Chapter 16

1.9K 80 11
                                    

JESSICA:

Sa sobrang lambing at tiwala ko kay Deanna kabaliktaran pala ng ginagawa nya pag hindi ko nakikita..
Itong mga nakaraang araw sinubukan kong sunduin sya paglabas ng  office
niyaya ko syang kumain muna kami bago umuwi..sa bahay ko na kasi sya minsan pinapauwi para hindi na din sya mahirapan dahil malapit sa bahay namin ang school nya..parang lagi syang gutom na gutom akala mo my kaagaw pg kumakain..nabalitaan ko din na nangungutang na sya ng pera kay Ponggay o kay Bea...
Ako nagbabayad ng tuition nya pati mga project na kailangan sa akin sya humihingi my sweldo din sya kahit half day ang pasok nya at kalahati din ang sweldo nya kung allowance lang sobra pa..
Parang lagi pa sya nagmamadali minsan hindi nya nagawang pag paalam sa akin pag hinahanap ko sinasbi nila nagmamadali daw malalate na sya,alam ko naman schedule ng pasok nya minsan daw sabi ni Bea 10 pa lang umaalis na samantalang 1 pa ang oras ng unang subject nya..
Pumasok si Bea  sa opis ko gusto nya daw ako makausap..

Bea:
Mam  pwede ko po ba kayo makausap?

Me:
sure tungkol san?

Bea:
tungkol po kay Deanna

Me:
bakit anung tungkol sa kanya

Bea:
Mam ayaw ko manggaling sa akin pero pwede po bang puntahan nyo sya sa school bago ang uwian nya gusto ko po kayo mismo ang makakita sa ginagawa nya...pinsan ko po sya pero ayaw ko na gumagawa sya ng mga bagay na mali...ako po ang nahihiya sa inyo..

Naging palaisipan sa akin ang sinabi ni Bea..kaya nag isip ako kung panu ko malaman ang sinsabi ni Bea na hindi mahalata ni Deanna ayaw ko din kasi malaman nya na si Bea ang nagbigay ng idea sa akin..
Naisipan kong tawagan sya..

Otp

Deanna:
hello sweet napatawag ka?

Me:
hindi kita masundo ngayon uwi ka na lang muna sa bahay mo...bakit parang maingay..wala ba kayong pasok?

Deanna:
nasa canteen ako wala kasi kaming prof sige sweet balik na kami sa room bye..

Hindi pa ako tapos binaba na at hindi man lang ng i love you..kinakabahan na ako..

Maaga ako umalis ng office ang alam ni Deanna hindi ko sya susunduin duda ako sa ingay na naririnig ko..hindi pa naman tapos ang sem kaya hindi ko pa nakita ang report card nya..
Nagpaalam na ako kay Kianna sya na bahala sa mga client pag tumawag..

pinarada ko ang kotse medyo malayo sa labasan ng mga estudyante malinaw pa naman ang mukha ng mga estudyante pag lumalabas at hindi naman sabay sabay sila lumabas

After 30minutes nakita ko na ang hinahanap ko...bigla akong nanlamig my kaakbay syang babae at may mga kasama pa silang iba...medyo inabante ko ng dahan dahan ang kotse ko para hindi mahalata na sinusundan ko sila..nakita ko na lang pumasok sila sa isang bar,naghanap muna ako ng safe na parking na malapit sa bar..saka ako bumaba,pag pasok ko medyo madilim..kung tutuusin maaga pa,ibang klaseng bar to pinapapasok ang mga nakauniform na estudyante kumita lang,tingin ako sa paligid dahil medyo madilim sinisipat ko ang bawat table halos lahat estudyante..sayang ginagastos ng magulang imbis na umuwi dumadaan pa dito hindi iniisip pinaghirapan ang allowance binibigay sa kanila..

Nanlamig ako ng makita ko ang hinahanap ko nagmamake out sa isang table na nasa sulok..nanghihina man ako lumapit pa din ako at humarap sa kanila..
sobrang gulat nya ng makita nya ako nakaupo na sa harapan nila bigla nya natulak ang babaeng kasama nya..
Biglang tumulo ang luha ko na makita nya ako tahimik lang ako at tumalikod...
Mabilis akong sumakay sa kotse hindi ko alam kung paanu ko napaandar ang kotse..ng medyo malayo na ako huminto muna ako at napasubsob sa manibela at saka ko nilabas ang sobrang sakit na nararamdaman ko..
Gusto ilabas ko muna lahat ng luha ko natatakot akong malaman ng magulang ko baka kung anung magawa nila kay Deanna..

Natanung ko tuloy sa sarili ko..san ba ako nagkulang o somobra ako sa kanya..masyado ko ba syang inisspoiled para abusuhin nya ako o kagaya din sya sa ex ko na fall out of love ito na lang ba ako lagi pinagpalit dahil nawala na ang pagmamahal sa akin..anu ba ang kulang sa akin..binigay ko ang lahat..bakit nagawa nya pa sa akin..nagsawa na ba sya kaya nagawa nyang makipaglampungan sa ibang babae..

SINO BA AKO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon