chapter 11

83 6 12
                                    

Byernes ngayon at free time namin ni taehyung hindi ako pumasok at siya naman ay pahinga daw ng mga athlete, at syempre may napagsunduan kami na mag grogrocery kami,nag ayos lang ako ng sarili ko at nagsuot na ng leggings and hoodie jacket bigla naman may nagtext sakin.

Mom

:pick nari here darling sayo muna siya, kuhain na lang namin sunday morning

Me: erm mom okay

:she's here in company okay, kunin mo na lang luv u

Me: okay, luvutooo

"panget, kunin daw natin sa nari" sabi ko at nagtali ng buhok "saan?" tanong niya sakin "sa company let's go" sabi ko, tanghaling tapat at kita ko ang mga estudyante na naglulunch, nagsuot lang ako ng sunglasses at dumeretso sa kotse ni taehyung, sa kanyang kotse na daw.

"san company niyo?" tanong niya natauhan naman ako oo nga pala gago nakapunta na siya dati sa company namin, sinabi ko naman sa kanya na ibaba na lang ako sa may starbucks at mag order siya kasi nauuhaw na kopalusot ko, tumango naman siya.

nagpark lang siya at bumaba na kaming sabay, "saglet lang ah" sabi ko, tumango naman siya at pumasok sa loob ng starbucks, naglakad naman na ako papuntang company buti na lang ay maraming building dito at hindi niya alam kung alin dito, tumawid na ako ng makarating ako sa tapat ay tinawag ko si cza.

"asan sila mommy?" tanong ko "asa meeting po ma'am" sabi niya tumango naman ako, inabot naman nila sakin si nari "ma'am tulungan ko na po kayong ihatid" sabi ni kuya jez "dun na lang kuya sa starbucks, may kasama po ako eh, tumango naman siya at bitbit ang gamit ni nari.

"hiii narii ate's here" sabi ko at nilaro laro si nari na ngayon nakangiti lang, pinayungan naman kami ni kuya jez, "dito na kuya yun po kasama ko oh thankyou" sabi ko, lumabas naman si taehyung at kinuha ang gamit ni nari "sige po ma'am ingat po kayo" sabi niya tumango naman ako, nilagay naman ni taehyung ang gamit ni nari sa likod ng kotse.

"gising?" tanong niya tumango naman ako at pi akita sa kanya lumapit naman siya at nilaro laro si nari "amina muna, andyan na pinaorder mo" sabi niya sabay nguso sa kotse, binigay ko naman sa kanya si nari at nilaro laro niya, ininom ko naman ang binili niya at tumingin lang sa kanila.

"okay na ah" sabi ko kunot noo naman siyang tumingin sakin "anong okay na?" tanong niya "okay ka ng maging tatay HAHAHAHA" asar ko sa kanya at tumawa, natawa naman siya at napailing "saka na" sabi niya at bumaling kay nari.

"she's cute tho" rinig kong sabi niya napangiti naman ako "ako pa ba" ngiti-ngiti kong sabi "I'm describing nari not you" sabi niya sumama naman agad ang mukha ko at inirapan, duon naman siya natawa "ano tapos ka na ba?" tanong niya tumango na lang ako at itinapon na ang iniinom ko.

binuksan ko muna ang pinto saka niya binigay sakin si nari, nang makapasok siya ay nagsimula nang umandar "sa mall na tayo meron duon sa likod nun" sabi ko tumango naman siya, nang makaparking kami sa ground floor ay sumakay na kami sa elevator at pumasok na sa loob.

si taehyung ang may dala kay nari, naka baby carrier si nari habang naglalaro ng kamay "bait bait ng bb na yan" sabi ko at pinunasan ang laway niya sa labi "tara na panget" sabi ko at pumasok na sa loob ng grocery at kumuha na ng cart, si taehyung ang nagtutulak habang ako ang namimili.

"hala ang cute ng family niyo ma'am" sabi ng staff dun natawa naman ako at umiling, nakita kong natatawa din si taehyung "ampotcha panget panget mo eh" asar ko napataas naman ang isa niyang kilay "hays ang epal talaga ng ate mo nari noh?" sabi niya at kinakausap kunware si nari.

"sa meat section tayo, samgyup tayo bukas" sabi ko, tumango naman siya, pumubta siya sa vegetable section na katabi lang ng meat section, bumili lang ako ng isang kilong meat at binayaran na ito sa cashier, nilagay naman na ni taehyung ang mga gulay sa cart, nagsimula naman na kaming maglakad.

▫️𝐘𝐎𝐔𝐑 𝐄𝐗 - [𝐊.𝐓𝐇]Where stories live. Discover now