"Attorney Alarcon!" Gulat at napatayo pa mula sa pagkaka-upo ang secretary ni Brent ng makita ako.
I gave her a small smile before asking if he's around.
"Wala pa po, Attorney," sandali nitong sinulyapan ang orasan bago siya muling hinarap.
"Mga thirty minutes pa po siguro bago matapos yung hearing niya."
"Why do you looked tense?" Tanong ko sa kanya dahil kanina ko pa napapansin ang paulit-ulit niyang pag-sulyap sa orasan.
"Po? H-hindi po," sagot nito na agad na sinundan ng awkward na tawa.
Sandali ko pang pinakatitigan ang secretary na mukhang mas nailang lang.
"Can I wait inside?" Tanong ko na agad naman niyang tinanguan.
"Opo! Yes!" Taranta nitong sagot. Umangat na ang kilay ko dahil sa inaasal niya.
"What's wrong Faye?" Tanong ko habang magkakrus ang mga braso sa may dibdib.
"Wal---"
"Anong meron?" Tanong ko sa mas seryosong boses. I saw how the poor secretary gulped and glanced on her watch again.
"Wala po talaga---"
"Bawal ba 'ko dito?" Tanong ko na nagpalaki ng mga mata niya.
"Hindi po!"
"Oh, yun naman pala. Bakit tense na tense ka?"
"Ngayon na lang po kasi kayo bumisita ulit." Natigilan ako sa sagot niya.
"I'm sure someone else's visiting often naman. So what's new pag ako?"
"Wala po Attorney nagulat lang talaga 'ko." Nakayuko nitong sagot.
"Alright. Pasok na 'ko." Walang lingon akong pumasok ng opisina ni Brent.
Agad na bumungad sakin ang pamilyar na pabango niya. Mapait akong napangiti ng makitang ganoon parin ang ayos ng opisina niya. Well, six months ain't that long.
Lumapit ako sa leather couch at doon napagpasiyahang mag-antay sakanya. Ipinatong ko ang purse at case file na dala sa coffee table niya bago nahiga.
I used my arm to cover my stinging eyes.
Pilit ko mang isarado ang mga mata ko ay ganoon parin. Tuloy tuloy parin ang pagtulo ng luha ko mula roon.
Ngayon lang ata ako umiyak mula nung mangyari kay Daddy. Hindi ako umiiyak sa harap ni Mommy kasi mas iiyak lang siya. Hindi ako pwedeng umiyak pag-kaharap yung legal counsel ni Daddy kasi hindi kami makakapag-usap ng maayos.
I can't cry in public. Ako ang inaasahan ng lahat na aayos sa gusot na 'to ng pamilya namin. I got Fryje arrested the next day after the incident.
Sinigurado ko ring hindi makakapasok si Tita Arlene sa lamay ni Daddy. Wala silang karapatan. They were the one who planned to kill. Naghahanap pa 'ko ng mga ebidensya na mag-didiin sa involvement ni Tita Arlene dito. Sigurado akong silang mag-ina talaga ang may balak na gawin sakin, hindi ganoon kalakas ang loob ni Fryje kung mag-isa lang siyang lumalaban.
I suddenly remembered Daddy's smile the day he borrowed my car. He kissed me on my forehead, inasar ko pa nga siya dahil sa pagiging sweet niya. Hindi ko naman alam na huli na pala yun. Na yun na pala yung huling pagkakataon na makikita ko siyang nakangiti.
I didn't know that it would be the last time I'll hear his voice.
Kung alam ko lang sana na mangyayari yun, hindi ko na siya pinahiram ng sasakyan ko. I wouldn't even let him leave the house!
BINABASA MO ANG
Evicted (TLS #2 - COMPLETED)
General Fiction2nd Installation of The Lawyer Series - (COMPLETED) Attorney Rebekah Claire Alarcon was born competitive, she excels in almost everything. All the cases she had handled had all been in favor of her and her clients. However, she met Attorney Brent He...