita ba naman asawa at anak niya sa kama at parehong hubad? Alangan mag-paparty asawa mo?
Pinigilan ko na lang ang sarili sa pang-babara sa kanya.
"Nung una ay nagwawala lang siya. Pinaghahagis niya ang mga gamit sa loob ng kwarto." I mentally noted that I should check the crime scene soon to check for the validity of her statements.
"But then, bumunot siya ng baril,"
"Saan nanggaling ang baril?" Kunot ang noo kong tanong. Pero umiling siya bago sumagot.
"Hindi ko alam. I was crying too much and panicking too. Hindi ko na napansin kung saan niya yun nakuha. Natigilan na lang kami ng itutok niya yun samin ni Rocco." Kumuha siyang muli ng tissue mula sa table at pinunasan ang mga luha niya.
"Nag-sagutan pa sila si Rocco bago nauwi sa agawan ng baril. Nakuha ni Rocco, akala ko ay itatago niya na iyon o itatabi pero laking gulat ko ng itutok niya iyon pabalik sa Daddy niya," nagsalin ako ng tubig sa baso at ipinatong ito sa kanyang harapan.
She was gasping for air as she narrated how the father and son dueled during that night.
Kahit sino naman sigurong nakasaksi ng patayan ay matutrauma. Lalo na't mukhang siya pa ang puno't dulo ng gulo.
"Inaawat ko noon si Rocco pero kahit ako ay halos ibalibag niya narin. Wala na siya sa sarili niya. Hindi ko matandaan kung ilang beses niyang pinagbabaril ang Daddy niya. Pero marami iyon." Tumango ako sa sinabi niya.
Rocky Sison was shot twenty-seven times on the chest. It was pretty obvious na galit na galit ang may gawa niyon sakanya.
The police arrived shortly after the crime occurred, one of their house helps called when they heard the gunshots being fired.
"Sinubukan ko pang gisingin si Rocky pero wala na talaga." Humahagulgol niyang pahayag.
Ate girl, twenty-seven times binaril ang asawa mo, tas sinubukan mong gisingin? Amazing!
Pilit ang ngiti ko habang inaabutan siya ng tissue at tubig after she told me the whole story.
Her version, rather.
Inabot din kami ng halos tatlong oras bago tuluyang natapos at nagpaalamanan after setting a date for our next meeting.
"Venus, please get me an authorized letter to go to the Sison mansion." Utos ko sa secretary pagka-alis ng kliyente.
"Sige po, Attorney." Sagot niya bago lumabas ng opisina ko.
Abala ako sa pag-aayos ng mga files na nag-kalat sa table ko ng biglang bumukas ang pintuan ng opisina ko at iniluwa noon si EJ na nakasimangot.
"Anong problema mo?" Kunot noo kong tanong sa kanya bago ibinalik ang tingin sa mga folder na sinasalansan.
"Labas tayo. Tang-ina! Naiinis na 'ko sa matronang yun." He said with his forehead creasing as he acted so disgusted.
I can't stop chuckling while listening to his rants.
"Imagine? Kung hawak hawakan ang hita ko, feeling mo naman kaseduce-seduce siya!" Mas lumakas ang tawa ko dahil sa nang gagalaiti nitong mukha.
Inilagay ko sa shelf ang huling folder bago siya hinarap ng nakangiti. Binalingan ko ang orasan at nakitang malapit na rin naman ang lunch break.
Kinuha ko ang puting coat na nakasabit sa likuran ng swivel chair ko at ang maliit na purse na nakapatong naman sa may table ko.
"Tara, let's eat. Ikain mo na lang frustrations mo." Nakangiti kong aya sa kanya ng makalapit sa sofa kung saan siya naka-upo.
Itinaas niya ang isang braso at umaktong nagpapahila patayo.
"Pacute ka?" Asar ko sakanya before I rolled my eyes on him at sinunod ang gusto niyang mangyari.
I pulled him up habang natatawa dahil nahihirapan ako sa bigat niya.
"You're so heavy! You need to do diet na!" Asar ko sakanya habang naglalakad kami palabas ng opisina.
"Muscles yan, Arci. Hindi fats." Sagot niya ng nakangisi at nagflex pa ng braso. Bumakat tuloy ang biceps niya sa puting dress shirt na suot.
"What do you want to eat?" Tanong niya habang iniistart ang sasakyan niya.
Sandali naman akong tumahimik at nag-isip.
"Stress ka diba? Stress eating tayo! Buffet na lang." Sagot ko ng walang maisip na particular food na gustong kainin.
"Alright." He said before driving us out of the office.
BINABASA MO ANG
Evicted (TLS #2 - COMPLETED)
General Fiction2nd Installation of The Lawyer Series - (COMPLETED) Attorney Rebekah Claire Alarcon was born competitive, she excels in almost everything. All the cases she had handled had all been in favor of her and her clients. However, she met Attorney Brent He...