Chapter 18

1.9K 91 5
                                    

JESSICA

Yon na ang huling pag uusap namin ni Deanna masakit pero kailangan ko sya pakawalan..sya na din mismo ang humingi na bitawan ko sya siguro dahil sa sobrang naguilty sya sa nagawa nya sa akin..naniniwala naman ako na mahal pa namin ang isa't isa..sobrang iniyak ko ng husto ang nangyari sa amin..pero natuto na ako hindi na kagaya sa ex ko na lugmok ako ngayon kaya ko na ihandle ang sitwasyon hindi ako nagpapaapekto hiniwalay ko ang puso sa negosyo ko..nilibang ko ang sarili ko sa ibang bagay para hindi ko sya maalala..
Nagresign sya sa agency ko binigyan ko pa din sya nga certificate of employment para kung sakaling gusto nya mag apply sa iba,nabalitaan ko na din na tumigil na din sya mag aral..nakakalungkot lang dahi hindi nya tinapos ang naumpisahan ko..
Sila ni Bea at Ponggay nagrequest na magpadeploy sa ibang lugar kaya binalik ko sila sa dating assignment nila nahiya na daw kasi sila sa ginawa ni Deanna pinagbigyan ko na..pero madalas ko pa din nakikita si Bea dahil pinupuntahan nya si Kianna buti pa nga sila going strong pa ang relasyon..

Sa mga magulang ko naman hindi ko sinabi na naghiwalay kami dahil nagloko sya..ayaw ko naman na magalit sila sa kanya..sinabi ko na lang na ako nawalan ng gana sa relasyon namin,nerespeto naman nila ang dahilan na sinabi ko dahil hanggang ngayon hinahanap pa din ng daddy ko ang dating kaibigan nya naniniwala sya na ito ang ama ni Deanna..

Pag nakikita ko si Bea kinukumusta ko pa din sya lagi nya sinasabi nag eenjoy life to the fullest daw ang pinsan nya..simula kasi ang nangyari sa amin pinabayaan na daw nila,hindi naman daw nakikinig,madalas daw my kasamang babae sa bahay nya,hindi naman daw nila alam kung kasamahan sa bago nyang trabahu o girlfriend nya..masakit na ganun nya lang ako kadaling palitan..

Nagfocus na lang sa negosyo ko..my gusto manligaw pero ayaw ko muna ipahinga ko muna ang puso ko...

My event sa hospital kung san parehong Doctor ang parents ko
sinama nila ako para naman daw maiba naman ang mga makasalamuha ko kaya sumama na din ako..

Pinakilala naman ako sa mga kasamahan..may isang doctor na lapit ng lapit sa akin dahil busy din ang parents ko makipag usap..nagpakilala sya daw si Dr.Isaac Go

Halos buong gabi sa akin lang nakadikit si Isaac nag eenjoy naman ako sa company nya dahil masaya syang kausap..hanggang oras na ng dinner dahil buffet style naman magkasunod kami nakapila para makakuha ng pag kain..
Nang natapat ako sa isang ulam para iready ang plate ko nabigla ako sa nag aasist ang taong sobrang mis ko na..ito na pala ang bago nyang trabahu...si Deanna..
Napatitig pa ako sa kanya ganun din sya..kinalabit ako ni dr.Isaac kasi nakasunod sya sa akin kaya bigla ako natauhan pag tingin ko ulit kay Deanna nakita ko nagpunas sya ng luha at tumalikod narinig ko na lang nagbilin sya sa isang kasama nya na sila daw muna mag aassist my kukunin lang sya..

Nang makabalik na kami sa table hindi ko makalimutan ang mukha nya pati ang parents ko nagtataka dahil halos hindi ko ginagalaw ang pagkain ko kaya biglang nagsalita ang Daddy ko..

Daddy:
Nak, i saw her

Nakita din pala sya ng Daddy ko at alam nya ang dahilan kung bakit bigla ako natulala,sinaway na lang sya ng Mommy ko na pag uwi na lang pag usapan dahil my ibang tao na kasama kami sa table si dr.Isaac kasi katabi ko at nahalata nila na parang entresado sa akin..
Nang matapos na kaming kumain nag excuse muna ako na mag ccr hindi naman talaga ako kailangan mag cr nagbabakasakali ako na makita ko ang hinahanap ko..hindi naman ako nabigo dahil nakita ko silang magkakasama sa hallway papuntang Cr nakasalampak sa semento habang kumakain..nang malapit na ako binati ako ng good evening ng mga kasama nya napagkamalan din akong doctor..pagtapat ko sa kanya sinabihan ko sya kung pwede kami mag usap..nakikita ko naman  sa mga mukha ng mga kasama nya  na parang nagtatanung kung bakit kami magkakakilala..bigla naman sya tumayo at may tinuro sya na lugar kung san kami pwedeng mag usap..
Pag pasok namin kumuha sya ng upuan medyo masikip kasi dito pala nakalagay lahat ng gamit nila sa catering..
Pinaupo nya ako walang gusto unang magsalita sa amin..ako nakatitig lang sa kanya..medyo pumayat sya..nakita ko na lang yumuko sya nakita ko nagpunas sya ng luha..napaiyak na din ako..bigla naman tumunog ang cellphone ko hinahanap na pala ako ng parents ko uuwi na daw kami..alam nya na hinahanap na ako ng parents ko napatayo sya at yumakap sa akin ramdam ko ang bigat ng nararamdaman nya habang umiiyak sya yumakap na din ako sa kanya bago kami maghiwalay ng yakap bumulong sya pupunta na lang daw sya sa office tumango lang ako hinalikan nya ako sa labi bago kami maghiwalay..pinunasan ko muna ang luha ko baka mahalata ng parents ko..

DEANNA

Sobra  ko pinagsisihan ang nagawa ko kay Jessica sobra kasi ako naguilty sa nangyari kaya ako na din mismo himiling na bitawan nya ako..binigay nya naman sa akin pero alam ko sobrang masakit para sa kanya ang nangyari..ineenjoy ko na lang kalayaan na meron ako, walang girlfriend na kailangan iupdate kung nasaan ako tinuloy ko ang sa amin ni Carly pero walang label fling fling lang pero nagkasawaan din kami hanggang sa hindi na din kami nagkita...pilit ko kalimutan si Jessica kaya kung sino sinong babae pinapatulan ko pero wala sya talaga..

Kami ang nakuhang mgcater  sa anniversarry celebration ng isang ospital tuwang tuwa kami kasi pag ganitong event na sa gabi ginaganap my dagdag ang sweldo namin,naasign ako mag aasisist sa buffet table..
Nagulat pa ako ng kinalabit ako ng parents ni Jessica hindi ko kasi napansin kasi nakayuko ako habang nagsasandok para ilagay sa mga pinggan nila..kinumust ko sumagot naman ako..hindi sila galit sa akin dahil sumira ako sa pangako ko na hindi ko sasaktan ang anak nila sa isip ko lang...tuloy lang kami mag assist hanggang sa nabigla ako nasa harap ko na ang matagal ko ng gusto makita nagkatitigan kami hindi ko alam my tumulo ng luha sa mata ko kaya bigla ako tumalikod at nagpaalam muna sa mga kasamahan ko,hindi na ako lumabas bahala na kung pagalitan ako ng supervisor namin..saka na lang ako bumalik ng magliligpit na para makakain na din kami... nakasalampak lang  kami sa semento para kumain bigla naman my huminto sa harap ko ng tumingala ako si Jessica gusto nya daw ako makausap kaya dinala ko sya sa stockroom hindi ko na namn mapigilang umiyak pareho na kaming umiyak kaya yumakap na lang ako sa kanya at binulungan ko na pupuntahan ko na lang sya dahil alam ko uuwi na sila dahil tinawagan na sya..

Kinabukasan pumunta ako sa office ni Jessica inagahan ko hindi muna ako pumasok

SINO BA AKO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon