chapter 7

53 6 5
                                    

nagising ako ng may maramdaman ako'ng sumisiksik sa gilid ko, agad ko naman tinignan si taehyung na tulog na tulog, nagulat pa ko at buti di ako napasigaw chineck ko ang oras at 6:37 am na, may pasok na kami kaya ginising ko na siya.

"panget gising na" yugyog ko sa kanya "hmm?" ungol niya sabay dilat ng isang mata saka kinusot "may pasok na hangal" sabi ko at bumangon na, pumunta na ko ng closet para kuhanin na ang uniform ko saka naligo, nang matapos ako ay nagayos lang ako saglet saka bumaba.

nakita ko si taehyung na nakatopless habang nagluluto "kadiri ka magdamit ka nga" sabi ko sa kanya tumawa naman siya at humarap sakin "ang sarap ng pagkain natin ang sarap ko pa" hambog niya'ng sabi "eww talk to my hand" sabi ko at umirap.

"sus kala mo naman hindi tumabi sakin kagabi" sabi niya pa kaya sinamaan ko siya ng tingin "duhhh kagabi lang yun hindi na mauulit" sabi ko at pinakyuhan siya, kumuha na lang ako ng plato namen at baso, habang siya ay nilalagay na ang pagkain namin sa lamesa.

"paubos na grocery natin, friday lang ako free" sabi niya, kumain naman ako at tumango "sa friday?" sabi ko siya naman ang tumango "excuse ka?" tanong ko sa kanya "oo, bukas na laro eh" sabi niya, kaya nagulat pa ko "seryoso?" tanong ko pa tumango naman siya.

"ocakes goodluck sa inyo" sabi ko "nonood ka?" tanong niya pa sakin "oo" sabi ko naman "nice, papanoorin mo pala ako ha" sabi niya sakin napairap naman ako "kapal mo naman si eunwoo pinunta ko dun hindi ikaw" sabi ko kita ko naman na sumimangot siya.

"puro na lang siya, iinggit na ko ha" pakyut niyang sabi natawa naman ako "gago ka inggit ka dyan bakit naman?" natatawa ko paring sabi "syempre ako karoommate mo eh dapat ako icheer mo?" sabi niya "andun naman si chaeyie eh handa kang suportahan HAHAHA" asar ko sa kanya lalo naman siyang sumimangot.

"pumasok ka na nga, ingat" tampo'ng sabi niya kaya natawa na naman ako "oo na chicheer kita" sabi ko kaya naman agad siya'ng ngumiti ng malapad "yun oh" sabi niya pa "pasok na ko ha?" sabi ko at tumayo nilagay ko naman sa lababo ang kinainan ko saka kinuha ang bag ko "bye" sabi ko.

"bye ingat ka ah" sabi niya tumango naman ako at lumabas na, habang naglalakad ako papunta'ng room nakita ko si zey na may kasamang maputing lalaki, kaya napataas ang kilay ko, binilisan ko ang lakad ko at inunahan sila saka ko humarap habang nakapameywang.

"a-ah goodmorning!" sabi ni zey, nakita ko na kung sino kasama niya si yoongi sumama naman ang tingin ko "a-ah hoy mali ka ng inaakala babaita k-kaib-" "tigil tigilan mo ko zey" iritang sabi ko at pumasok na ng room, agad naman siyang sumunod sakin at tahimik na umupo "y/n oi" tawag niya sakin pero di ko siya pinapansin.

"sorry na y/n" mahinang sabi niya, humarap naman ako sa kanya at sinmaan siya ng tingin "zey di mo kasi naiintindihan eh, alam mo naman na nasaktan na ako kay taehyung uulitin mo pa ba yun? ano kay yoongi? ayoko lang naman na masaktan ka tulad na nangyare sakin, pero hindi ka nakikinig" iritang sabi ko.

"y/n ikaw ang hindi nakakaintindi eh, iba si yoongi kay taehyung wag mo naman ipagkumpara si yoongi, dahil kaibigan niya si taehyung eh ganun na din ugali niya?" sabi niya na may halong pagkadismaya "naiintindihan kita zey okay? ayaw ko lang na matulad ka sakin, ayoko'ng makita ka na iiyak sa kanya dahil nasaktan ka niya" sabi ko at umupo ng maayos saka nagcross arm

"ikaw choice mo yan, hindi ako galit pinapaalalahanan lang kita kasi kaibigan kita ayoko'ng makita kang iiyak pagdating ng panahon dahil sa kanya at dahil hindi mo sinunod ang mga sinasabi ko, kung mahal mo talaga siya, go susupport ako pero zey sa oras na niloko ka nya, kilala mo na ko" sabi ko, kita ko naman siyang ngumiti at niyakap ako.

"sorry talaga y/n hindi ako nakinig sayo pero i'll promise and prove to you na iba si yoongi kay taehyung okay?" sabi niya at ngumiti sakin, tumango naman ako "wag mo ko'ng tatawaging y/n sa harap niya o nila please, kilala ako ni taehyung bilang sushi" sabi ko.

▫️𝐘𝐎𝐔𝐑 𝐄𝐗 - [𝐊.𝐓𝐇]Where stories live. Discover now