CHAPTER 10
“Palit tayo?” pang-aasar ni lindlee sa akin habang winawagayway niya ang 1/8 na papel at nakasulat roon ang pangalan ni Cedly. Nagbunutan kase kaming babae at nakasulat roon ang pangalan ng mga kaklase namin lalaki. May activity uli kami sa P.E at by pair uli. Ang nabunot ko kase ay si John. Kaso si xyrehle ay si Cedly ang nabunot niya.
Feeling ko pinagtaksilan niya ako.
“Give it to me. Hindi naman nila malalaman and diba may crush ka kay John? Chance mo na ‘tong magpapansin!” sabi ko saka pilit na inaabot ang papel niya.
“Gagamitin mo pa ako sa kalandian mo,” sabi nito.
“Sige na kase, bahala ka. Hindi kayo magiging close niyan. At least kami close na kahit papaano, e kayo? Ni hindi ka nga kinakausap,” sabi ko.
“Sinong nabunot niyo?” nagulat kami ni Xyrehle nang biglang lumapit sa amin si Bryan.. Agad kong dinampot ang papel sa kamay ni xyrehle at ibinigay sa kaniya ang akin. Kaya naman sinamaan niya agad ako nang tingin pero nginitian ko lang siya nang napakatamis.
Feeling ko nanalo ako sa lotto.
“Si Ally partner ko,” napakamot siya sa ulo dahil sa disappointment. Ayaw niya rin kay Ally dahil masama raw ang ugali niya tapos bully pa raw.
Sabay kaming natawa nang malakas ni Xyrehle. Sa dami ng kaklase ko si Ally pa ang nakabunot sa kaniya.
“Ang saya saya niyo ha? Ano, happy? Happy na?” asar nitong sabi. Mas lalo tuloy kaming natawa dahil sa itsura niya ngayon. Sa sobrang badtrip niya sa amin ay nagwalk-out nalang siya. At dahil masaya ako ngayon, pinuntahan ko nalang ang future ko.
“Puntahan ko lang asawa ko,” sabi ko kay xyrehle.
“Ang landi,” bulong nito saka pinuntahan rin si John. Nagulat pa si Cedly nang makita niya na ako ang papalapit sa kaniya. Kami nalang ata ni Xyrehle ang hindi pa pimupunta sa mga partner namen.
Hindi ko siya kinibo at nakinig lang kay sir. Pinaliwanag niya ang gagawan namin. Modeling pala! Hindi naman ako marunong! Ang title nang gagawin namin ay Wear Your Dreams. Pero bakit partner pa? Ang dreams ko lang naman ay maging asawa si Cedly.
Char.
“Anong susuotin mo?” tanong niya. Umupo muna kami para pag-usapan ang gagawin. Kailangan raw match. Nakaisip tuloy ako ng maganda!
Kinikilig ako tuwing naiisip ko ‘to. Masyado akong malandi!
“Pambahay,” sabi ko. Kumunot noo naman siya at hindi maintindihan kung bakit gano’n ang sagot.
“Pambahay?” nagtatakang tanong niya. Ngumiti naman ako sa kaniya.
“Gusto ko lang naman maging house wife.” sabi ko. “Mo,” dugtong ko kaya mas lalo siyang kumunot noo. Nakakainis siya! Hindi ba siya kinikilig? Sayang! Dibale, may next time pa hehe.
“Be Serious, Alvarez,” sabi nito. Ay wow? Apilido ko na ngayon?
“I’m serious, Dizon,” ganti ko. “Seryoso ako sa’yo,” tukso ko uli. Pero walang epekto! Bato ba puso ne’to? Nakatingin lang siya sa akin! Blanko ang expression. Hindi man lang kinilig! Pero ‘pag si Ally kumakausap paminsan minsan tumatawa. Bwiset ka, Ally!
“Okay, bukas nalang tayo mag-uusap kapag matino ka na,” aba?! mukha ba akong abnormal ne’to? Ang sakit niyang magsalita ha! Sumosobra na siya! Pero love ko pa rin!
“Sige na, behave na,” sabi ko saka umirap. Wa-epek naman pala paglalandi ko.
“Formal Attire lang ang susuotin ko dahil Anchor ang gusto ko.” sabi niya. Tumango ako sa kaniya. Hindi nalang ako nagsalita. “How about you?” tanong niya. Nagkabit balikat lang ako. Alam naman niya ang gusto at sinabi ko na sa kaniya ‘yon nu’ng nag film kami.
“Okay,” sabi niya saka tumayo. Gano’n lang? Hindi niya ako pipilitin? Ano, walang suyo-suyo? Naks naman! Napaka cold! Iniwan niya ako rito? Pambihira naman! Kung hindi lang kita crush ay nasapak na kita!
“Karylle!” tawag sa akin ni leo. Lumabas muna ako ng room dahil naiinis ako kay Cedly! Hindi man ako sinuyo.
Wow, jowa?!
“Napano ka?” galit na tanong ko. Hindi ko rin maintindihan at bakit naiinis ako sa lahat ng bagay. Naiinis ako sa tabi kong halaman. Hindi ko alam! Basta naiinis ako.
“Ay badtrip! Hindi ka na naman pinansin ni Cedly ‘no?” asar niya saka tumawa. Anong nakakatawa do’n?
“Hindi man lang niya ako sinuyo,” sabi ko.
“Ay wow! Bakit? Boyfriend mo? Feeling brokenhearted wala naman jowa.” pang-iinis niya lalo. Nabubwisit ako sa mukha niya!
“Umalis ka na nga! Hindi ka nakakatulong e! layas!” pinagtataboy ko siya hanggang sa mahagip ng mata ko si Cedly na masayang nakikipag-usap kay Ally.
Bakit ‘pag ako kausap niya, ang sama ng mukha?! nakakabadtrip!
“Hindi tayo pwedeeeeee! Pinagtagpo pero ‘di tinadhana…..” kanta ni nathan habang papalapit sa amin ni Leo. Lumagapak ng tawa si Leo dahil do’n.
“Ang sasama ng ugali niyo! Bakit ba naging pinsan ko kayo!” nakakainis sila! Nagtataka naman si Nathan kung bakit ako galit na galit. Lumapit si leo sa kaniya saka inakbayan at itinuro sina Cedly at Ally na masayang nag-uusap. Nang mapagtanto niya iyon ay sabay silang tumawa nang malakas.
“Dalaga na ang Karylle namin! Inlove na! Kaso, hindi ka niya gusto. Iyak sis,” sabi pa nito kaya tumawa na naman sila ni leo.
“Alam niyo, napakalaking salot niyo sa lipunan,” inis kong sabi! Tinalikutan ko sila saka pumasok sa room. Umupo ako saka yumuko nalang. Badtrip ako ngayon at wala akong pakialam sa kanila. Napaangat ako nang tingin nang makarinig nang malakas na tawa galing sa dalawang tao. Ang tahimik kanina tapos ngayong papasok sila mag-iingay?
Bakit ba ang saya niya kay Ally?!
Padabog ako tumayo kaya natigilan silang lahat.
“Ang ingay!” sabi ko. Binangga ko pa si Ally kaya natumba siya. Masyado siyang madikit kay Cedly. Bakit ba close na close sila!?
“What’s your problem, bitch!” hinatak ako ni Ally at naramdaman kong may bumaon sa braso ko at nakita ko ang kuko niya. Shet! Wala ba silang nail cutter sa bahay?!
Nagsimula ng tumulo ang dugo at sobrang habdi! Itinulak ako ni Ally kaya napa upo ako at hawak ko ang braso ko. Sobrang sakit! Nakita kong nataranta si Cedly at hindi alam ang gagawin. Pinuntahan niya ako at nag-abot ng kamay para tulungan akong tumayo pero hindi ko iyon kinuha. Tumayo akong mag-isa at iniwan sa ere ang kamay niya.
“I can handle myself, I don’t need your help,” sabi ko at lumabas na ng room.