Article 2 - Section 38

502 17 1
                                    

"Anak, I'll head home first," paalam ni Mommy pagkalabas namin ng courtroom. Aalma na sana ako nang mapansin kong nakatuon ang pansin niya sa may likuran ko.

Lumingon ako para tignan ang naka-agaw ng atensyon niya at naabutan ko sina EJ at Brent na nag-uusap habang naglalakad papunta sa amin. Brent's eyes wandered around until it found mine.

His passive face immediately broke into a smile as he shamelessly stare at me. Inirapan ko lang siya bago muling binalingan si Mommy na nakatingin na sakin. Tinaasan ko siya ng kilay na tinawanan niya lang.

"Mag-usap na kayo. It's about time to confront your issues anak. Mauuna na 'kong umuwi."

"No mom. I'll send you home." Agad kong tutol, hindi parin ako nakakaget over sa nangyari kay Daddy. At isa pa malaya pa ang bruhang Arlene na 'yon. Sa takbo ng hearing kanina, hindi malabong gumawa na naman ng kung ano ang mag-inang iyon. I won't let them harm me or my mom. Sisiguraduhin ko ring pagbabayaran nila ang ginawa nila kay Daddy.

"Don't worry, I'll take Tita home." napalingon ako kay EJ nang marinig ko ang boses niya. Nasa likuran ko na pala sila. I sighed in defeat after I felt Brent's arms around my waist. Sandali ko lang siyang tinapunan ng tingin bago binalingan ang kaibigan ko.

"Will you, please? Then please send me a message when you arrive?" I asked him worriedly.

"Sure. Sawang sawa na rin akong makita ang mukha ng stalker mong 'yan." kunot ang noo kong nilingon ang katabi kong nag-iwas ng tingin at sinubsob na lang mukha sa may balikat ko.

"Stalker?" baling ko kay EJ na kasalukuyang tumatawa habang pinapanood si Brent.

"Oh come on, Arci! He's just everywhere. Nakakagulat nga na hindi mo pa siya nahuhuli." tumatawang saad ni EJ.

"Enough, EJ." natatawang pigil ni Mommy sa kaibigan ko nang makita ang pulang-pulang mukha ni Brent.

"I won't mind if hindi ka makakauwi sa bahay." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Mommy habang naglalakad kami papunta sa parking lot.

Mabilis kong nilingon ang boys sa likuran namin na abala sa pag-uusap, mukhang hindi naman nila narinig yung sinabi ni Mommy kaya medyo nakahinga ako ng maluwag.

"Uuwi ako My," nginitian niya lang ako bago naunang maglakad palapit sa sasakyan ni EJ.

Sandali lang kaming nagpaalam sa isa't isa bago ko niremind kay Mommy at kay EJ na magtext pagkarating nila.

Tahimik lang naming pinanood ang papalayong sasakyan ng kaibigan ko.

Naiwan kaming nakatayo sa gitna ng parking. Ilang tao rin ang dumadaan at bahagyang napapasulyap samin. Nawiweirduhan siguro kung bakit may dalawang naka-corporate attire ang nakatambay sa parking.

"I brought Trek. Kita na lang tayo sa condo?" Tanong ko matapos ang ilang segundong katahimikan.

He stared at my face for a while. Nakatitig lang siya sa mukha ko na para bang kinakabisado niya ang bawat detalye doon. Maya maya lang ay huminga siya nang malalim bago tumango.

I smiled at him before I turned around to head over my car nang bigla niyang hatakin ang palapulsuhan ko. My face end up buried on his chest as his arms embraced me tightly.

"God, I miss you." I heard him whispered as I felt his soft kisses on my forehead.

After recovering from my shock, ipinalibot ko rin ang braso ko sa may bewang niya, hugging him back. I felt his embrace tightened after I did that.

"Let's stay like this for a while," pakiusap niya. Hindi na ako nagsalita at mas isiniksik ko na lang ang sarili sa sakanya.

I missed him too. His hugs, his kisses, his 'I love yous', his sweetness, the food he makes and just everything about him. I miss him so much.

"I miss you," I murmured in his chest.

We remained in that position for who knows how long. Basta naman kasama ko siya hindi ko talaga namamalayan ang oras.

"You lead the way. Susunod lang ako," he said before we separated ways. Hindi pwedeng iwan lang namin ang sasakyan doon.

It was like an automatic rule with the lawyers. Kung may on-going case ka, never ever as in never leave your car anywhere without supervision. Delikado na. Lalo na't halos sampung-libo na lang ata ang halaga ng buhay ng tao ngayon.

It didn't take us long before we reached his condo building. Nagulat pa ang guard nang makita akong papasok pero hindi na rin naman nagsalita matapos ko siyang ngitian. I guess six months is quite long for other people to get used with my absence.

I was quietly standing in front of the elevator when I felt Brent's arms around my waist. Tinaliman ko ang tingin ko nang balingan ko siya.

"Kanina ka pa ah! Nawiwili ka kakachansing!" puna ko sakanya pero natatawa lang siyang umiling.

When we got inside his condo ay agad akong tumakbo padapa sa sofabed namin sa sala. He bought it before dahil nga sa takot na madisgrasya ako dahil sa hobby kong pag-dumog sa sofa. How thoughtful!

"You want to eat first?" tanong niya habang nakasandal sa may pintuan.

I looked up a bit to stare at him with pleading eyes. I miss his food!

He chuckled before going to the kitchen, probably to cook food that would surely fill my appetite.

Nanlalaki ang mga mata ko at halos maglaway na habang tinatanaw si Brent na hinahain ang adobong niluto.

"Hey, slow down." Saway niya at bahagya pang pinunasan ang gilid ng labi ko.

"I miss your food! Mahal ko si Mommy pero hindi ko talaga love yung luto niya!" Amin ko sakanya na tinawanan niya lang naman. He just sat there in front of me, staring at my face.

Akmang magsusubo ako ng kanin nang makita kong nakatitig pa rin siya sakin. I sighed an exasperated breath before finally setting my utensils down. Tinitigan ko rin siya pabalik bago ko inangat ang kanang braso ko at bahagya siyang kinurot sa pisngi niya.

"Hindi ka nanaginip," Saad ko sakanya nang mapalitan ng nagtatakang tingin ang pagtitig niya.

"You stare at me as if I'll disappear." puna ko sa kanya pagkababa ko ng kamay na kumurot sa kanya. Nagbaba siya ng tingin at bahagya pang kinagat ang pang-ibabang labi.

"You should finish your food," pag-iiba niya ng topic bago tumayo at akmang aalis. I held his wrist right before he can even take a step away from the table. Nag-angat ako ng tingin sa kanya pero nanatili siyang nakatalikod sakin.

"Why did you choose me?" tanong ko sa kanya. Kumunot ang noo ko nang marinig ko ang mahina niyang tawa bago siya umikot at hinarap ako ng may malungkot na ngiti.

"I didn't choose you, Rebekah. Wala namang piliang nangyari kasi sa simula pa lang ng laban, ikaw na agad."

Evicted (TLS #2 - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon