"So who's Trek?" natigilan ang mga daliri ko sa paglalaro sa may dibdib niya ng marinig ko ang tanong niya. Nahirapan pa akong mag-angat ng tingin sa kanya ng dahil sa braso niyang hinihigaan ko.
"Trek?" natatawa kong tanong sa kanya na ikinasimangot naman niya.
"Bakit? What's wrong with Trek?" natatawa ko paring tanong.
"Ang sabi mo siya ang naghatid sayo dito? Sino yun?" napabunghalit ako ng tawa dahil sa tanong niya at halos maluha-luha pa. Umayos naman siya ng upo at sumandal sa headboard ng kama niya. Inalis niya ang mga braso niyang inuunan ko at pinag-krus yun sa may dibdib niya habang taas ang kilay na nakatingin saking patuloy na tumatawa.
"Trek's my car, Attorney," natatawa kong pag-amin sa kanya. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya na mas nagpangisi sakin. Umayos din ako ng upo at sumandal sa head board sa tabi niya bago siya hinarap at mahinang kinurot sa pisngi.
"Ang cute mo," nangingiti kong sabi sa kanya. Magsasalita pa sana siya ng tumunog bigla ang tiyan ko. Nanlaki ang mga mata ko at agad kong naramdaman ang pamumula ng mukha ko dahil sa kahihiyan.
He chuckled as he looked at me unbelievably before he stood up from his bed. Inayos niya muna ang nagkagusot-gusot na dress shirt niya bago ako muling binalingan. He offered his hand in front of me. Tinitigan ko lang iyon ng nag tataka kaya naman huminga siya ng malalim at kusa ng kinuha ang mga kamay ko at inalalayan akong bumaba ng kama niya.
"I'll cook. Sandali lang 'to," ani niya at pinaupo ako sa highchair sa may kitchen niya. Nakapalumbaba ako habang pinapanood siyang nagluluto, at nangingiti na rin ako ng makita kung gaano siya kaseryoso sa bawat galaw niya. Halatang sanay na sanay siya sa kusina.
Bigla tuloy akong nahiya. Marunong naman ako mag-luto, yun nga lang ay madalas ay matabang o kaya naman ay maalat.
"I thought you came from a family dinner?" tanong niya habang sarap na sarap akong sumusubo ng niluto niyang chicken adobo.
"I did,"
"But you look so hungry," he said at pinaglagyan pa ako ng tubig sa baso ng bahagyang masamid. Uminom muna ako ng tubig bago siya hinarap at tipid na nginitian.
"Napagalitan kasi ako Dad kaya nawalan ako ng gana," sagot ko sa kanya habang nakatuon ang tingin sa pagkain.
"Can I ask why?" nag-angat ako ng tingin dahil sa tanong niya.
"Why my dad got mad at me? That's ---"
"No. I know you're not yet ready to tell me about that," putol niya sakin kaya kumunot ang noo ko and for some reason, I felt my heart skip a beat while staring at his serious face.
"I wanted to ask why you chose to come here?" kinabahan ako. Totoong hindi pa ako handa na ikwento sa kanya ang tungkol sa pamilya ko pero parang mas madali iyong sagutin.
Bakit nga kasi dito ako pumunta?
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil wala akong masagot. Nakatitig lang siya sakin at nag-aabang ng sagot. Ilang segundo rin kaming magkatitigan hanggang sa ako ang sumuko at nag-iwas ng tingin.
"H-hindi ko alam, sabi ko sayo diba? Si Trek nga kasi yung nagdala sakin," pabulong kong sagot habang nakatingin sa gilid. Nagulat ako ng maramdaman ko ang mga kamay niya na humawak sa baba ko at marahang hinarap ang mukha ko sakanya.
"Hindi mo alam?" ulit niya, binabalewala ang kalokohang karugtong ng sagot ko. Wala sa sarili naman akong napatango habang titig na titig sa mga mata niyang napakalalim. For a moment I thought I'll be willing to throw away everything just to reach the bottom of that mysterious and deep orbs that was staring at me.
"I just wanted to rest. Nakakapagod din palang hindi maging enough," naluluha kong saad sa kanya. Napapikit ako ng maramdaman ko ang marahang paghaplos ng daliri niya sa pisngi ko.
"Then keep doing so. I want you to come to me, Rebekah. Pag pagod ka na puntahan mo ko, kung hindi mo kaya, tawagan mo ko. Ako ang pupunta sayo," nanuyo ang lalamunan ko at pinigilan ko ang sarili na dumilat.
Natatakot ako sa pwede kong makita sa mga mata niya. I wasn't prepared for any romantic dispute with anyone and especially not with this guy! Pero sa nararamdaman ko ngayon at sa pinaparamdam niya, delikado ata ako.
"Rebekah?" tawag niya sa pansin ko. Pilit ko munang linunok ang kung anong bara sa lalamunan ko bago ko tuluyang idilat ang mga mata at sumalubong doon ang mga magagandang mata niya.
"When you're tired you come to me, okay?" ulit niya habang nakatitig sakin. I gave him a smile and nodded.
Pag-bibigyan ko ang sarili ko sa ngayon habang may halaga pa ako sa kanya. Ihahanda ko na lang ang saril ko sa pagdating ng panahon na magsawa na siya.
"That's my girl," he said and smiled as he watched me devoured the food he cooked for me.
Hindi na niya ako pinayagang umuwi pa. I slept on his unit and for the first time, we slept on the same bed without doing anything. He just hugged me as I snuggled closer to his chest and I think, that was the best sleep I had for years.
"Good morning, Attorney!" bati ni Venus pag-kapasok ko sa opisina kinabukasan.
"Good morning!" Masiglang bati ko pabalik.
"Good mood tayo ah?" napalingon ako ng marinig ko ang boses ni EJ mula sa likuran ko.
"Good morning Eon!" Bati ko sa kanya at humalik sa pisngi niya.
"Ang saya mo ah? San ka natulog kagabi at tinawagan na naman ako ni Tita?" taas ang kilay na tanong niya.
"She did?" kunot ang noo kong tanong.
Nag-paalam ako ah?
"Anong sabi mo?" tanong ko sakanya.
"I told her na may tinatapos ka dito sa office. So saan ka nga kagabi?"
"Brent's," sagot ko sakanya.
"Who's that?" Kunot noong tanong niya na tinawanan ko na lang.
This guy is so forgetful.
"Sino yun Arci?" ulit niyang tanong.
"My boyfriend, remember?" natatawa kong sagot sa kanya.
"Were you serious about that guy? Didn't know you do boyfriends now," nginisihan ko na lang ang sinabi niya at nag-umpisa ng mag-labas ng mga case files na kailangan kong i-review.
"Hey, are you serious?!" napa-angat ako ng tingin ng marinig ko ang pag-taas ng boses niya.
"Bakit? Bawal ba akong magboyfriend?" taka kong tanong sa kanya. Nagtataka ako sa galit na nakikita ko sa mukha niya.
Ano bang problema nito?
"Do you even know that guy?" iritado ang tono ng pagkakatanong niya kaya mas nagtaka ako dahil doon. Tumayo ako at lumapit sakanya.
"What's wrong? Bakit ang init ng ulo mo?" mahinahon kong tanong sa kanya pero iniwas niya lang ang tingin sakin.
Something is bothering him.
Hindi mainitin ang ulo ni EJ, this is something rare kaya naman nag-aalala ako sa kanya. He was always there for me whenever I need him and I wanted to be there for him too.
"Hey what's wrong?" Malambing kong tanong sa kanya pero umiling lang sya at tinitigan ako ng ilang sandali.
"Sana alam mo ang pinapasok mo, Arci," saad niya bago siya nagmamadaling lumabas ng opisina ko at pabagsak pang isinara ang pinto.
BINABASA MO ANG
Evicted (TLS #2 - COMPLETED)
General Fiction2nd Installation of The Lawyer Series - (COMPLETED) Attorney Rebekah Claire Alarcon was born competitive, she excels in almost everything. All the cases she had handled had all been in favor of her and her clients. However, she met Attorney Brent He...