CHAPTER 2

6 1 0
                                    

CHAPTER 2

“Hi pinsan,” hindi pa man ako nakakapasok ng campus ay bumungad na sa akin ang nakakairitang pagmumukha ni Nathan.

“Stay away from me,” masungit na sabi ko saka naunang maglakad papunta kay xyrehle na naghihintay sa akin.

“Who is he?” tanong niya nang makalapit ako sa kaniya.

“Nathan. He’s asshole. Don’t talk to him.” sabi ko saka hinila na siya papuntang room. Nang makaupo kami ay sakto naman dumating na ang prof namin sa P.E at nagsimula na siyang magdiscuss sa activity na gagawin namin at by pair raw iyon. Pinapunta ng prof namin ang president namin para bumunot ng title na isasayaw namin.

“Polka sa Nayon,” banggit ng prof namin saka pina-upo ang president namin. Kinuha niya ang mag index cards namin saka bumunot.

“Cruz and Sarmiento,” tawag ni sir at tumayo naman ang dalawa kong kaklase. Pinagpatuloy pa ni sir ang pagbubunot at naiinip na ako dahil malapit ng maubos ang hawak niyang index card pero hindi pa ako natatawag.

“Nagpasa ka ba ng index---” hindi na natuloy ni xyrehle ang pagtatanong niya nang marinig ko ang apilido ko saka tumayo.

“Alvarez and Dizon,” tumayo ako para makita kung sino ang magiging partner ko at siya ‘yung sinabihan ni xyrehle na cute. Cute nga siya. “Starting tomorrow I’ll not able to attend on your class para makapagpractice kayo, remember you only have 3 weeks to prepare. Good day class,” ngumiti si sir saka lumabas ng room. Nagsitayuan naman ang mga kaklase ko pero pinaupo sila ni president at nagsimula itong idiscuss ang gagawin namin.

“Free ba ang lahat every Saturday and Sunday?” tanong ni president at marami namang sumang-ayon at maliban sa akin. I’m not sure pero siguro papayagan naman ako ni daddy since school activity naman ito.

“Okay, since majority naman we will go out for our practice. Attendance is a must.” ngumiti ito saka umupo. Tatayo na sana ako para pumuntang cr nang hinarap nang partner ko. Ngumiti ako sa kaniya kaya ngumiti rin siya.

“I’m your partner,” sabi nito. Bakit hindi ko ba alam?

“I know,” sabi ko saka tumayo. Sinundan naman ako ni Xyrehle.

“Gwapo ng partner mo, ‘yung akin gwapo nga kaso pangit naman ng ugali. ‘Yung mayabang? ‘Yung pabibo lagi? Nakakainis siya. Dapat partner niya si Shiella e, parehas silang bida-bida,” badtrip na sabi niya. Natawa nalang ako sa rant niya. Ayaw na ayaw niya talaga kay Gerald. Masyado kaseng presko ang lalaking iyon. Anak ng Mayor kaya mayabang.

“Ayaw mo no’n? Anak ng mayor ang partner mo,” pang-aasar ko sa kaniya. Nang makarating kami sa cr ay pumasok na agad ako sa isang cubicle, nang matapos ako ay lalabas na sana ako ay kaso may narinig ako nag-uusap.

“Alvarez? Anak ni Congressman?” tanong ng babae. Ako pinag-uusapan nila?

“Yeah, she’s so annoying, right? She’s not pretty, pero ang feeling niya,” sabi pa ng isa. Agad nag-init ang ulo ko kaya lumabas na ako. Nakita kong nanlaki ang mga mata nila nang makita ako.

Ally and Crishell? Those bitch!

“Sorry, narinig ko kase pinag-uusapan niyo magchichismisan nalang kase dito pa. So cheap.” ngumiti ako sa kanila saka lumabas. Nasaan ba si xyrehle? Bigla nalang akong iniwan rito! Naglakad nalang ako papuntang room. Nang makarating ako roon ay wala naman si xyrehle. Nasaan kaya siya? Ilang minuto pa ay hindi pa rin siya nakakabalik, pati na rin ‘yung dalawang bruha.

Hindi kaya rumesbak na naman ang babae? War freak talaga. Lumabas na muna ako ng room dahil wala naman akong makausap rito.

“Karylle!” napatingin ako sa tumawag sa akin at agad naman akong nangiti nang makita si Leo. “Hi,” bati niya nang makalapit ito sa akin.

“Tapos na class mo?” tanong ko dahil kung tapos na ay baka papunta na rito si Nathan, magkaklase kase sila. Section A sila at kami naman ay Section B.

“Break time,” sagot niya saka ibinigay ang burger na hawak niya. Tinaggap ko iyon saka nagthankyou. “Do you have plans?” tanong niya.

“About?” tanong ko naman.

“Your birthday, bitch,” umirap ito sa akin dahil sariling birthday ko ay hindi ko maalala.

“Si daddy naman bahala doon,” sabi ko. Always naman nagpapa-party iyon. Last debut ko ayaw ko sanang engrande kaso umayaw siya since marami siyang kakilala ay kailangan raw bongga ang celebration ko. Si Nathan dapat ang escort ko pero si Leo ang pinili ko. Ganon kami kaclose.

“You’re already 18 years old but you are not allowed to have a boyfriend yet,” sabi niya. Napairap nalang ako. Super protective!

“Okay dad,” sabay kaming natawa sa naging sagot ko. Napatigil nalang kami sa pagtawa ng nasa harapan na namin si Nathan.

“Hindi ako tatakas, saka kasama ko naman si Leo,” inunahan ko na siya. Baka ano na naman lumabas sa bibig niya.

“I don’t think so, spoiled ka sa pinsan mong ‘yan,” sabi niya saka tumalikod at pinuntahan ang bodyguard ko. Ang akala ko ‘pag si nathan na ang magbabantay sa akin ay wala na si kuya nico. Kaso mali. Naging masikip ang buhay ko. Hindi ko nalang sila pinansin at hinarap nalang uli si Leo.

“You!” turo ko sa kaniya kaya nagulat siya. Natawa ako sa naging reaksyon niya. Ang gwapo pa rin niya. “May Girlfriend ka na?” tanong ko. Tinawanan nalang niya ako. Ang dami dami kayang nagkakagusto sa kaniya. Ang gwapo niya kase tapos ang talino niya at mabait pa. Kung hindi ko lang pinsan ‘to, jinowa ko na.

Charot.

“Not interested,” sagot niya.

“Not interested,” pang-gagaya ko. “What about Ally the Bitch? I heard nililigawan mo? She’s pretty but her attitude is disgusting” sabi ko saka umirap. Masyado siyang masama sa pinsan ko. Tinawag niya akong annoying at hindi maganda. Kaya hindi siya healthy kay Leo.

“That’s not true, tinulungan ko lang siya last time kase nahulog niya ang mga libro niya kaya tinulungan kong mapulot. And that’s it. And then pagpasok ko kinabukasan may rumor na, na nililigawan ko siya,” halatang naiinis siya kay Ally the Bitch.

“Assuming naman, masyado ka kaseng mabait. Kung ako ang nakakita sa kaniya ay sinipa ko pa siya,” nakakainis siya. Feeling niya ata ay napakaganda niya. Sinamaan naman niya ako nang tingin.

“You’re acting like a mean girl now,” sermon niya. Napaka Leo ha! Pero nagpapasalamat ako dahil naging pinsan ko siya. Napaka suportive na over protective. Gusto ko pa sanang makipagkwentuhan sa kaniya kaso nakita naming pumasok na ang prof nila kaya umalis na siya. Papasok na rin sana ako kaso tumambad sa akin ang gwapong mukha ni Cedly, partner ko.

Tinaasan ko siya ng kilay pero nakatingin lang siya sa akin. Hindi ko nalang siya pinansin saka dumeretso sa upuan ko.

“Weird,” bulong ko.

Fear In Love (LS #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now