CHAPTER 9
“I like you,” sabi ko nang mahabol siya. Hindi ko makita si kuya nico at hindi ko alam kung saan siya nagpunta.
“You are crazy,” hindi makapaniwalang sabi ni Cedly.
“I really like you, Ced,” sabi ko uli. Umiling siya at tinignan ako ng deretso. “Hindi mo ba ako gusto?” dagdag ko. Naiiyak na rin ako dahil hindi man lang niya magawang magsalita. Nakatingin lang siya sa akin. Medyo madilim rito sa gilid ng coffee shop kaya hindi niya nakikita masyado ang namumuong luha ko.
“Hindi tayo pwede,” sabi nito saka tumalikod. Agad ko siyang hinabol at hinawakan sa braso.
“Bakit hindi?” tumulo na rin ang mga luha ko. Ang akala ko mapipigilan ko sila kaso hindi. Nasasaktan ako dahil sa ginagawa ni Cedly.
“Kase hindi kita gusto,” sabi nito sa akin. Hindi ko alam kung paano ako magrereact sa narinig ko. Kusang bumagsak ang kamay ko sa pagkakahawak ko sa kaniya. “Layuan mo na ako. Hindi kita kailangan,” huli niyang sabi bago umalis nang tuluyan.
Napaupo nalang ako sa daan dahil nanlambot ang mga tuhod ko. Hindi ko magawang humabol sa kaniya.
Nahulog ako e.
Pero walang sumalo.
“Ma’am Karylle!” narinig kong tinatawag na ako ni kuya nico pero hindi ko magawang lumingon. Nang makalapit siya sa akin ay tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. “Anong nangyare? Bakit po kayo umiiyak? May nangyare po bang hindi maganda? May masakit po ba?” tarantang tanong niya. Halata sa mukha niya ang sobrang pag-alala. Itinuro ko ang dibdib ko, “Masakit rito,” napahagulgol nalang ako.
May tinawagan si kuya nico at ilang segundo lang ay may dumating na kotse. Agad akong pinapasok ni kuya sa kotse at nagsimula nang umandar ang kotse pauwi.
“You look miserable,” pagpasok ko palang room ay si Ally na agad ang nakita ko. Katabi niya si Crishell na nakangisi sa akin. Ke aga aga nang-iinis sila. Ang akala ko nga ay kaming tatlo palang ang nandito pero nandito na rin pala si Cedly. Naka earphone siya at busy sa pagbabasa.
Hindi ko siya pinansin at nilagpasan nalang siya kaso hinila niya ang buhok ko. Napasigaw ako sa sakit dahil sobrang higpit ng hawak niya.
“Ayoko sa lahat ang tinatalikuran ako,” gigil na sabi niya.
“Lagi ka namang nakatalikod, anong bago ro’n?” bilib talaga ako sa tapang ko. Napasigaw uli ako sa sakit dahil muli niyang hinila ang buhok ko. “Bitawan mo nga ako!” sigaw ko pero hindi niya ako pinapansin. Si Crishell ay nakatingin lang sa amin habang nakangisi. Kaya ang ginawa ko ay sinipa ko si Crishell kaya natumba siya at nakagawa nang ingay dahil sa pagbagsak niya sa mga upuan. Gulat na napatyo si Cedly at tumingin sa gawi ko.
“A-aray! Nasasaktan na ako!” arte ko. Pero hindi naman sa ganon kasakit. Kailangan kong magpapansin kay cedly. Nakita ko siyang lumapit sa amin at hinili ako palayo kay Ally. Galit siyang tumingin kay Ally. Inayos ko na rin ang buhok ko.
Bitch! Ilang oras ko ‘to binabrush tapos sasabunutan niya lang?!
“Ang arte mong babae ka!” sigaw niya saka tinulangan si Crishell na tumayo. Hindi ko siya pinansin at muling nagpapansin kay Cedly. Hinawakan ko ang ulo ko at umarteng nahhihilo.
“You okay? You want to to clinic?” alalang tanong niya. Tumango ako sa kaniya kaya inalalayan niya ako palabas ng room. Muli kong tinignan si Ally bago bumelat sa kaniya. Akala niya ha. Pero thank you sa kaniya at napansin ako ni Cedly.
Pagdating namin sa clinic ay agad akong pinahiga ng nurse. Ni-check niya ang temperature ko at okay lang daw ako. Natural, okay na okay ako ‘no. Umaarte lang naman ako.
Hinayaan lang ako humiga ni Cedly at seryosong nakatingin sa akin. Nang makita kami ng nurse ay nataranta siyang tinignan ang termomiter.
“Are you sure you okay? Namumula ka kase,” napahawak ako sa pisngi ko nang marinig ang sinabi ni nurse jane. Ang init!
“Mainit lang, hehe,” dahilan ko. Napakunot noo naman si Cedly.
“Naka aircon karylle,” sa sobrang hiya ko ay tumalikod nalang ako at nagtakip ng kumot. Shet, nakakahiya! Narinig kong tumawa nang mahina si Cedly. Pinaalis na rin niya si nurse jane at sinabing siya nalang ang bahala sa akin.
Kinikilig ako shet.
“Are you sure na okay ka na?” tanong muli ni cedly. Pabalik na kami sa room at late na kami. Kailangan namin ng dahilan para hindi kami macutting. Sayang attendance. Points rin ‘yon.
“Yeah,” sabi ko saka ngumiti sa kaniya. Namiss ko siyang kausap. Tapos tuwing inaaway ako ni Ally agad nasa tabi ko siya. Ilang araw niya rin akong hindi kinausap tapos tuwing nakikita niyang binubungangaan ako ni Ally bigla nalang siya lalayas kaya ayon, mas lalo akong binubwisit ni Ally. Ang babaw masyado nang kaligayahan niya.
“Next time, ‘wag mo nalang siya patulan. Masyado siyang isip bata,” sermon niya sa akin. Mas lalo ako kinilig dahil alam kong concern pa rin siya sa akin./ tumango lang ako sa kaniya at naunang pumasok ng room. Tapos na raw ang first subject namin at wala man daw ginawa.
“May activity na ibinigay si ma’am. By pair ‘yon at sinabi niyang kayo nalang ang magpartner since kayo lang naman ang absent,” paliwanag ni Lindlee sa amin. Tumango ako sa kaniya at hinintay si Cedly na maupo sa tabi ko. Nang makaupo siya ay sinabi ko ang sinabi ko ang sinabi ni Lindlee kaso medyo tanga ako dahil hindi ko naitanong kung ano ba ang gagawin namin kaya siya nalang ang nagtanong kay lindlee.
“We need to make a statue, pero depende naman sa atin kung gaano kalaki.” paliwanag niya nang makaupo siya tabi ko. Pero hindi man lang niya ako tinignan! Dati naman ay tinitignan niya ako sa mata kapag kinakausap ako, ngayon ni sulyap wala.
“What materials?” tanong ko habang hinuhuli ang mata. Nakayuko lang siya habang nakatingin sa sahig! Para siyang tanga!
“A lot of papers,” simpleng sabi niya. Hindi ko gets. Bakit kase hindi niya ako tignan ng deretso! Nakakainis siya!
“I don’t get it. Magtatanong nalang ako kay Xyrehle.” sabi ko. Hindi ko nalang siya pinansin. Nakakainis siya.
Parang kasalanan ang tignan ako. Kahit sulyap lang ay hindi niya magawa! Dati naman ay kahit hindi siya nagsasalita, kahit nakikinig lang siya at nakatingin ‘to sa ‘kin. Ngayon wala. Nanahimik nalang ako dahil hindi naman niya rin ako pinapansin. Hanggang sa dumating na ang prof namin sa P.E at nagsimula na itong magdiscuss.