Chapter 32

2K 95 3
                                    

DEANNA

Pagkatapos namin magtalo nagwalk out ako..derecho ako dito kina Mommy nagulat pa siya bakit ako napasugod..
Iyak ako ng iyak habang kinukuwento ko sa kanya lahat ng nangyari sa amin ni Jessica..

Mommy:
baka mali lang ang enterpretation mo sa mga ganung gesture nya...bakit kasi hindi muna kayo nag usap at pinaliwanag  ang side mo at pakinggan din kung bakit nya ginagawa syo yan

Me:
ginawa ko na yon...pero may issue pa din sya wala ng araw na hindi sya gumagawa ng issue lahat ng taong pinagseselosan nya hindi ko na kinakausap na kung tutuusin wala namn kasalanan sa akin ang tao para walang away pero wala pa din nangyayari daig nya pa ang adik laging my tamang hinala..nakakapagod na syang intindihin

Mommy:
Nak my past ba sya na sobrang nasaktan sya?

Kinuwento ko lahat ng nalalaman ko tungkol sa nangyari kay Jessica sa ex nya..

Mommy :
kaya naman pala kinokonek nya ang past sa inyo ngayon..iniisip nya pwedeng mangyari ulit ang nangyari sa knya noon kaya todo bantay sya sayo kasi baka noon hindi nya hinigpitan ang hawak kaya nakawala...unawain mo na lang sya hindi biro ang pinagdaanan..

Me:
pinipilit ko naman Mommy kaya lang nakakaubos din sya ng pasensya...hindi muna ako uuwi..palipas muna ako ng inis..Mommy pls.pag tumawag sya sabihin nyo wala kayong alam...kahit ngayon lang Mommy kailangan huminga muna sakal na sakal na ako

Mommy:
baka naman mag alala lalo syo at baka hanapin ka din ng anak nyo

Me:
Andon naman ang family nya nakaalalay naman lagi sa kanya yon pati ang baby namin kayang kaya ng paliwanagan ni Jessica yon..uuwi din naman ako..wag muna ngayon kailangan din nya marealize ginagawa nya sa akin

Isang linggo kong tiniis na hindi makita ang mag ina ko sobrang namimiss ko na sila pero kailangan kong gawin to para marealize ni Jessica na tao lang din ako nasasaktan sa mga binibintang nyang walang katotohanan..sinasabi naman ni Mommy  na madalas sya tumatawag pero sinasabihan naman daw sya na wag ako alalahanin dahil wala naman mangyayaring masama sa akin..

Alam ko na hindi makuntento yan si Jessica gagawa at gagawa ng paraan yan para hanapin ako..

Habang nasa loob ako ng kwarto ko iniisip ko ang mag ina ko sobrang namimis ko na sila lalo na si Eanna yong mga tawa at bulol nya na pananalita..biglang my kumatok..
Ang ate ko mula ng dito ako sa bahay ng family ko hindi pa kami masyado nagkakausap dahil pag araw tulog sya dahil panggabi sya sa call center..siguro day off nya ngayon..

Me:
Ate bakit my kailangan ka?

Ate Dess:
Wala naman gusto ko lang makichika syo day off ko kasi..anu nangyari sa inyo ni Jessica?mukhang my pinagdadaanan kayo sabi ni Mommy 1wk ka na daw dito

Me:
Nagpapalamig lang Ate sakal na sakal na kasi ako sa ugali nya pilit ko naman sundin lahat ng gusto nya pero lagi sya may issue

Ate Dess:
Pinag usapan nyo na ba dahilan kung bakit lagi sya may ganung issue..kasi Deans..hindi lang kasi dapat ang inis nya sa isang bagay ang pakikinggan mo dapat don ka magfocus sa issue bakit sya nagkaganun anu ang dahilan saka mo paliwanag sa kanya ang side mo..ang nangyayari kasi pag inaatake sya ng selos dedepensahan mo agad ang sarili mo..which is true naman matic yon ang gagawin natin pag pinagbintangan tayo sa isang bagay na hindi naman natin ginawa..pero sana nagtanung ka din bakit ba sya nagkakaganyan para alam mo san ka papasok pag nasabi nya na ang dahilan...masyado lang sya nabaon sa ginawa sa kanya ng ex nya in short nagkaphobia sya kaya ganun ka na lang hinihigpitan kaya lang kinalabasan naging nagger sya..maliit pa si Eanna ayusin nyo na yan pag hindi maagapan baka mauwi pa kayo sa hiwalayan..sobrang lucky ka na kay Jessica maganda,mahusay humawak ng negosyo at sobrang mahal ka takot lang sya mawala ka

Me:
Hindi mangyayari yon hindi ko din hahayaan na maghiwalay kami mahal na mahal ko sila..nagpapalamig lang muna ako..

Ate Dess:
over ka na sa palamig 1wk ka na nakaaircon lalabas ka lang daw pag kakain na..kaya tama na palamig baka mafrozen ka na nyan..sige na halika ka na lunch na tayo

Ngayon ko lang naranasan ang isang buong pamilya..nasanay ako na kami lang ng mama ko ang magkasama..
Hindi ko hahayaan na lumaki si Eanna na may kulang sa pamilya nya..

Bukas uuwi na ako mis na mis ko na ang mag ina ko..mag uusap na lang kami ni Jessica..

Kinabukasan gumising ako ng masaya ..inaayos ko gamit ko para uuwi na ako sa mag ina ko...habang inaayos ko ang kama parang may narinig akong maingay at naririnig ang boses ni Luke parang may kalaro..mayamaya may kumatok..
Pagbukas ko ng pinto si Jessica  halos matumba ako ng bigla sya yumakap sa akin at hinalikan ako sa labi..

Jessica:
sweet mis na mis na kita  umuwi ka na sa amin naliwanagan na ako..sori sa mga nagawa ko syo naintindihan na kita hindi na ako magseselos..hindi na kita hihigpitan basta bumalik ka lang sa amin mahal na mahal kita..

Sobrang naawa naman ako dahil halos hindi na sya makapagsalita sa sobrang iyak nya..

Me:
ok ok tama na naintindihan na kita pag uusapan na lang natin yan uuwi naman talaga ako ngayon naunahan mo lang ako mis na mis ko na kayo..mahal na mahal kita nagpalamig lang ako pero sobrang mis ko na kayo..asan na ang Baby natin

Jessica:
nasa baba kalaro ni Luke...sweet wag mo na ulitin yan na hindi ka uuwi ha

Bago kami bumaba hinalikan ko muna sya sa labi ng matagal..inawat nya na lang ako pag uwi na lang daw namin ituloy kailangan ko daw bumawi sa kanya..

SINO BA AKO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon