CHAPTER 12

6 1 0
                                    

CHAPTER 12

“Hulog na hulog, sis ha?”napatalon ako sa biglang pagsulpot ni xyrehle sa gilid ko. Ibinato ko sa kaniya ang hawak kong mineral bottle. Pasalamat siya ay wala na ‘yon laman kung hindi ay masakit ‘yon. “Aray ha,” reklamo niya saka pinulot ang mineral water. Katatapos lang namin maglaro ng volleyball dito sa grounds. Kausap kase ng prof namin si Cedly. Gusto ata niya pasali sa tournament ng school kaso mukhang ayaw niya.

Magaling kase siyang maglaro ng volleyball pero sa basketball olats ang manok ko. Hindi niya daw gusto ang basketball. Hindi ko alam sa kaniya.

“Malulusaw sis. Masyado kang inlove ha, sumbong kita kay tito,” sabi pa nito. Muntik ko ng ibato sa kaniya ang bola na nasa tabi ko pero buti nalang at nakapagpigil pa ako. Nakita ko na ring papalapit si Cedly sa amin. Nakangiti ito sa akin habang naglalakad.

“Ang gwapo shet,” bulong ni xyrehle sa tabi ko. Sinamaan ko agad siya nang tingin. “Sabi ko nga, sa’yo na. Itanan mo na kaya?” tumayo siya saka pinuntahan ang iba naming kaklase. Sus, gusto niya lang makasama si John.

“Anong sabi?” tanong ko. Kinuha niya ang towel niya sa bag saka niya pinunasan ang pawis ko sa noo. Sweet niya talaga kaya lalo akong naiinlove e.

“Sa tournament kaso ayoko. May training pa kami sa Journalism. Kailangan ko pang magpractice para mas lalong maging buo boses ko,” sabi niya. Nang matapos niyang punasan ang pawis ko ay may iniabot na naman siyang tubig. Pang-apat na ‘to.

“Kaiinom ko lang e,” sabi ko pero hindi naman ako makatanggi dahil hindi niya ako titigilan.

“Masyadong mainit rito kailangan mong uminom lagi ng tubig,” sabi niya pa. Hindi nalang ako umangal saka kinuha ang tubig at ininom ‘yon. Tinignan ko nalang sina Xyrehle na naglalaro roon. Ang saya nilang tignan. Parang gusto kong sumali kaso mapapagod lang ako. Mabilis kase akong mapagod kaya hindi ako masyadong active sa sports ‘di tulad ni mommy.

Namimiss ko na siya.

“Gusto kang makilala ni mommy,” nakangiting sabi ni Cedly. Kinabahan naman ako bigla. Paano kung hindi ako magustuhan ng mama niya?

“K-kailan?” tanong ko. Hindi naman kase ako masyadong sociable katulad ni daddy. Maraming may kilala sa akin dahil Alvarez ako pero hindi ko naman sila kilala. Tuwing may pupuntahan kaming event ni daddy ay konti nalang magtago ako sa likuran niya.

“Are you nervous?” natatawang sabi niya. Sinamaan ko siya nang tingin dahil pinagtatawanan niya ako. Ano kayang nakakatawa ro’n?

“Anong nakakatawa?” tanong ko. Bigla naman naging seryoso ang mukha niya dahil napansin niyang nabubwisit ako sa kaniya.

“I’m sorry babe,” nawala tuloy ang galit ko! Hindi naman niya ako madalas tawagin na ganon! Pilit kong pinipigilan ang kilig ko. Ang rupok ko! Isang babe niya lang, wala na. Tiklop na. “This Saturday,” sabi niya. Hindi naman ako agad makasagot dahil kailangan ko pang ipaalam kay daddy. Or tatakas nalang? Wala naman sigurong mangyayaring masama at kasama ko naman siya.

“Sure,” sabi ko. Kailangan ko nang makaisip na dahilan kay daddy. Kung wala man ay tatakas nalang ako. Bahala na.

“Dad,” pagbasag ko sa katahimikan. Kumakain kami ng dinner ngayon at gusto kong magpaalam. Pinagalitan ako ni Cedly dahil tatakas ako. Magpaalam nalang raw ako at kung hindi man ako payagan okay lang. Napakamabuti niyang tao! Kaya dapat sa akin lang siya.

“Yes, baby?” tanong ni daddy. Huminga muna ako nang malalim bago magsalita. Kinakabahan talaga ako. Dati kase ay hindi ako nagpapaalam basta basta nalang ako tatakas. Binago ako ni Cedly. Iba talaga nagagawa ng pag-ibig. Chos.

“Lalabas lang ako this Saturday,” mabilis kong sabi. Muntik na nga akong hindi huminga dahil kinakabahan talaga ako.

“With?” nakataas ang kaliwa niyang kilay habang nakatingin sa akin. Kinakabahan talaga ako sa kaniya kapag ganito siya makatingin.

“A friend of mine,” sabi ko at pilit na ngumiti para mabawasan ang kaba sa dibdib ko. Parang sasabog na dahil sa sobrang lakas nang pintig.

“Before 4pm dapat nasa bahay ka na,” napa-irap nalang ako. Ang aga ko naman uuwi! Ano ako? 10 years old? “Sasamahan ka ni Nico,” what? Lagi ko nalang ba siya kasama? Mas madalas ko pa siyang kasama kumpara kay Cedly e! tumango nalang ako saka umakyat na sa kwarto.

Agad kong tinawagan si Cedly para sabihin sa kaniya na pinayagan ako pero hanggang 4pm lang. Tapos kasama pa si Kuya Nico.

“It’s okay babe.” sabi niya. Mabuti nalang at understanding ang baby ko! Hindi siya nagrereklamo kahit laging sorry ang sagot ko tuwing aalis kami kase hindi naman ako pwede.

“Okay, 4am sunduin mo na ako,” narinig ko siyang tumawa.

“Ang aga ha! ‘Wag mo naman ipahalata na masyado kang in love sa akin,” napairap ako dahil sa kakapalan ng pagmumukha niya.

“Ang kapal ha,” sabi ko kaya natawa na naman siya.

“Sleep na love, goodnight!” sabi niya.

“Goodnight!” masayang sabi ko. Hinintay ko siyang mag I love you pero wala. Nakakainis! Ilang linggo na kami pero hindi man lang nag I-I love you! Ni-end ko nalang ang tawag dahil hindi naman ‘yon magsasalita pa dahil hinihintay nalang niyang patayin ko ang tawag. Never niya ako binabaan ng tawag kahit na emergency. Gusto niya ako raw ang mag-end. Ang dami niyang arte sa buhay pero love ko pa rin.

Pinatay ko na ang ilaw sa kwarto ko saka natulog na.

Fear In Love (LS #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now