"Please, Brent. Please tell me it's not true! Hindi totoo ang sinasabi niya! You're different right?" Sunod sunod na tumulo ang mga luha ko ng hindi siya sumagot at nanatili lang na nakatitig sa mukha ko.
No. Please, not again.
"Brent, sagutin mo naman ako. Hindi yun totoo diba?" pagmamakaawa ko sa kanya.
"Rebekah, let me explain." Natigilan ako ng marinig ko iyon mula sa kanya.
Explain? Why does he need to explain? Totoo bang ginawa niya yun?
"Explain? Bakit ka mag-eexplain? Wala ka namang ginawa...diba?" Bumagsak ang mga balikat ko at mas bumilis ang pagdausdos ng mga luha ko nang makita ang guilt sa mukha niya.
Nandidiri kong binitawan ang mga braso niyang hawak ko.
"Ang sabi mo, iba ka? Sabi mo hindi ka katulad nila?" puno ng hinanakit kong saad sakanya.
"Tang-ina Brent! Paniwalang paniwala ako!" Hindi siya sumasagot sa bawat bato ko ng salita sa kanya. He was just silently watching me with his bloodshot eyes.
"Ano bang kasalanan ko sa inyo?! Bakit niyo ko ginaganito?! Nakakagago na eh! Ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko to excel in everything! Lahat ng meron ako ngayon, pinaghirapan ko! Nakita mo yun!" Pinagduduro ko na ang dibdib niya habang nilalabas ko ang lahat ng sama ng loob ko.
Nakayuko lang siya habang pinakikinggan ang mga sinasabi ko.
This is not my Brent.
"How could you do this to me?" Napa-angat siya ng tingin nang biglang huminahon ang boses ko.
"Rebekah, I..."
"Minahal naman kita. Binigay ko sayo lahat. Wala akong tinira sa sarili ko, kasi akala ko iba ka. I thought for the first time, someone loved me without any condition. Akala ko... Akala ko mahal mo rin ako."
"I do! Rebekah! Dammit! I really do!" mabilis niyang sagot pero mapait lang akong napangiti sa kanya at bahagya siyang inilingan.
"You're just like them, Brent. Mahal mo ko kasi may kailangan ka. Just like everyone else, you stayed dahil may pakinabang ako. You fucking stayed not because you love me but because you needed something from me! Diba?" Sunod sunod na pag-iling ang ginawa niya.
"No, babe. No, listen to me please," he said while trying to reach my face but I immediately evaded it.
Ayokong hawakan niya ako. Alam ko kung gaano ako karupok pagdating sa kanya, baka sa huli ay ako pa ang magmaka-awang manatili siya.
I took a step back away from him. He saw that and that made him stop. He stared at my face with a hurt expression.
"Won't you even listen to me first?" tanong niya.
"Para ano pa? Mapaikot mo ulit? Tama na Brent. Ubos na ko. Maawa ka naman sakin."
"Paano ako? How 'bout me Rebekah?" Tinitigan ko ang mukha ng lalaking mahal ko.
I thought you're real. Akala ko ay siya na ang taong para sakin. Ang taong kaya akong mahalin hindi dahil sa mga nagawa ko na o dahil sa mga bagay na kaya kong gawin. Akala ko siya na ang pinadalang reward after all these years of hardship and perseverance.
Pero bakit ganoon? Bakit parusa ulit? Ano bang kasalanan ko? Hindi ko ba deserve ang mahalin?
"Pano ka? You'll get the reward of your hardship. Makukuha mo na ang kabayaran ng pagtitiis sakin sa loob ng dalawang taon," ani ko sa kanya.
"You're now a free man, Brent. Malaya ka na. Pinapalaya na kita."
BINABASA MO ANG
Evicted (TLS #2 - COMPLETED)
General Fiction2nd Installation of The Lawyer Series - (COMPLETED) Attorney Rebekah Claire Alarcon was born competitive, she excels in almost everything. All the cases she had handled had all been in favor of her and her clients. However, she met Attorney Brent He...