chapter 4

76 5 12
                                    

maaga akong nagising at nagulat ako wala na si taehyung sa higaan niya kaya bumaba din ako, nakita ko siyangtopless habang nakalikod sakin at mukhang nagluluto "goodmorning" bati ko sa kanya, lumingon naman siya sakin at ngumiti.

"goodmorning" sabi niya pa sakin, "aga mo ata?" habol niya pa "hmhm manonood ako eh" sabi ko at nagtali ng messy bun "ng?" tanong niya pa "hockey" sabi ko at umupo sa lamesa, pinatay niya naman na ang kalan at nilagay na ang niluto sa lamesa.

"mukhang close ka na sa venise ah" sabi niya pa, alam kong sarcastic yun "eh ano naman?" sabi ko pa sa kanya "crush mo si eunwoo?" tanong niya sakin at tinitigan ako "oo, bakit" matapang kong sabi, no choice ako kailangan ko siyang saktan.

"okay" sabi niya pa at kumuha na ng pagkain ganun din ako, walang nagsalita samin habang kumakain, "ako na maghuhugas" sabi ko tumango naman siya at umakyat na sa taas, pag katapos ko mag hugas ay maliligo na din ako, kumuha lang ako ng fitted leggings at oversized shirt.

"aalis ka?" tanong niya pa sakin habang kalalabas niya lang agad naman ako tumango "may training kayo diba?" tanong ko, nalilito naman siyang tumango "sabay ako sayo" sabi ko at pinat ang balikat niya bago pumasok ng cr at gawin ang routine ko.

nang matapos ako ay lumabas na ko para makapagpatuyo ng buhok, nakita ko naman siya na nagaayos ng damit sa gym bag niya, nalight makeup lang ako at nagsuot ng pink sneaker, "tapos na ko" sabi niya "ako din tara" sabi ko pa "saan ka ba pupunta?" tanong niya pa.

"sa practice niyo" sabi ko at kinuha ang cellphone ko, kumunot naman ang noo niya "a-an m-manonood ka sakin?" tanong niya pa agad naman tumaas kilay ko "siguro, pero si eunwoo pinuntahan ko" sabi ko at tumalikod na sa kanya para makababa, agad naman siyang sumunod sakin.

"sandali lang daan muna tayo ng 7/11" sabi ko pa kumunot naman noo niya habang pinipindot ang ground floor "bibili ako ng gatorade ni eunwoo" sabi ko pa "sus" sabi niya naman at nagcross arm "bakit gusto mo din?" tanong ko sa kanya, agad naman siyang tumango "bili ka" sabi ko, sakto namang bumukas ang pinto kaya derederetso na kong lumabas.

nakasunod parin siya sakin hanggang sa makapunta kami sa 7/11 na nasa labasan lang ng dorm namin "hindi mo ba talaga ako ililibre?" tanong niya pa sakin habang nagpapacute, napairap naman ako "ang mura mura lang ng gatorade bili ka" sabi ko pa at hinanap ang gatorade "eh bat ikaw pa bibili kay eunwoo?" sabi niya pa.

agad naman akong humarap sa kanya at nagpameywang, tumingala pa ko dahil ang tangkad niya "crush ko siya eh" sabi ko pa narinig ko naman siyang natawa at kumuha na ng gatorade niya, agad naman kaming pumunta ng counter at nagbayad na.

"crush na crush mo si eunwoo huh" sabi niya pa "oo" sabi ko lnag at nagpatuloy maglakad sa loob, dumaan pa kami ng field at may mga nagprapractice dun, binabati naman siya ng mga estudyante dun, pumasok na kami sa court at pumunta sa isang pinto at nakita ko na ang court ng hockey.

hindi pa sila nagsisimula at may mga kababaihan ding nanonood "press!" sigaw ng mga kagrupo ko, nagulat pa ko kasi andito sila "una na ko tae thanks" sabi ko pa at pumunta kila zey "gago andito kayo?" di ko pa makapaniwalang tanong "ay hindi" sarcastic na sabi ni jennie natawa naman kami.

"asan si eunwoo?" tanong ko pa, tumingin naman sila sakin ng nakakatukso kaya pinagtaasan ko sila ng kilay "talking about eunwoo huh" rinig kong bulong ng kung sino sa gilid ko kaya napatalon ako sa gulat, nakita ko naman si hoshi na natatawa tawa pa kaya hinampas ko siya.

bigla naman may kumalabit sakin sa kanang balikat ko kaya tumingin ako pero wala pag harap ko sa kaliwa ay nakatingin sakin si eunwoo habang nakangiti, nagulat pa ko sa ginawa niya kaya kumunot noo ko "ayieeeee" asar pa ng mga kagrupo namin, napairap naman ako saka binigay sa kanya yung gatorade.

▫️𝐘𝐎𝐔𝐑 𝐄𝐗 - [𝐊.𝐓𝐇]Where stories live. Discover now