CHAPTER 22

3 1 0
                                    

CHAPTER 22


"You may now kiss the bride," ilang segundo lang ay naramdaman ko na ang paglapat ng labi ni Aron. Malakas na palakpakan ang narinig namin. Humarap na kami sa mga tao at todo ngiti. Hindi nawala ang ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan ang mga tao sa harapan namin. 


Nagsimula na kaming magpirma. Katapos no'n ay picture taking na ang ganap. Matapos ang picure taking ay kaniya kaniya nang umalis ang mga tao para sa reception. 


Hindi pa kami agad pinaalis ng photographer dahil kailangan pa raw namin kuhanan ng picture. Nangangawit na ang panga ko kakangiti pero ayoko namang sumimangot dahil baka magmukha akong ewan sa picture. Go with ta flow lang. Kasal ko 'to. Happy lang at ienjoy. 


Napawi ang ngiti sa labi ko nang mapansin ang lalaking nakatayo sa harapan ng simbahan. Deretso ang tingin sa amin. Walang expression ang mukha niya. Nang mapansin niya na nakatingin ako ay ngumiti ito.


"Congrats," he mouthed, bago umalis.


Tulala lang ako hanggang makarating sa reception, ngumingiti sa mga bisita pero hindi pa rin maalis sa isipan ko si Cedly. 


Mahal pa kaya niya ako?


"Ano ba 'yan, bakit puro tasa ang regalo ni Nathan!" isang malaking kahon ang nasa harapan namin at puro tasa! Tapos si Leo ay puro pinggan! Pinagka-isahan ako ng dalawang 'yon ha!


"Wala tayong magagawa, sadyang kinulang sa bakuna 'yang mga pinsan mo," natatawang sabi ni Aron habang nagbubukas ng regalo. Halos pang kitchen ang natanggap namin. Si daddy, bahay at lupa ang regalo. Advance pa nga e. Ang parents naman ni Aron ay halos pang living room na gamit. Sa tingin ko ay hindi na namin kailangang mamili. 


"Look, galing kay xyrehle," napairap nalang ako nang makita ang regalo niya. Timba at tabo! Nasa malaking box rin ang mga iyon at puro timba at tabo ang laman. 


Nagbukas pa kami ng ibang regalo at nang mapagod ay nagpahinga nalang muna. Next week ay aalis na kami papuntang Paris, France for our honeymoon. 


"Hindi ko alam kung anong iniisip ng tatlo at bakit sandamakmak ang ibinigay nila." sabi ko. Kasing laki kase ng washing machine ang box nila at hindi ko naman inakala na tasa at pinggan pala ang laman no'n, tapos idagdag mo pa ang nakaparaming timba at tabo na galing kay xyrehle. 


"Hayaan mo na, at least marami tayong stock," natatawang sabi ni Aron. 


"Nagustuhan mo mo ba?" natatawang sabi ni Nathan,


"Gago," sabi ko. 


"Kapag galit ka, ihampas mo lang sa dinding," sabi nito saka tumawa. Nasa isang coffee shop kami ngayon dahil may meeting ako sa kaniya. "O kaya idonate mo rito," dagdag pa niya bago tumawa uli. Napapatingin tuloy ang ibang costomers, napapailing nalang ako. 


"May irereklamo ako sa design mo," sabi ko at bigla naman siyang namutla. Kilala kase siya bilang magaling na Architect dito sa pinas. Wala pang nagreklamo sa gawa  niya, kahit gago, matalino 'to. 

Fear In Love (LS #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now