CHAPTER 7

2 1 0
                                    

CHAPTER 7

“Nakita mo ba ang mukha niya?” tanong ni Leo. Sa kaniya ko muna sinabi ang nakita namin kanina. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ito kay daddy dahil alam ko naman na dadagdagan niya ang bodyguard ko. At ayoko no’n.

“Hindi. Naka sumbrero siya ng itim. Hindi ko masyadonng nakita ang mukha niya.” sabi ko. Pero sa tingin ko familiar siya. ‘Iyung hugis ng mukha niya. Pero baka mali lang ako.

“We need to hire another bodyguard.” seryosong sabi niya sa akin. Eto na nga ba ang sinasabi ko e.

“No need. I can handle myself,” kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko. Alam kong disagree siya sa gusto ko. Pero madalas kase ay ako ang nasusunod sa aming dalawa. Ewan ko nalang ngayon dahil kapakanan ko na ang nakasalalay rito.

“I told you! ‘Yan ang napapala mo sa pagtakas mo! Hindi ba’t sinabi kong lagi kang mag-iingat? Mainit ang mata ng publiko ngayon sa atin!” sermon ni daddy. Si Leo kase ay nagmadaling sabihin iyon sa kaniya. Kita mo ngayon, sobra sobra ang galit niya dahil sa pagsuway ko. Paano na ako makakatakas nito kung tatlo na ang bodyguard na nakasunod sa akin? Nakakainis!

“Gaya nang sabi ko, sa oras ng uwian mo, deretso bahay ka! Ayokong pagala gala ka kung saan. Weekends, dito ka lang sa bahay! Naiintindihan mo, Karylle Natalie?” omo! Paano ang practice ko? Tinignan ko si Leo dahil alam kong tutulungan naman niya ako.

“What about my practice during weekends? Grades iyon daddy,” sabi ko. Huminga siya nang malalim bago tinignan si Leo.

“Si Leo ang sasama sa’yo. Kasama sina Nico.” tumango nalang ako. Wala rin naman mangyayare kung hihindi ako dahil alam namin lahat ay hindi tumatanggap ng ‘hindi’ si daddy.
“Napass ko na ‘yung video,” sabi ni Cedly sa akin nang makaupo ako sa tabi niya. Ngumiti lang ako sa kaniya. Medyo naiilang ako sa kaniya dahil sa nangyare. Pero siya okay lang. Parang walang nangyare sa amin.

Wala naman talaga.

“Sorry about the----” tinakpan ko agad ang bibig niya dahil baka may makarinig sa amin. Itong si Ally pa naman ay panay ang tingin sa akin tapos titingin kay Cedly.

“Stop mentioning it. It’s done, okay? It was an accident,” sabi ko sa kaniya. Ang akala ko pa naman ay nakalimutan na niya dahil dalawang araw ang nakalipas.

“Okay, okay,” natatawang sabi niya habang nakataas ang dalawang kamay. Napangiti naman ako. Sobrang gaan na ang pakiramdam ko sa kaniya. Tuwing naiisip ko ang sinabi ni Leo at Nathan ay nabubwisit ako. Ilang beses kong sinuri ang kinikilos niya na kung may gusto ba siya sa akin ay hindi ko naman makita. Mabait naman kase siya. Minsan sa iba ko ring kaklase ay kapag may tinatanong sila tinutulungan niya. Matalino kase siya at masipag.

“Kalie? Kalie! Long time no see!” sabay kaming napalingon ni Cedly nang may pumasok na gwapong lalaki rito sa room namin. Nakaschool uniform ito gaya ng sa amin. At may dalang backpack. Lumapit ito sa akin. Ngumiti ako sa kaniya nang pilit dahil hindi ko naman maalala kung sino siya. Pero iisa lang ang tumatawag na ‘Kalie’ sa akin.

“Bryan Ventura? What are you doing here? I thought sa States ka mag-aaral?” tanong ko. Na sa amin na rin ang atensyon ng lahat. Si Ally ay parang nakakita ng anghel at todo titig ito kay Bryan. Mas lalo siyang gumwapo. Mas tumangkad siya. Dati mas mataas ako pero ngayon hanggang balikat nalang niya ako.

“No, I changed my mind. Dito na ako mag-aaral. Then tinanong ko si Tito Kiel kung saan ka nag-aaral kaya agad ang nagpalipat. Bigtime naman pala ‘tong school mo. Napaka exclusive!” pero isa lang ang hindi nagbago, napakadaldal pa rin niya. Napatingin siya sa likuran ko at nakitang seryosong nagsusulat si Cedly. Wala siyang pakialam sa nangyayare basta okay siya, doon lang siya.

“You look familiar,” sabi nito kay Cedly. Napakunot noo naman si Cedly dahil hindi niya maintindihan ang sinasabi ni Bryan. “I see. Ian Cedly right? Nagkita na tayo dati sa isang party, pinakilala ka ng mommy mo. Close kayo ni Kalie?” napakadaldal naman niya! Tumango lang si Cedly at halatang naiinis siya sa kadaldalan ni Bryan. May isang bakanteng upuan sa tabi ni cedly kaya roon siya umupo. Napairap naman si Cedly. Badtrip.

Tinignan ako ni Cedly at hindi ko maintindihan kung bakit gano’n siya makatingin. “Why?” bulong ko. “Palit tayo,” bulong naman nito. Tumawa ako nang mahina bago tumayo at makipagpalit ng pwesto. In the end, nakagitna ako sa dalawa. Dumating na rin ang prof namin kaya nagsimula na kaming mag-aral.

“I’m hungry. Tara, bili muna tayo,” hinila ako patayo ni Bryan. Tinignan ko si Cedly dahil maiiwan ko siya rito. Wala pa naman siyang masyadong kaclose. Tumngin rin siya sa akin at tumango lang. Ngumiti ako sa kaniya bago naglakad papuntang pintuan. Bago pa man kami makalayo ni Bryan ay nakita kong lumapit si Ally sa kaniya. May ibinulong siya kaya napakunot noo ito. Sumama agad ang pakiramdam ko nang makita kung paano siya dumikit kay Cedly. Sinundan ni Bryan ang tingin ko at tumawa ito nang mahina.

“You like him.” hindi agad ako nakasagot sa sinabi niya at tinignan lang si Cedly habang nakatingin nang deretso kay Ally. Napairap pa ako nang ilang beses dahil naiinis ako sa pagdikit niya kay Cedly. Nararamdaman ko na rin ang hininga ni Bryan malapit sa leeg ko kaya napalingon agad ako sa kaniya. Nagkatinginan kami at agad akong nag-iwas nang tingin nang mapagtantong masyadong malapit ang mukha namin sa isa’t-isa. Tumingin uli ako sa gawi ni Cedly at nahuling nakatingin rin ito sa amin ni Bryan. Kunot noo siyang nakatingin kay bryan. Bigla akong kinabahan sa tingin niya kaya umiwas nalang ako saka tumalikod na at naglakad papuntang cafeteria.

Hindi ako makahinga nang maayos habang iniisip ang naging reksyon ni Cedly nang makita kami ni Bryan sa ganoong sitwasyon. Nakahawak ako sa dibdib ko habang naglalakad dahil sobrang lakas nang pintig ng puso ko.

“Binabaliw mo ‘ko Cedly,” bulong ko.

Fear In Love (LS #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now