Article 2 - Section 4

536 19 3
                                    

Masama ang tingin na iginawad ko sa kliyente ng makabalik na ito sa pagkakaupo sa tabi ko.

"I thought you told me everything? Ano yun?" Iritado kong tanong sakanya.

"Attorney, hindi ko naman alam na--" pinutol ko na ang sasabihin niya at pinatahimik na siya ng magsalita ang judge.

Masama na ang timpla ko habang nakikinig sa testimonya ng witnesses ng kabilang panig.

"We'll definitely lose this case." Tiim bagang kong ani sa kanya ng makalabas kami ng courtroom.

"Ha? Attorney akala ko po ba--"

"We had our chance kung sana lang sinabi mo sakin na biktima ka ng fraud insurance na yon, Ms. Samonte." Nagtitimpi kong explain sakanya. Pilit kong pinapaalala sa sarili na kliyente ang kaharap at hindi ako pupwede basta na lang maglash-out.

But damn it! This ruins my record! Ito ang kauna-unahang case na natalo ako and it's not even a murder case or something! Arson? Really? I know it's a heavy case too but, damn it! Just damn it!

"Pero hindi po ako ang sumunog ng kusina namin!" Pamimilit niya habang nananahimik ako at nag-iisip ng posibleng lusot roon pero wala!

May grounds ang last argument ni Atty. Hernandez. My client was scammed of a house insurance a week after the incident happened. Kahit ako ay hindi na naniniwala na hindi siya ang may gawa noon sa sariling bahay.

Akala siguro niya ay mapapakinabangan niya ang insurance kaya sinunog ang sariling kusina, but when she learned that it was a fraudulent one, ginamit ang tsismis na galit sakanya ang kapitbahay at masisi rito ang nangyari. She would be hitting two birds with one stone then, nakaganti na siya, nagkapera pa siya since the other party would be required to pay all the damages caused.

"Attorney!" Pagalit nitong tawag sakin habang nauuna akong maglakad pabalik sa courtroom.

This case is hopeless.

Mas nairita pa ko ng makasabay ko sa pagpasok si Atty. Hernandez na may mapaglarong ngiti sa mga labi.

"Hindi ko inexpect na we'll meet on court like this, Attorney." Mayabang nitong saad habang naglalakad kami papasok.

"Ako rin." Labas sa ilong kong saad.

"You know you're gonna lose this, right?" Tumigil ako sa paglalakad kaya mas nauna siya ng ilang hakbang sakin. Nang marealize na tumigil ako ay huminto rin siya at umikot para harapin ako.

We still had seven minutes before the recess ends kaya wala pang masyadong tao sa loob. Ang mga nasa loob naman na ay abala na sa kanya kanyang ginagawa kaya wala ng nakapansin pa samin.

"Ang yabang mo pala noh?" Nalaglag ang panga niya ng marinig ang sinabi ko.

"What?" Tanong niya ng tuluyang makabawi.

"You just don't know how to celebrate your victory in silence. Oo, malamang talo kami ngayon." Sagot ko sa kanya bago humakbang papalapit sakanya to intimidate him.

"But I swear, the next time we meet on court again, I'll make sure to win against you. Sisiguraduhin kong matatabas ko ang kayabangang umuusbong diyan sa ulo mo." Hindi ko alam kong nagtagumpay ako sa pag-iintimadate sa kanya, but if I did hindi halata. He didn't even move an inch.

Malambing kong tinapik ang pisngi niya gamit ang kamay ko at nginitian siya ng matamis. Nakita ko ang pagsunod ng mata niya sa mga palad ko.

I know how to handle men. They were more predictable than women. Kaya nga puro lalaki ang kaibigan ko at iilan lang ang mga babae.

Evicted (TLS #2 - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon