CHAPTER 16

3 1 0
                                    

CHAPTER 16

“Ano ako aso? Na basta basta mo nalang pamimigay?!” isang malakas na sampal ang inabot ko kay daddy. Walang nagsasalita. Walang umaawat.

Hinayaan lang nila akong saktan ni daddy.

“How dare you! Kailan ka pa naging bastos?! Iyan na ba ang natututo mo sa pagsama mo sa lalaking ‘yon?! Hindi ba’t sinabi kong huwag kang lalapit sa lalaking ‘yon! Bakit ba ang tigas ng ulo mong bata ka!” sasampalin na sana niya ako kaso pumagitna sa amin si tito israel.

Agad akong nilapitan ni Nathan. Hindi na mapigil ang luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Kahit kailan ay hindi niya ako pinagbuhatan ng kamay. Ngayon lang.

“What are you doing, Kiel? Tinatakot mo ang anak mo,” sabi ni tito. Hindi sumagot si daddy at nakatingin lang ito sa akin. Kitang kita ko ang galit sa mga mata niya.

“Are you okay?” tanong ni Nathan, hindi ako makasagot. Kinuha niya ang panyo sa bulsa niya at pinunasan ang luha ko. “You’ll be fine,” sabi pa nito. Pinapasok na ako ni Nathan sa kwarto ko. Ang akala ko ay aalis na siya pero pumasok rin siya sa kwarto.

“Do you want me to call Leo?” tanong niya. Tumango nalang ako. Katapos niyang tawagan si Leo ay lumabas siya. Akala ko ay uuwi na siya pero pagpasok niya ay may dala siyang tray at may laman na pagkain.

“Kumain ka muna,” hindi ako sumagot. Hindi ako kumain. Hindi ako nagsasalita hanggang sa dumating si Leo. Agad siyang lumapit sa akin at tinignan ang pisngi ko.

“Are you okay? Do you want to go to clinic?” nag-aalalang tanong niya. Hindi ako sumagot at niyakap lang siya. Mas lalo akong naiyak nang sumali si Nathan sa yakap namin.

“Shhh, don’t cry. We are here. Stop crying na,” sabi ni leo habang pinupunasan ang luha ko. Kahit naman sabihin ko sa sarili ko na ‘wag na akong umiyak ay hindi ko rin naman mapigilan.

Pinahiga na nila ako at hinayang matulog. Paggising ko ay wala na sila. Agad akong dumeretsong bathroom para maligo na. Katapos kong maligo ay nagbihis na agad ako. Bumaba agad ako at lumabas na ng bahay.

Wala si daddy at hindi ko alam kung saan siya pumunta. Ayoko ring kumain dahil wala naman akong gana. Pagdating ko sa school ay naghihintay sa labas ng room si cedly. Kunot noo siyang nakatingin sa akin.

“You okay baby? Namumutla ka.” tanong niya. Kinuha niya ang bag ko at pumasok na sa loob. “What happened to your cheek?” tinignan ko lang siya. “Babe, answer me,” tanong niya uli.

“I’m okay,” ngumiti ako sa kaniya.

“You’re not,” sabi nito. Kusang tumulo ang luha ko nang hawakan niya ang pisngi ko. Nataranta siyang kuhanin ang panyo niya. “Don’t cry, love. I’m here. I won’t leave you,” sabi nito habang pinupunasan ang mga luha ko.

“I’m sorry,” sabi ko saka niya niyakap nang mahigpit. Hindi niya ako sinagot, hinayaan niya lang akong umiyak nang umiyak. Nang mapagod ang mga mata ko ay bumitaw ako.

“Stop crying. Hindi naman kita iiwan,” nakangiting sabi niya.

“Happy Birthday, love!” sabi ko sabay bigay sa kaniya ng regalo. Nang un ay ayaw niyang kunin pero pinilit ko siya. “I’m sorry, hindi kita masasamahan ngayong birthday mo,” sabi ko. Hindi niya ako makakasama ngayong birthday niya dahil ibang birthday ang pupuntahan ko.

“It’s okay love,” sabi nito at hinalikan ako sa noo.

“Fix yourself, huwag mo akong ipapahiya,” sabi ni daddy habang papunta kami sa kotse. Sumakay na ako sa kotse ko. Magkaiba kami ng sasakyan at hindi ko alam kung bakit. Iisa lang naman ang pupuntahan namin pero dalawang kotse pa ang gagamitin.

“Ang ganda mo ma’am,” nakangiting sabi ni Kuya Nico. Ngumiti naman ako sa kaniya. Pagdating ko sa bahay ay nasa kwarto ko na ang long gown na ito. Kulay white at maraming kumikinang na nakapalibot rito. Tube siya at fitted sa akin, medyo naiilang ako sa ganitong suot.Hindi ako sanay na magsuot ng ganito. Nagpadala rin ng make up artist si daddy para may mag-ayos sa akin. Kaya ko naman mag make up kaso masyadong maarte si daddy.

Isang oras rin ang byahe bago kami nakarating sa isang hotel. Sa labas palang ay kitang kita mo na mayaman ang mga nandito. Black and blue ang theme, halos magaganda at gwapo ang nandito. Nakasunod lang ako kay daddy at paminsan minsan ay hihinto siya para bumati sa mga taong nakakasalubong namin.

Pinaupo muna ako ni daddy at kasama ko si Kuya Nico, “Nakilala mo na siya Ma’am?” tanong bigla ni kuya, agad naman akong umiling. Kahit naman makilala ko siya ay hindi ko naman siya pakakasalan. Siguro naman ay may girlfriend siya at hindi rin siya papayag na mapakasal sa babaeng hindi niya kilala.

May itinuro si Kuya sa akin at napanganga ako sa kagwapuhan niya. Mas matangkad siya sa akin. Masaya siyang nakikiusap sa mga bisita niya hanggang sa nilapitan niya si daddy. Agad naman tumingin sa akin si daddy at inaya na ako ni Kuya Nico.

Tumayo agad ako at sumunod sa kaniya. Kailangan kong sumunod kay daddy. Wala naman akong magagawa kahit magwala ako rito.

“My lovely daughter, Karylle Natalie Alvarez,” pagpapakilala sa akin ni Daddy. Nasa harapan namin ngayon ang isang napakagandang babae, katabi nito ang isang lalaki at ‘yung Aron. Makikipagshake hands sana ako kaso bigla akong niyakap nang magandang babae.

“I’m Trixie Jimenez,” sabi nito sa akin nang kumalas siya nang yakap. “And this is Ace Jimenez, my husband and of course our son, your fiance my dear, Aron Jimenez,” sabi nito. Tinignan lang ako ni Aron. Hindi siya ngumiti. Nakatitig lang siya, naiilang ako sa titig niya kaya naman umiwas ako nang tingin. Narinig ko pa siyang tumawa kaya napatingin ako sa kaniya. Pagharap ko ay nakaluhod siya sa harapan ko habang hawak hawak ang isang box na may laman na diamond ring.

Nanlaki ang mga mata ko, ang akala ko ay hindi siya papayag, bakit nakaluhod siya?
Hindi pa man ako nakakasagot ay kinuha na niya ang kamay ko saka ipinasok ang singsing. Tumayo siya at tumabi sa akin. Hinawakan niya ang baywang ko at tumingin sa akin.

Hindi ko alam ang gagawin ko at naiilang ako sa kaniya. Pilit akong umaalis sa tabi niya pero hinihigpitan niya ang hawak niya. Tumingin ako kay Kuya Nico at maghihingi sana ako ng tulong pero hindi siya nakatingin sa akin.

Si daddy naman ay busy sa pakikipag-usap kina Tita Trixie, gusto ko ng umuwi!

“Excuse me,” sabi ko saka mabilis na lumabas sa hotel. Agad kong kinapa ang phone ko pero napamura nalang ako nang hindi ko iyong makita. Agad akong bumalik sa loob at hinanap si kuya nico. Nasa loob ng kotse ang phone ko! Kailangan kong tawagan si Cedly!

Nang mahanap ko si kuya nico ay agad ko siyang hinila at hiningi ang susi, hindi naman siya nagreklamo dahil alam naman niyang hindi ako marunong magdrive dahil ayaw ni daddy.

Nang makapunta ako sa parking plot ay agad kong binuksan ang kotse at mabuti nalang ay agad kong nakita ang phone ko.

“Help,”sabi ko bago pinatay ang linya.

Fear In Love (LS #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now