CHAPTER 20

5 1 0
                                    

CHAPTER 20

“Wife!” agad akong napalingon nang marinig ang tumawag sa akin. Kumakaway ito at sobrang lapad ng ngiti. Katabi nito si Leo at Nathan na tumatawa.

Agad kong hinila ang dala kong maleta. Finally, after 5 years, naka-uwi na rin ako. Nakangiti ako habang papalapit sa kanilang tatlo.

Nang makarating ako sa tabi nila ay kaniya kaniya nilang kinuha ang tatlo kong maleta. Wala naman akong masyadong gamit na dala noon at kaunting pasalubong lang ang binili ko dahil wala naman akong oras pa dahil atat na atat ang tatlo na makauwi ako.

Papaalis na kami sana nang mapatingin ako sa malaking screen. It was him.

Naging mature lalo ang mukha niya. Mas gumwapo siya. Mas naging maganda ang boses niya.

“Ian Dizon, nagbabalita….” nakamit niya ang nais niya. Ang maging News Anchor. I’m so proud of him, at least kahit hindi naging maayos ang pagsasama namin ay nakamit niya pa rin ang pangarap niya.

“Wife, let’s go? Your dad is waiting,” nakangiting sabi ni Aron. Tumango ako sa kaniya at muling napatingin sa screen.

“I miss you, my princess,” agad akong niyakap ni daddy nang makita niya ako. Hindi pa man ako nakakaupo ay sinalubong na agad ako nang yakap.

“I missed you too, daddy,” sabi ko sa kaniya.

“Gusto ka na agad pauwiin nitong si Aron, sobrang excited na sa kasal niyo,” nakangiting sabi ni daddy. Ngumiti nalang ako.

Ang akala ko noon hindi matutuloy ang kasal. Gusto kong humindi, gusto kong umatras kaso masasaktan ko si Aron. Siya ang nasa tabi ko no’ng panahon na iniwan ako ni Cedly. He always with me. Hindi niya ako iniwan kahit patuloy ko siyang tinataboy, kase si Cedly ang kailangan ko at hindi siya. Pero hindi niya pa rin ako iniwan. Hindi siya nagsawa na intindihin ako.

Limang taon na pero sikat na sikat pa rin ang Jimenez Fashion Wear, aaminin ko, hindi ko gusto ang design, pero wala naman akong magagawa dahil magiging asawa ko ang may-ari nito.

“Sleep, pagod ka sa byahe,” hinatid na ako ni Aron sa kwarto namin. Katatapos ko lang maligo at nagpatuyo ng buhok ay pinahiga na niya agad ako. Kinuha niya ang kumot at binalot ang katawan ko, “Sleep well, wife,” sabi nito bago ako halikan sa noo. Pinatay niya ang ilaw bago humiga sa tabi ko.

Nagising nalang ako dahil sa sinag ng araw, nang tignan ko ang oras ay 10 am na pala. Napatingin ako sa tabi ko at mahimbing na natutulog si aron. Nakahawak ito sa baywang ko kaya hindi ako masyado makagalaw.

Aalisin ko na sana ang pagkakahawak niya nang hilahin niya ako papalapit sa kaniya. Nasubsob tuloy ako sa leeg niya. Narinig ko pa siyang tumawa kaya hinampas ko siya.

“It’s too early, wife,” sabi nito habang sinisiksik ang katawan niya sa akin.

“It’s already 10 am, let’s go, nagugutom na ako,” reklamo ko sa kaniya.

“But I missed you,” sabi pa nito. Tumawa naman ako, “Do you still love him?” napatigil ako sa pagtawa dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam anong sasabihin ko at hindi ko alam anong isasagot ko sa tanong niya. Umayos siya nang higa at tumayo at tumingin sa akin. “We can stop the wedding if you want, I understand,” sabi pa nito. Hindi pa rin ako makapagsalita.

“Paano ka?” mahinang sabi ko.

“As long as you happy, I am happy too. ” sabi nito at hinalikan ako sa noo.

“I’m sorry,” nakayukong sabi ko.

“You don’t have to, it’s not your fault, wife.” niyakap ko nalang siya dahil naiiyak na rin ako. Nahihiya ako sa kaniya dahil nasasaktan ko siya. “Hey, stop crying, wife.” hinarap niya ako at siya ang nagpunas ng luha ko. Hindi ko siya pinansin at niyakap nalang siya uli.

“You love him?” tanong ni Xyrehle, nasa mall kami ngayon dahil bigla nalang siya nag-aya dahil miss na niya raw ako. Tumango nalang ako. Mahal ko naman si Aron, pero hindi ako sure kung mahal ko pa rin si Cedly. Pwede ba ‘yon? Dalawa sila?

“Mabait si Aron, walang mali sa kaniya. Alam ko naman at ramdam kong mahal niya rin ako,” sabi ko sa kaniya. Ramdam ko na mahal na mahal niya ako at hindi niya ako pinapabayaan.

“E si Cedly? aka ‘Mr. Ian Dizon’ one of the most hot news anchor in the Philippines! Sobrang hot niya tuwing nagsasalita siya. Feeling ko nga kaya nanonood nalang ng balita ang ibang tao dahil sa kaniya. Ang galing galing niyang magsalita isali mo pa ang napakagwapo siyang mukha,” kwento pa niya. Parang gusto ko siyang saksakin ng tinidor dahil sa mga pinagsasabi niya. “Don’t tell me wala kang t.v sa US? Poor, hindi mo man nakikita kung gaano siya kagwapo. Hindi mo rin nakikita kung gaano siya pinagkakaguluhan ng mga babae, sayang, sis.” dagdag pa nito bago kumain uli. Inirapan ko nalang siya. Ang daldal niya.

“Malapit na bang matapos ‘yung pinapagawa mo?” tanong niya nang mapadpad kami sa mga cosmetics.

“Oo, hulaan mo sinong Architect ko,” sabi ko sa kaniya. Inirapan niya lang ako.

“Sure naman akong pangit ang design ng building mo,” umirap siya uli bago umalis. Napakabitter!

“Where have you been?” ibinaba ni Aron ang hawak niyang magazine sa coffee table at tumingin sa akin. Naka office attire pa ito at mukhang kakauwi pa lang. 8pm na pala. Masyado kaming nawili ni xy sa kakashopping.

Ibinaba ko ang mga hawak kong paper bags bago nagsalita, “Mall, kasama ko si xyrehle,” sabi ko.

“Wala ka bang relo? Wala ka bang cellphone?” nagulat ako sa sinabi niya. “Hindi mo man lang inisip kung anong oras na, hindi mo man ako tinawagan para hindi ako nag-aalala!” sigaw niya sa akin. Kusang tumulo ang luha ko.

Ngayon lang. Ngayon niya lang ako sinigawan ng ganito.

“I’m sorry---” he slapped me.

Napatulala ako sa nangyare. Sinampal niya ako. Hindi naman niya ako sinasaktan dati, pero bakit ngayon?

“Shit! I’m sorry, wife!” akmang lalapit na sana siya pero agad akong umatras at tumakbo papasok sa kwarto.

Fear In Love (LS #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now