Chapter 29

1.9K 76 3
                                    

DEANNA

Sinunod ko nga advice ng mga kaibigan ko,ingat na ako sa lahat ng mga kilos,takot ako magkamali dahil nga kailangan ko ibalik ang tiwala ni Jessica kahit 50% man lang kasi nga sabi ni Pongay 100% wala ng tiwala sa akin kailangan ko mabalik kahit kalahati man lang..
Bumalik na nga si Jessica sa opis nagpaextend na sya ng room sa opis nya para kay baby para daw kahit ng tatrabahu kami nsa tabi pa din kami ni baby..
Pero kahit anung ingat mo kung my kasama ka na hindi nag iingat makagawa ka talaga ng bagay na hindi mo sinasadya..
Habang tumatagal si Vannie dito sa opisina nahalata ko masyado syang malambing sa akin pag breaktime at nagkikisali ako sa kuwentuhan sa quarter hindi maiwasan na tumabi sa akin patay malisya lang naman ako kapag nakaakbay o minsan nakahawak sya sa tuhod ko kaya pag napapansin nila Ponggay pinandidilatan ako ng mata para mahalata ko ang mga kilos ni Vannie..
Kinausap ako ni Ate Bea habang tinutulungan nya ako magbaba ng mga supply sa van..

Ate Bea:
Cous hanggat maari iwasan mo si Vannie my naamoy akong hindi maganda sa kanya parang my masamang balak

Me:
anu naman ang binabalak nya..at saka hindi naman pwedeng iwasan ko sya dahil magkakasama tayo sa trabahu..wala naman malisya sa akin malambing na tao lang sya siguro at saka magkakaclose naman tayong lahat dito

Ate Bea:
hindi cous,wag ka magtanga tangahan unless gusto mo din ang mga paglalambing nya syo..mag ingat ka kay Mam Jessica alalahanin mo hanggang ngayon wala pa din syang tiwala syo baka pg napuno yan bigla ka na lang palayasin at hindi ipakita syo ang anak nyo

Me:
Wala akong ginagawang masama..mahal ko pamilya ko..

JESSICA

Pakiramdam ko na may gusto si Vannie kay Deanna,hindi ko naman sya pwedeng tanggalin sa trabahu dahil mahusay,masipag at very well organized lahat ng files maasahan mo sya talaga pag dating sa trabahu,ito naman isa patay malisya lang sa mga kilos ni Vannie hindi ko alam kung ngkukunyari lang sya para hindi mahalata...praning na nga ba ako o isa lang ito sa mga woman's instinct..
Bantay sarado ko sya bahala na kong lagi nya ako pagsabihan ng praning basta ipaglaban ko ang karapatan ko unless kung sya mismo ang sumuko sa sobrang paghihigpit ko sa kanya..mahal ko sya at lalong minahal ko simula ng magkaanak kami..

Deanna:

sweet pwede ba ako sumama sa bahay nila Maddie,birthday nya kasi..bukas naman family day lang naman natin kaya hindi kailangan gumising ng maaga..kasama ko naman sila Ate Bea

Me:
birthday nya pala dito na lang natin sya paghandaan order na lang ako ng pagkain regalo ko na lang sa kanya para hindi ka na pumunta sa bahay nila kung kain lang ang habol mo,madami naman tayo dito na magccelebrate kasama pa si baby

Talagang pinandigan ko na hindi sya payagan..pero humirit pa

Deanna:
sweet kasi syempre mg iinuman kami hindi naman ako magpakalasing

Hindi talaga maubusan ng alibi kahit may kasama pa na panghihipo sa maselang parte ng katawan ko habang nagsasalita akala nya madadala nya ako kahit makikipag make love pa sya  sa akin hindi ko talaga sya papayagan

Me:
bukas naman family day mag iinuman din naman kayo nila daddy..kaya tigilan mo ako..at itigil mo din yong mga kamay mo kung san pumupunta dahil kahit patirikin mo mga mata ko sa sarap hindi talaga kita papayagan.. tingnan mo yong anak mo baka gising na

Padabog pang tinalikuran ako akala mo makakalusot ka ha...
Nang lumabas dala na yong anak namin gising na nga..pinadede ko muna bago nya dinala sa labas..
Nakatutok agad ang mata ko sa cctv kung anu nangyayari sa labas..simula kasi ng nagdudduda ako kay Vannie pinalagyan ko bawat sulok ng opisina ng cctv for security purposes din pwera lang ang opis ko,hindi kasi maiwasan makakagawa kami ng  censored na gawain pag ginusto namin..

Habang nakatutok ako sa cctv nakita ko nilalaro nila ang anak namin..nakita ko na lang kinuha ni Vannie at may kasama pa panghihipo sa mukha ni Deanna bago nya kargahin si Eanna,pero palalampasin ko muna hindi ko din kasi alam ang dahilan kung bakit sya humawak sa mukha..

Umorder nga ako ng pagkain para icelebrate  yong birthday ni Maddie nakita ko naman nag eenjoy sila at nalaman ko din na wala naman palang balak si Maddie na magcelebrate sa bahay nila kasi wala nman daw syang budget..idea lang pala ni Deanna ang magcelebrate sa bahay nila..

1 yr birthday celebration ni Eanna..napagkasunduan ng family namin na yong venue dito na lang sa agency malaki naman ang space lalo na sa parking lot maghihire na lang kami ng party organizer balak ko din kasi lahat ng mga tauhan na under sa agency ko paglabas ng trabahu nila makakapunta sa birthday ng anak namin dahil parte din sila kung bakit lumago ang negosyo ko..

Halos buong araw  kaming nagcecelebrate dahil iba iba ang oras ng labas ng mga tao sa trabahu lalo na ang mga saleslady..sobrang nakkaenjoy tingnan ang mga tao lalo na sobrang naapreciate nila na inimbita sila..
Pero mas higit nag eenjoy si Deanna sa mga dumadating na mga saleslady na magaganda hindi nya man lang naisip na anak nya my birthday kahit family nya halos hindi nya na napapansin dahil busy sya abangan mga saleslady sa mall mag entertain napansin din ng daddy nya..

Daddy Joseph:
Nak asan ba si Deanna kanina ko pa hindi nakikita hindi nya ba alam andito na kami nila Mommy at mga kapatid nya...kunin mo kaya sa yaya si Eanna bigay mo sa kanya para hindi nawawala daming magagandang girls oh

Me:
sige po Dad hahanapin ko kanina ko pa nga hindi nakita...

Habang hinahanap ko sya nakita ko naman si Ponggay

Me:
Pongs nakita mo ba si Deanna kanina ko pa kasi hinahanap..

Ponggay:
Andon po Mam sa likod  my lamesa po sila don yong ibang saleslady po andon din

Umikot nga ako sa likod my extension pala ng venue ang birthday ni Eanna
Nagulat pa sya ng makita ako..

Saleslady:
Good afternoon po Mam..thank u po sa pag imbita sa amin

Me:
Good afternoon din,kuha lang kayo ng pagkain don pag nagutom kayo..Deanna Wong kanina pa kita hinahanap andito ka lang pala hinahanap ka din nila Mommy mo kanina pa sila dumating..excuse me girls hiramin ko muna ang asawa ko

Kita ko naman ang gulat sa mga mata nila dahil pinag diinan ko ang salitang asawa siguro nagbuhay single naman to ang isa dahil naabutan ko pa kanina na nakikipag apiran pa sya sa isang tisay na saleslady..kaya habang naglalakad kami pinagbabantaan ko na naman sya.

Deanna:
anu na naman yan sweet na ppraning ka naman nakikipagkuwentuhan lang ako syempre gusto  ko lang din sila makilala binibigyan mo naman ng malisya..

Me:
Unahin mo pa makikipagkilala sa mga babaeng yon kaysa asikasuhin ang anak mo inasa mo na sa yaya..ako na nga nag eentertain sa mga bisitang dumating..mamaya ka sa akin wag mo sagarin baka mapahiya ka..nagbubuhay single ka na naman.

Buong party salubong lang ang kilay nya ramdam ko na plastik lang ang tawa nya sa bisita na kasamahan nila daddy sa ospital pag pinakilala sya...dinig ko naman kung paanu sya asarin nila Bea dahil hindi sya makaporma magpacute sa mga saleslady..

Pero hindi sya makatiis akala nya hindi ko sya napapansin kasi hawak nya si baby nakita ko na lang binigay nya sa yaya at sinalubong ang bagong batch ng mga saleslady na dumating kasi mga nakauniform pa at my isa akong nakitang familiar na itsura maganda sya maputi at malaki din ang boobs nakita ko kung panu nya alalayan sa pag upo..

SINO BA AKO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon