Article 2 - Section 23

448 13 3
                                    

"Achi! Enough! Hindi babalik si Febe dahil lang nagkakaganyan ka!" bulyaw ko sa kaibigan habang pilit na inaagaw ang picture ni Febe sa kanya.

"Bakit? Where is she? Where's my baby?" naluluha ako habang nakatingin sa kanya habang hinahanap niya ang babae.

Alam kong baliw na baliw siya sa girlfriend niya pero kahit kailan ay hindi ko naimagine na he'll end up this way. Sobrang talino at logical na tao ni Achi, I wonder why he can't use his brain to think about his situation right now. Love really makes people crazy, like really crazy.

"San ka pupunta?" tanong ni JD sa kanya ng bigla siyang tumayo mula sa pagkaka-upo sa sahig at naglakad papunta sa cabinet niya.

"May date kami ni Febe! Umalis na muna kayo guys. Bibihis pa 'ko, baka malate ako sa lakad namin." napatabon na lang ako ng bibig para itago ang pag-takas ng hikbi. Tuluyan na akong napatalikod ng makita ko ang ngiting-ngiting mukha ni Achi. Agad naman akong sinalubong ng yakap ni EJ.

I can't watch my friend like that. Hindi ko kaya. Achi had always been one of the strongest person I know. Never have I imagined him losing his sanity like that.

Love was indeed the most scary thing in life. It can either make you or break you. At nakakatakot lang ang kaya nitong gawin sa isang taong nasaktan at naiwan.

Sandali kong sinulyapan muli si Achi na abala parin sa pag-pili ng damit.

"He'll get through it, just trust him." My eyes flew back to EJ's face. He looked so serious, very different from his usual goofing personality.

I went home feeling drained and sad after that. Ang hirap palang makita yung kaibigan mo na nahihirapan ng ganoon tapos wala kang magawa.

"I'm home," matamlay kong bati habang nag-huhubad ng sapatos. Dumiretso ako sa kusina ng maamoy ko ang aroma ng pagkaing niluluto.

Pinatong ko ang bag ko sa lamesa bago yumakap mula sa likuran niya. Bahagyang tumagilid ang ulo niya para silipin ako bago ko naramdaman ang mga kamay niya na hinawakan ang mga kamay ko na nakapalibot sa kanya.

"Tough day?" he asked while stirring the food he was cooking. Tumingkayad ako upang maipatong ko ang baba ko sa balikat niya.

"I feel bad for Achi." Bulong ko sakanya.

"How is he holding up?"

"Bad. Very bad. His parents are thinking of sending him to a rehab center pag hindi na talaga kinaya ng counseling." sandali niya lang na tinimpla ang pagkain bago pinatay ang stove at umikot paharap sakin.

"That bad?" tumango ako sa tanong niya bago sinubsob ang mukha ko sa dibdib niya. I spread my hands widely.

"Carry me?" naglalambing kong ungot sa kanya. Hinubad niya lang ang apron na suot bago ipinalibot sa bewang ko ang mga braso niya. Muli kong pinatong ang ulo ko sa balikat niya pagkatapos iyapos ang mga braso ko sa leeg niya. My legs straddled on his sides.

Nanatiling ganoon ang posisyon ko kahit na naka-upo na siya sa couch. He was softly rubbing my back. Tahimik lang siya habang ginagawa iyon and I appreciate it. This is one of the things I love about him. He doesn't say much but I can feel his presence.

"Hindi mo 'ko iiwan diba?" tanong ko sa kanya.

"Baka nga ikaw pa ang mang-iwan sakin babe," he answered as he rested his back on the couch and kissed my temples.

"Hindi ko gagawin yun!" tanggi ko sakanya. Hindi na siya sumagot at niyakap lang ako ng mas mahigpit. I heard him whispered something incoherent kaya inangat ko ang sarili mula sa pagkakadapa ko sa kanya.

"What is it?" kunot noo kong tanong sa kanya.

"Ang ano?" taka niyang tanong.

"Yung binulong mo. I heard you whispered something," he smiled and busied himself with my hair.

"You're imagining things babe. Baka mauna ka pa kay Achi sa rehab?" biro niya kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

I'm pretty sure I heard him whispered something. Pero todo ang tanggi niya noon. Was I really imagining things?

"Attorney," napahinto ako sa paglalakad papasok sa opisina ko ng salubungin ako ni Venus ng may alanganing ngiti.

"Yes? May problema ba?" nag-aalala kong tanong. Nahalata ko ang hindi mapakali niyang patingin-tingin sa may opisina ko.

"Attorney... kasi po," alanganin siyang ngumiti sakin at sinabi na kung sino ang nasa loob ng opisina ko. Hindi ko napigilan ang mapangisi habang hawak ang door knob.

"Took you two years to miss your sister?" nang-uuyam kong bati kay Fryje ng makapasok na sa opisina ko. Nakangisi rin siya ng humarap sakin. She was wearing a sequenced red body-con dress.

Ang sakit niya sa eyes!

"I bet you're enjoying your life now?" she asked, smirking.

Sinigurado ko ang poise ng paglalakad ko papunta sa table ko at elegante kong ibinaba ang bag ko roon bago siya hinarap ng naka-ismid.

"Elegante mo ah? Can you still act like that pag-binawi ko na ang lahat sayo?" she asked making my forehead creased.

"Gaga ka ba? Anong babawiin mo? Wala namang sayo?" matapang kong sagot sa kanya. She chuckled and walked around my office. Tahimik ko lang siyang pinapanood sa ginagawa niya ng huminto siya bigla sa harapan ng table ko. 

She smiled before picking up the photo frame on top of my desk. Picture naming dalawa yun ni Brent.

"Ang ganda ng ngiti mo dito," tumaas ang kilay ko dahil sa puri niyang iyon.

"Matagal na kong maganda. I'm glad you realized it now," ngumisi lang siyang muli bago ibinaba ang frame pabalik sa desk ko at muling lumibot.

"Ano bang kailangan mo?" 

"Babawiin ko na ang pinahiram ko sayo," sagot niya.

"Have you really lost your mi--"

"Si Brent." putol niya sa sasabihin ko. Nag-angat siya ng tingin at hinarap ako ng nakangiti.

"What are you talking--" sabay kaming napalingon ng marahas na bumukas ang pintuan ng opisina ko at bumulaga samin ang humahangos na si Brent.

"Speaking of. Great timing love. Ikaw na ang mag-explain ng lahat sa little sister ko," nakangiti at malambing nitong saad kay Brent. Agad na kumunot ang noo ko dahil doon.

"Do you know each other?" taka kong tanong sa kanila.

"Oh dear. We know each other in and out of the room," agad kong naramdaman ang panlalamig ng loob ko dahil sa narinig pero agad kong isinantabi iyon at nakangising ngumiti sa kanya.

"Iniwan ko na sayo si Daddy. Ngayon pati boyfriend ko gusto mo? Hindi na pwede yan, Fryje."

"Two years is enough, love. Quit playing with her heart. Kawawa naman ang baby sister ko," agad na nabura ang ngisi sa mukha ko dahil sa sinabi niya. Agad kong nilingon si Brent na hindi na makatingin sakin.

"Anong sinasabi nito?" tanong ko sa kanya pero hindi siya sumasagot kaya muli kong nilingon ang kapatid kong nakangisi.

"What do you mean?"

"Akala ko ba matalino ka? Bakit 'di mo nakita? Brent's just playing with you! He never loved you--"

"Fryje!" mabilis ang pag-piling ng ulo ko sa direksiyon ni Brent ng isigaw niya ang pangalan ng kapatid ko.

"Totoo naman, Brent! You approached her because I told you to do so!"

"At bakit naman niya gagawin yun para sayo?" matapang kong tanong sa kanya.

"Dahil mahal niya 'ko.  He'll do everything just to get me, at ito. Ito ang gusto ko. Ang sirain ka niya." nakangiti siyang humakbang palapit sakin at bumulong sa tenga ko.

"Welcome to hell sis,"

Evicted (TLS #2 - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon