Article 2 - Section 34

444 12 1
                                    

Agad na naputol ang pag-uusap namin ng kliyente ko at sabay kaming napatingin sa may pintuan ng opisina ko ng marinig ang marahas na pagbukas nito. Agad na bumungad saamin ang mukha ni Faye na parang nagmamadali.

"I'm sorry to interrupt, sir." paumanhin niya sa kliyente bago tumingin sakin at ipinakita ang cellphone na hawak.

"Attorney, tumawag po si Venus. Kakausapin ka raw po, emergency." Mabilis ang pagkalat ng kaba sa dibdib ko ng marinig kong binanggit niya ang salitang 'emergency' pagkatapos ng pangalan ng secretary ni Rebekah.

Tinapunan ko lang ng mabilis na tingin ang kliyente bago walang salisalitang humakbang palapit kay Faye para kunin ang phone niya.

"Hello, Venus?" 

"Attorney!"  bati nito pabalik.

"What's wrong? Ayos lang ba si Rebekah?" nag-aalala kong tanong.

"Wala pa naman po dito si Attorney. Pero nandito po kasi si Ma'am Fryje, yung kapatid ni Attorney. Pinagbawal na po ni Attorney Raza dito sa building kaya hindi ko po sigurado kung paano siya nakapasok. Wala po kasi sina Attorney Raza at Attorney Lopez dito, I don't know who to call, the last time po kasi na nagpang-abot sila nagkapisikalan talaga."

Agad akong natulos sa kinatatayuan ko ng marinig ang pangalan ng babaeng pilit kong iniiwas na makita ni Rebekah.

I've been working so hard to avoid her. Hindi maganda ang huling pag-uusap namin. She threatened to destroy us! I can't let her have her way! 

Mariin kong naipikit ang mga mata at huminga ng malalim para kalmahin ang sarili. While anxiety creeps into my whole being I tried to hold on to the thin thread of rationality left in me.

"Alright. Papunta na 'ko. Thank you for informing me." saad ko bago tuluyang binaba ang tawag.

I faced my client with an apologetic face.

"I'm sorry, sir. I'm afraid we should cancel this appointment today. I have an urgent matter to attend, I hope you understand." agad namang tumayo ang matanda at tumango. He even told me to take extra care in driving.

Habang nagdadrive papunta sa opisina ni Rebekah ay hindi ko mapigilan ang kaba. I know wala akong ginawang masama. I never played along with her sister's sinister plans, pero mapagkakatiwalaan ko ba ang babaeng 'yon? What if she twisted all the facts into her favor? Would Rebekah believe her? Would she trusts me and my love for her instead?

"Damn!" hindi ko napigilang sigaw ng biglang nastuck pa ako sa traffic. Mabilis kong tinawagan si Venus.

"Nandyan na ba siya?"

"Wala pa Attorney. Ma'am Fryje barge into her office. Ayoko naman pong ipakaladkad sa mga guards since may on-going meeting with a big client."

"Alright. Malapit na 'ko." paalam ko ng muli ng gumalaw ang mga sasakyan.

Hindi ko na naipark ng maayos ang sasakyan ko at basta nalang iyon iniwan sa harap ng building nila bago kumaripas ng takbo papunta sa elevator. Napamura pa ako ng makitang malayo pa iyon at sa pagmamadali ko ay mas pinili na lang akyatin ang hagdan.

I was panting so hard when I reached the right floor. Nakita ko ang tarantang mukha ng sekretarya niya, agad itong lumapit sakin nang makita ako.

"Attorney! Nasa loob na po sila!" hindi ko na narinig pa ang sunod na sinabi niya nang lampasan ko siya at dumiretso na sa opisina ni Rebekah. Sabay silang napatingin sakin.

"Speaking of. Great timing love. Ikaw na ang mag-explain ng lahat sa little sister ko," pakiramdam ko ay huminto ang pagtibok ng puso ko nang lingunin ko ang nakakunot noong si Rebekah.

Evicted (TLS #2 - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon