CHAPTER 14

6 1 0
                                    

CHAPTER 14

“I don’t want to see you again with that man! Are we clear, Natalie?!” hindi pa man kami nakakatapak sa pamamahay namin ay ‘yan na agad ang bungad ni daddy. Napilitan akong tumango dahil sa takot ko sa kaniya. “Pinasok kita sa mamahaling eskwelahan para mag-aral hindi para makipagdate! Naiintindihan mo ba ako, Natalie?!” tumango nalang ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil sa takot. “Go to your room!” mabilis akong pumasok sa bahay at umakyat sa kwarto.

Pagsara ko palang sa pintuan ng kwarto ko ay doon na bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Hindi na ako nakapagbihis pero humiga na agad ako. Wala akong lakas na kumilos ngayon, ang alam ko lang ay umiyak nang umiyak.

Kinapa ko agad ang phone nang maramdaman na nagvibrate ito.

From: cedly:)

We need to talk

Hindi ko alam pero bigla nalang akong kinabahan sa nabasa ko. Hindi ko alam kung anong mangyayare sa pag-uusap na gusto niya. Kinakabahan ako na baka makipaghiwalay siya sa akin.

Hindi ko alam.

Agad akong nakatulog dahil na rin sa kakaiyak. Nagising nalang ako ay umaga na. Agad akong bumangon para makaligo. Kumakalam na rin ang sikmura ko dahil hindi ako nakakain kagabi. Wala man lang nag-alalang gisingin ako para kumain. Mabuti nalang ay nag-alarm ng 6am ang alarm clock ko.

Matapos kong maligo ay nag-ayos agad ako. Kinuha ko ang uniform ko saka na isinuot iyon. Nang matapos ako ay agad akong bumaba para kumain.

“Ma’am, maaga pong umalis ang daddy niyo. May urgent meeting raw po siya. Pinadagdag po ni sir ang guard niyo.” sabi ni manang. Hindi nalang ako sumagot at kumain nalang.

Matapos kong kumain ay dumeretso na akong kotse. Agad kong natanaw ang dalawang bagong body guard. Seriously? Lima silang laging nakasunod sa akin? Ano ako, bata?!

Nang makarating kami sa school ay mabilis akong lumabas at mabilis ring naglakad para naman hindi sila makasunod pero ang bilis nilang maglakad! Napapatingin nalang ang ibang estudyante sa akin sa dami ng body guard na nakasunod sa akin!

Agad akong tumabi kay cedly. Busy siya sa pagbabasa kaya hindi niya ako napansin.

“Ced,” tawag ko.

“Hmm?” tanging sagot niya pero hindi man lang niya ako tinitignan. Dati naman ay hinihintay niya ako sa labas ng room pero ngayon ay hindi niya ako kinakausap.

Galit kaya siya?

“Are you mad?” malungkot kong sabi. Binitawan niya ang librong hawak niya saka ito tumingin sa akin.

“What do you think, baby?” sabi niya. Nakatingin lang ako sa kaniya. Feeling ko talaga galit siya kase hindi ko man lang siya naipakilala kay daddy tapos iniwan ko pa siya.

“You’re mad at me,” sabi ko saka yumuko nalang. Hindi ko na kase maipigilan ang iyak ko. “Please kung magagalit ka sa akin huwag muna ngayon, galit si daddy sa akin at ayokong pati ikaw magalit.” bumuhos na ang mga luha ko. Ang bigat kase sa damdamin na may galit sa’yo at daddy mo pa.

Hinila niya ako palabas ng room. Dinala niya ako sa likod ng building at walang tao rito.

“Huwag mo ‘kong iiwan,” umiiyak na sabi ko. Binitawan niya ang kamay ko at tumingin nang deretso sa mga mata ko. “Please, don’t leave me,” hindi siya sumagot, nakatingin lang siya sa akin. Tuwing nananahimik siya, kinakabahan ako. Hindi mabasa kung ano ang nasa isipan niya.

“You lied.” sabi nito sa akin.

“I’m sorry,” nanginginig na ang mga kamay ko dahil sa kaba. “Don’t leave me.” muli kong sabi pero hindi niya ako sinasagot.

“Bakit hindi ka nagsabi sa daddy mo?” malumanay niyang sabi.

“Kase hindi pwede. Kase magagalit siya----”

“Hindi pala pwede pero bakit mo ‘ko sinagot?” galit niyang sabi.

“Kase mahal kita!”

“Pero hindi ibig sabihin no’n ay magsisinungaling ka!”

“Intindihin mo naman ako,” mahinang sabi ko. Sobrang basa na ng mukha ko dahil sa mga luha kong ayaw tumigil.

“Sa tingin mo hindi kita iniintindi? Lagi karylle! Ako ba inintindi mo? ‘Yung iniwan mo ‘ko dahil nakita tayo ng daddy mo, inintindi mo ba ang nararamdaman ko no’n? Hindi diba? Kase takot ka. Ni hindi mo ko kayang ipakilala sa daddy mo!” galit niyang sabi. Oo inaamin ko naman, mali ako roon. Alam kong masakit ang ginawa ko.

“Sorry,” lumapit ako sa kaniya at niyakap siya nang mahigpit. “Don’t leave me,” pagmamakaawa ko. Hindi siya gumagalaw. Hinayaan niya lang akong yakapin siya. “I’m sorry love,” muli kong sabi pero hindi niya pa rin ako sinasagot. Hanggang sa magbell na. Inalis niya ang pagkakayakap ko sa kaniya. Hinarap niya ako at siya ang pumunas ng luha ko. Nang matapos siya ay naglakad na siya papuntang room. Iniwan niya ako.

“Good day class,” isa-isang lumabas ang mga kaklase ko para kumain pero kaming dalawa ni cedly ay nakaupo lang. Nanahimik lang ako buong klase. Si Cedly ay madalas na magparticipate pero ako ay walang ibang laman ang utak kundi ang nangyare kanina.

Tumayo siya saka lumabas ng room. Naiwan akong nakatanga rito. Hindi man lang niya ako kinausap at inaya para kumain. Gutom na ako pero ayoko namang kumain.

Girlfriend pa rin naman niya ako ah? Yumuko nalang ako para mapigilan ang iyak ko. Ayokong lumabas para kumain. Si Xyrehle naman ay absent ngayon, dumating kase ang parents niya galing abroad at may family outing sila ngayon. Nakakainggit.

“Eat,” napa-angat ako nang marinig ko ang boses ni cedly at may hawak na pagkain. Yumuko nalang uli ako. Wala akong ganang kumain ngayon.

Hindi ko siya pinansin hanggang sa naramdaman kong umupo siya sa tabi ko.

“Kumain ka na,” ulit niya pero nakayuko lang ako. Katapos niya akong iwan para kumain tapos ngayon gaganyan siya?

“Ayoko,” sagot ko sa kaniya.

“Kakain ka o hindi?” tanong niya.

“hindi,” matigas na sabi ko.

“Isa,” ang kulit niya! Sinabing ayaw e!

“Dalawa,” sabi ko naman.

“Look, I’m sorry baby,” sabi niya. Hindi pa rin ako nag-aangat ng tingin. Manigas ka dyan. Iniwan mo ako kanina tapos ganiyan?

“The fxck! Ako dapat ang nagtatampo e!” napa-angat ako nang tingin sa narinig ko.

“Minumura mo ba ako?” galit na sabi ko.

“No baby!” agad na depensa niya. “Please, bati na tayo. I’m sorry,” muli niyang sabi. Nakatingin lang ako sa kaniya. Hindi ako sumasagot. Palinga linga siya sa buong klase, tumingin rin ako sa paligid at nang pagharap ko ay hinawakan niya ang baba ko saka ako hinalikan. Pagtingin ako uli sa paligid at wala naman nakatingin. Mabuti nalang wala rin sa harapan ng room ang mga bodyguard kundi lagot ako.

“Sorry,” sabi ko at muli akong hinalikan sa labi

Fear In Love (LS #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now