CHAPTER 23

2 0 0
                                    

CHAPTER 23


"Wala na siya anak, iniwan na niya tayo," 


Puting kisame, puting dingding. Linga linga ako sa buong kwarto at iniisip kung nasaan ako. 


"Ma," bulong ko. Nasa tabi ko si Tita Trixie at hawak hawak niya ang kamay ko habang umiiyak. "Ma," muli kong sabi. 


"What do you want?" tanong niya habang pinupunasan ang mukha niya. Umiling ako. 


"Where's Aron? At bakit ako nandito?" Tanong ko, tanging hikbi niya lang ang narinig ko. Hindi siya sumasagot at umiiyak lang sa harapan ko. "Ma," tawag ko pero niyakap niya lang ako. "Ma, ano bang nangyayare?" umiiyak na rin ako. Wala akong maalala kung bakit nandito ako. 


"Wala na siya," bulong ni mama. Hindi ako makagalaw sa narinig ko. 


"Anong nangyare?" pilit kong kinakalma ang sarili ko. 


"Pauwi siya galing sa isang restaurant kasama ang mga kaibigan niya. Nauna siyang umalis tapos.... tapos... may.. may.. bumaril. Baril anak," nahihirapang kwento niya. Hindi pa rin ako makapaniwala. 


Parang kahapon lang, magkasama lang. Masaya kami. Masaya kaming bubuo ng pamilya. Pero bakit ngayon? Nasaan na? Bakit nawala?


"Ma, hindi pwede, hindi.... si aron ma... magiging tatay pa siya ng anak ko diba? Ma, si Aron," niyakap nalang niya ako nang mahigpit. Hindi ako makapag-isip nang maayos. Si Aron. 


Ang Asawa ko. 


"Maganda ang kapit ng bata, 2 weeks ka nang buntis, Mrs." nakangiting sabi ng doctor. Hindi ako sumagot. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako dahil buntis ako o kung magluluksa ako dahil namatay ang asawa ko. 


Hindi ko alam. 


"Thank you, doc." sabi ni tita bago umalis ang doctor. "You're pregnant, I'm sure masaya si Aron," sabi ni tita. Kahit nakangiti siya ay kita mo pa rin ang lungkot sa mga mata niya. 


Sina Papa at Daddy ang umaasikaso sa burol ni Aron, at si mama naman ang nag-aalaga sa akin ngayon. Bukas palang ang uwi ko. Pero hindi ako handa na humarap kay Aron. Ayoko. 


"Pero mas masaya kung nandito siya," malungkot na sabi ko at muli na namang bumuhos ang mga luha ko. Hinayaan ko lang umagos ang mga ito, at baka sakali ay kahit papaano maging okay ako. 


"Don't stress yourself, makakasama sa bata," sabi ni mama. Hindi ako sumagot. Humiga nalang ako uli at ipinikit ang mata at pinilit na matulog. 


Lumipas ang dalawang linggo, nakakulong lang ako sa bahay. Hindi ako masyadong kumakain kaya lagi akong pinapagalitan ni mama. 


"Karylle naman! Dalawa na kayo! Hindi lang sarili mo ang iniisip mo! May bata dyan sa tyan mo!" Muling sigaw ni mama. 


"I'm sorry...." muli na naman akong umiyak. Niyakap ako ni mama nang mahigpit. 


"Anak, naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Nanay ako, nawalan ng anak. Hindi ko kakayanin kung pati kayo ng apo ko ay mawawala," umiiyak na sabi niya. 


Tama si mama. May bata sa tyan ko. Hindi ako dapat magganito. Anak ko 'to. Anak namin ni Aron. 


Weeks passed, mas naging active na ako. Lagi na akong kumakain ng marami, minsan ay nag-eexercise ako para mas maging healthy kami. Hindi pa ganoon kalaki ang tyan ko dahil 2 months palang ito. 


"Excited na ako! Basta ninang ako!" sabi ni xy, tumango naman ako. Kukunin ko ring Ninong si Leo kaso muli na naman tumangi si Nathan, masyadong bitter. 


"Dapat lagi kang kumakain ng masusustansyang pagkain, mahirap na. Saka huwag kang masyadong puyat, feeling bata," sermon pa niya. 


"Yes, mommy." natatawang sabi ko, natawa nalang rin siya sa sinabi ko. 


"Tara, mamili na kaya tayo ng gamit ni baby?" suggest niya. 


"Masyado pang maaga, saka hindi pa natin alam kung girl or boy. Baka bumili tayo ng Pink tapos boy pala, saka na." sabi ko sa kaniya. Masyado siyang excited. Naalala ko muli si Aron. Siguro kung nandito siya ay bumili na 'yon. Ayaw kase ng rush, gusto niya agad agad. 


"Ikaw bahala, pero sasama ako kapag mamimili ka na ha? Syempre ninang ako, hehe." napangiti nalang ako. Naglibot pa kami sa mall bago nagpasyang umuwi. Medyo napagod rin ako kakalakad pero sabi ni mama na okay lang raw iyon. At lagi akong maglakas tuwing umaga para hindi ako mahirapan kapag nanganak. 


"Daddy," agad kong sinalubong ng halik si daddy. Medyo matanda na siya pero pilit pa rin siyang bumabyahe rito. Sabi ko naman na ako nalang ang dadalaw kaso ayaw niya. Gusto niyang ienjoy ang iilang oras niya sa mundo kaya pinapagalitan ko siya kapag sinasabi niya 'yon. Hindi ko pa kaya kung pati siya mawawala ng maaga. 


"How's my baby?" nakangiting sabi niya tapos tumingin sa tyan ko. "Ang baby ko, magkakababy na." sabi pa nito. Ngumiti ako sa kaniya bago yumakap uli. 


"Bukas na ang grand opening?" tanong niya. Tumango ako sa kaniya. "I'm so proud of you," sabi pa niya at hinalikan ako sa noo. 


Bukas na ang pagbubukas ng Kallie's Costemics at sobrang saya ko dati natupad ang pangarap ko. Pero mas masaya kung kasama si Aron. It's already eight months since he died, but still masakit pa rin. Minsan nililibang ko nalang ang sarili ko para kahit sandali ay maging masaya ako. Hindi maging madali ang mag-isa, though nandyan naman sina mama pero iba kase kapag nandyan siya. I felt secured when he around. 


"I'm sure proud na proud siya sa'yo, maaga man siyang nawala, nang-iwan naman siya ng kapalit." sabi pa ni daddy. 


"Pero ang sakit pa rin," sabi ko. 


"I know, ganiyan rin ang naramdaman ko nang mawala ang mommy. Pero nakaya ko. Kinaya ko dahil may anak ako. Dahil mayroon akong ikaw. Hindi ako sumukong mabuhay. Dahil may umaasa sa akin. Dahil alam kong kailangan mo ako." sabi nito at hinaplos ang mukha ko. "Wala man siya sa tabi mo, pero nasa puso't isipan mo pa rin siya." dagdag pa niya bago ko siya niyakap nang mahigpit. 

Fear In Love (LS #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now