CHAPTER 26
"Hindi ka galit sa kaniya? 'Di ba iniwan ka niya?"
Ngumiti lang ako, hindi ko rin kase alam kung bakit hindi ko nagawang magalit sa kaniya kahit iniwan niya ako noon. Ewan, dahil mahal ko siguro.
Siguro hanggang ngayon.
"Hindi ko siya nakikitang dumadalaw noon e, o baka naman patago lang," pagpapatuloy ni Xyrehle. Nandito lang kami sa bahay dahil wala naman akong ganang lumabas. Hindi pa rin niya nakakausap si Cedly dahil kanina ay nakalive na naman ito dahil sa isang sunog na nangyare kanina sa Cavite. Halos live lahat ang ginagawa niya. Marami rin siyang ibang guest show dahil sa sikat siya.
"Grabe ang kasikatan niya 'no? Ang daming nagkakagusto sa kaniya. Ang alam ko no'n ay nagkagirlfriend siya kaso masyado atang toxic 'yung babae, ewan basta agad rin silang naghiwalay," kwento pa niya. Siya ang nagtutupi ng mga damit ko at hinayaan niya lang akong umupo dahil bawal raw akong magpapagod at baka mahospital na namn ako.
Gano'n rin sina Nathan at Leo, madalas silang bumisita at laging may dalang grocery para hindi ako magkulangan sa mga kailangan ko.
Hindi ko maimagine na hindi ko sila nakasama sa buong limang taon.
Nakakapanibago ang ganito.
"Ang tahimik mo, dati naman hindi. Naalog ata 'yang utak mo," inirapan ko siya sa sinabi niya. Patuloy lang siya sa pag-aayos ng gamit ko, halos dito na nga siya tumira dahil lagi siyang nandito. Bago ako matulog nandito siya at pagkagising ko ay siya agad nakikita ko.
Hindi naman ata 'to umuuwi e.
"May iniisip lang. Paano kung hindi ako nagising?" napatayo siya bigla, agad niya akong sinamaan nang tingin.
"'Yang mga ganiyang bagay ay hindi dapat pinag-uusapan. Pinapakaba mo 'kong babae ka," sabi nito. Lumapit ito sa akin at niyakap ako nang mahigpit. "Kahit anong mangyare, hinding hindi kami mawawalan ng pag-asa, kahit ilang taon pa 'yan. Maghihintay kami," sabi nito. Ngumiti lang ako sa kaniya at ginantihan siya nang yakap.
"May girlfriend na 'yon," agad ko naman sinamaan nang tingin si Nathan. Sila naman ang narito at si Xyrehle ang wala. Nag-iiwasan ata sila.
"O bakit? Kung mahal ka no'n agad ka na niyang pinuntahan noong palang nalaman niyang gising ka na. Ilang araw ka nang buhay uli hindi ka pa rin niya pinupuntahan. Marami ng chiks 'yon." muling sabi niya bago tumayo at kumuha ng pagkain.
"Huwag kang masyadong naniniwala sa kaniya, bitter 'yan kaya gusto niya nang may kadamay," gatong naman ni Leo. Natawa naman ako sa sinabi niya. Hindi ko rin naman alam kung maniniwala ako a pinagsasabi ni Nathan tungkol kay Cedly.
"Iba na tipo no'n, Model gano'n. Iba na ang taste, kung dati ay kung sino sino nalang pero ngayong isang sikat na siya ay malabo na sa gano'n." Agad ko siya binato ng unan at tumama naman iyon sa mukha niya. Ang sama pa rin niya. Sinasabi ba niyang walang taste si Cedly kaya ako ang niligawan? Sira ulo.
"Patay na patay ha?" natatawang sabi niya habang pinupulot ang unan na binato ko. "Mas gwapo pa rin ako do'n. Mas marami pa rin akong chiks, diba Leo?" umupo siya sa tabi ko at inakbayan ako.
"Ulol," sabi naman ni Leo. Hindi talaga sang-ayon si Leo sa mga pinagsasabi niya. Kahit naman ako ay hindi sang-ayon, parang walang katotohanan ang lahat.
Lumipas ang ilang buwan ay gano'n pa rin ang routine ko dito sa bahay, kaso nagsimula na akong mainip kaya kung ano ano nalang ang pinaggagawa ko rito sa bahay. Wala si daddy at may isa siyang ka meeting sa Davao kaya medyo matagal pa siyang makauwi.
Dahil wala na siya sa buhay politiko ay nagpatayo nalang siya ng isang business. Isang perfume business. Sa akin agad nakapangalan iyon.
"Tara na," napatayo ako agad nang marinig ko ang boses ni Xyrehle mula sa likuran ko. Nag-aya siya ngayon sa isang bagong bukas na mall at gusto niya itong makita.
Lumabas na kami ng bahay at agad na bumyahe papuntang Mall.
"May surprise ako sa'yo," sabi nito at agad akong kinaladkad sa loob. Marami na agad tao ang narito at karamihan sa pamilya sila, may magkakaibigan rin.
XM Mall, ang pangalan at hindi ko gets kung bakit at wala akong panahon para alamin kung bakita iyan ang naisip. Ngayon ang opening nito kaya excited si Xyrehle.
"Ang tagal," reklamo ko sa kaniya. Kanina pa kami lakad nang lakad pero hanggang ngayon ay wala pa rin ang surprise na sinasabi niya.
Kinakabahan ako sa iniisip ko. Sana hindi. Hindi pa ako handa.
Pero expectation ko lang naman iyon, hindi pa naman sure. Hindi ako sure.
"Huwag ka nang magreklamo, alam ko naman na magiging masaya ka at magiging proud ka sa kaibigan mo," tumawa siya habang hila hila pa rin ako. Nalibot na namin ata aitong buong mall pero hanggang ngayon ay para akong tangang naghihintay rito.
"Ang tagal, naiinip na ako," muli kong reklamo pero hindi na niya ako sinagot at patuloy lang kami sa paglalakad.
Ang dami na naming nababanggang tao pero hindi man lang siya nagsosorry kaya ako nalang. Nakakahiya sa kaniya. Napairap nalang ako dahil sa sobrang inip.
Huminto kami sa hapap ng elevator at hinintay itong bumukas. Nasa 5th Floor pa ito kaya medyo matatagalan dahil nasa ground floor kami.
"Saan ba tayo pupunta?" Ang taas ng mall na ito. Hanggang 6th floor, nakapabongga.
"Basta! Napakamainipin naman!" naiinis na siya sa akin dahil panay akong reklamo. Nasa 2nd floor na at nang bumukas ito ay parang nakalimutan kong huminga.
Nanlaki rin ang mga mata ni Xyrhle habang nakatingin sa loob ng elevator at dumapo ang tingin sa akin.
Hindi ko pa rin inaalis ang tingin sa kaniya at mas lalo akong nanlambot nang madapo ang mata ko sa kamay niyang nakahawak sa baywang ni Ally.
Akala ko ba kasal sila ni Aron?
Bakit?
Ito ba ang sinasabi ni Nathan na bago na ang taste niya? Ang pumatol sa may asawa na?
Hindi pa rin ako makapag-isip nang maayos, nang mapatingin sa akin si Ally ay nanlaki ang mga mata nito at kasunod no'n ay mabilis niyang inalis ang kamay ni Cedly sa baywang niya.
Napamulala si Cedly nang makita ako. Naramdaman ko nalang na hinila ako ni Xyrehle sa kabilang elevator at mabilis itong pinindot ang 6th floor.