Chapter 17

1.9K 96 3
                                    

DEANNA

Anung mukha ang ihaharap ko kay Jessica nangako ako na hindi ko sya sasaktan..pero ito ako sinayang ko ang tiwala at pagmamahal nya sa akin..mahal ko sya pero hindi ko maintindihan ang sarili ko mas masaya ako kasama si Carly.. pilit nya baguhin ang buhay ko pero unti unti naman lumalayo ang loob ko sa kanya..pero nangako ako sa mga magulang nya na hindi ko sya sasaktan..pero hindi na ako masaya sa relasyon namin parang nasasakal na ako hindi na ako makapagdecide sa sarili ko sya na ang nagpaptakbo ng buhay ko..
Bawat kilos ko kailangan mag uupdate ka sa kanya..wala na akong laya..wala akong karapatan magreklamo dahil sya nagpapaaral sa akin..kailangan namin mag usap kung kailangan tumigil na ko sa pag aaral kung kinakailangan..

Maaga akong pumunta ng agency para makausap ko si Jessica bahala na kung anu ang maging resulta ng pag uusap namin kung hihiwalayan nya ako tatanggapin ko kung ito ang kabayaran ng kasalanan ko sa kanya..hindi na ako sumabay kina ate Bea at Ponggay..

Pagdating ko sa agency nilinis ko agad ang loob ng opis nya para makapg usap kami pag dating nya..

Hindi sya pupunta tumawag lang kay Kianna  masama daw pakiramdam
pumasok muna ako sa quarter ng iisip kong anu gagawin ko..nagdecide na lang ako na hindi na muna papasok habang nakaupo ako bigla namanhid ang mukha ko sinuntok ako ni ate Bea

Ate Bea:
anung klase kang tao wala kang utang na loob pagkatapos ng ginawa syo ni Mam Jessica nagawa mo pa syang lokohin nagpakababa sya maabot ka lang nya saan ka kumuha ng lakas ng loob at kapal ng mukha para gawin mo sa kanya yon binigay nya lahat syo minahal ka ng tao abusado ka gusto nya umangat ang buhay mo pero hindi mo pinahalagahan ang ginagawa nya bilib na bilib ka sa sarili mo dahil madami nagkakagusto syo ang yabang mo

Gigil na gigil si Ate Bea hinayaan ko lang nakailang suntok sya sa akin bago sya naawat ni Ponggay at Kianna hindi na ako lumaban tama naman sya

Ponggay:
Deans bakit anung kulang bakit mo ginawa kay Mam yon nasobrahan ba sya ng bait at inabuso mo ang kabaitan nya..saan na yong Deanna mahiyain bakit naging walang hiya na..ayusin mo sarili mo baka isang araw pulutin ka sa kangkungan sa pinanggawa mo

Tahimik lang ako sa panenermon ni Ponggay tama sila..
Narinig ko na lang kausap ni Kianna si Jessica  sa landline siguro nagsumbong sya sa ginawa ni Ate Bea sa akin narinig ko na lang tinawag sya ni Kianna

Kianna:
Love kausapin ka daw ni Mam

Habang kausap ni Ate Bea sa phone si Jessica lumabas na ako pupuntahan ko sya sa bahay pero nagulat ako bigla ako hinabol ni Ate Bea at hinila papasok

Ate Bea:
Wag ka umalis antayin mo si Mam mag uusap kayo..anu aalis ka pupuntahan mo na naman ang syota mong pokpok subukan mo umalis lulumpuhin talaga kita

Sinagot ko sya ng mahina lang talagang takot ako sa kanya dahil mula pa nung bata kami tagapagtanggol ko na si ate Bea kaya hindi ko sya kayang labanan malaki ang respeto ko sa kanya at talagang mali ang ginawa ko kaya wala akong karapatan lumaban.

Me:
kay Jessica nga ako ppupunta

Ate Bea:
kaya nga hindi ka aalis dahil papunta na sya naintindihan mo ayusin mo sarili mo gago ka

Dumating si Jessica nakayuko lang ako dinaanan nya muna si Kianna bago sya pumasok sa opis nya

Jessica:
Sabihin mo sa kanya pumasok,pag my tumawag sabihin nyo hindi ako pumasok

Kianna:
sige po Mam..Deans pumasok ka na daw

Narinig ko naman ang sinabi nya kay Kianna..nakayuko lang ako pumasok sa opis nya..

Derecho lang ako sa sofa nakayuko pa din ako hindi ko sya kayang tingnan
Mayamaya lumapit sya sa akin my dala syang plastic na box inangat nya ang mukha ko ginamot nya ang sugat gawa nga ng pagsuntok sa akin ni Ate Bea habang nililinis nya ang sugat ko umiiyak sya,pero hindi sya nagsasalita naiiyak na din ako pero panay pahid nya ng luha ko kasi pumupunta sa sa sugat na nililinis nya..awang awa ako sa kanya nasasaktan sya dahil sa akin..tama si Ate Bea hindi ko alam kung san ako kumuha ng lakas ng loob para saktan sya ng ganito ang alam nya lang ipakita ang pagmamahal nya sa akin,
pagkatapos nya lagyan ng band aid nakita ko naman na panay punas nya ng luha nya wala pa ding nagsasalita sa amin hindi ko alam kung panu ko umpisahan...

Me:
sweet hihiwalayan mo na ba ako?

Jessica?
anung kulang sa akin,bakit nagawa mo akong saktan,my ginawa ba akong masama syo,nagsawa ka na ba o kagaya ka din ng ex ko na nafall out of love sa akin sabihin mo na para isang sakitan na lang..kasi para sa akin lahat ginagawa ko naman para lang maging masaya ka kung pakiramdam mo na lahat ng ginagawa ko syo ayaw mo bat hindi mo sabihin sa akin para makapg adjust ako o titigilan ko na hindi yong pinagmukha mo akong tanga ang lambing lambing mo yon pala malambing ka din pala sa iba akla ko ako lang my kahati pala ako..bakit hindi pa ba ako sapat

Hindi ko alam kung anu sasabihin ko tama sya wala syang ginawang mali para saktan ko sya..umiyak na lang ako..

Me:
Sori patawarin mo ako hindi ko sinasadya..mahal na mahal kita pakiramdam ko kasi nasasakal na ako parang lahat ng gagawin ko ayon lang sa kagustuhan mo hindi ako pwedeng magkamali kasi baka magalit ka,kaya ng nagkaron ako ng mga bagong kaibigan parang pakiramdam ko nag iba ang mundo ko masyado lang kasi umikot ang buhay ko syo

Jessica :
kaya nambabae ka..ang tibay mo akala ko ang mga kagaya nyo iba magmahal iba magpahalaga kasi gusto nyo mas angat ang ipapakita nyo na pagmamahal kaysa  mga lalaki  at stick to one lang kayo yon pala wala din  kayong pinagkaiba mas matindi pa kasi wala kayong takot dahil hindi naman kayo makakabuntis..asan na ang pangako mo na hindi mo ako sasaktan asan na yong sinasabi mo na hindi mo gagawin sa akin ang ginawa ng ex ko,mabuti yon lumayas bago ko nalaman syo kitang kita ko kung paanu ka makikipaglandian sa babae kung paanu mo sya papakin..bakit nagkulang ba ako syo pinagsawa naman kita wala kang hiningi na hindi ko binigay o tumanggi bakit nagawa mo pa maghanap ng iba?sa pera dati galit ka pagbini bigyan kita ng pera kasi sabi mo sobra sobra naman sa sarili mo ang sweldo mo bakit ngayon kinukulang ka nangungutang ka pa...sige bibigyan kita ng chance magpaliwanag kung bakit mo nagawa sa akin yan papakinggan ko ang side mo..

Me:
Lahat yan tama ka wala dapat akong dahilan para magloko o gawin syo..inaamin ko kasalanan ko tama nga sinabi ni Ate Bea na hindi nya alam kung san ako kumuha ng kapal ng mukha para gawin syo to..sori kung hindi mo man ako mapatawad rerespituhin ko kung anu ang disisyon mo nagawa ko man yon hindi ibig sabihin hindi na kita mahal...mahal na mahal kita hindi ko lang alam bakit nagawa ko to..

SINO BA AKO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon