Chapter 36

2.3K 90 6
                                    

DEANNA

Hindi na din bumalik si Carlo simula nung huling usap namin..tuloy tuloy naman ang magandang takbo ng agency..

Si Jessica naman tahimik na din,bumalik na din ang tiwala nya sa akin..
Kaya masaya na ako na wala ng naninita at nagseselos tuwing aalis ako at uuwi kundi ang halik at yakap ng anak namin ang laging salubong sa akin..

Isa lang lagi ang nagpapasira ng araw ko simula kasi ng ako na lang ang pumapasok masyado naman nalibang si Ponggay  na asarin ako kasi pag andito si Jessica naiilang pa sya...
Pero pagseryoso naman ang pag uusapan maasahan mo naman sila magaling din magbigay ng advice..

Tumawag ang Daddy ko na pumunta daw kami ng friday dahil birthday nya sinabi ko naman kay Jessicca pag uwi ko ng gabi..

Me:
sweet birthday pala ni Daddy sa friday punta daw tayo..kung gusto mo don na din tayo matutulog..sabihin mo din daw kay Mommy at Daddy..

Jessica:
sige pero uuwi na lang tayo wag na lang tayo masyadong magpagabi kasi alam mo naman si Eanna maaga natutulog yan..

Pagpasok namin sa gate,nagulat ako madaming lamesa akala ko simpleng dinner lang ang celebration ng birthday ni Daddy..pati pala mga kabusiness partner nya nandito..pati mga tauhan nya sa opisina...hinahanap agad ng mata ko si Rachel pero hindi ako nagpapahalata dito sa asawa ko..

Pinakilala naman kami sa mga bisita ni Daddy lalo na si Eanna tuwang tuwa naman sila kasi bibo daw..
Tinawagan ko naman si Ate Bea at Ponggay na pumunta pinasama ko na din sila Kianna,Maddie at Vannie..

Nakikita ko naman nag eenjoy si Jessica kausap ang Ate Dess ko at mga kaofficemate nya at busy naman ang anak namin makikipaglaro kay Luke..

Habang inaantay ko sila ate Bea na dumating dahil on the way na daw sila..bigla naman lumapit sa akin si Rachel..

Rachel:
Hi..kanina pa kayo..sino kasama mo?

Me:
oo kasama ko biyenan,asawa at anak ko..
Rachel:
ah nakita ko nga ang ganda pala ng asawa mo kahit buntis seksi pa din

Me:
Talagang maganda kaya nga hindi ko na pinakawalan..

Rachel:
siguro masarap ka magmahal kaya makikita din sa aura ng misis mo

Bago ako makasagot sa kanya dinig ko naman ang boses ng kaibigan kong mahadera kabababa lang ng taxi..

Me:
excuse muna Rachel ha papakita ko muna sila kay Daddy mga kasamahan ko sa opisina yan

Rachel:
sige see you around..

Dinala ko muna sila  para ipaalam na pinapunta ko sila kilala na din sila naman  sila ni Daddy...

Habang nakikiupo ako sa table nila Ate Bea  lumapit naman ang isang kuya ko na Joseph jr.at mukhang natipuhan nya si Vannie kaya hindi na din sya umalis sa tabi ni Vannie
Habang busy sila sa ligawan humiwalay naman kami para makapg umpisa na ng dringking session namin..bida bida na naman si Ponggay at Maddie

Ponggay:
Deans ikaw ba wala man lang mapakilala sa akin..yong kuya Jun mo mukhang in a relationship na ang profile sa fb siguro sabi ni Vannie dito na lang ako sa kuya walang bantay na german shepherd ,sa kapatid may lahi ni gabriela silang ang asawa

Maddie:
bakit Pongs dami naman adik sa lugar nyo wala man pumatol lalo kung speed sila syempre lahat ng nakikita nila maganda

Ponggay:
wala nga eh mga bwisit na yan sa sobrang wala akong sex life mamaya nyan ang lalabas sa akin imbis uhog sa tagal kaong na

Habang nagtatawanan kami sa batuhan ng joke ni Maddie at Ponggay biglang lapit naman ni Rachel sa amin na my hawak ng baso na may alak..at medyo lasing na nagulat kami biglang pulupot ng braso nya sa leeg ko..kinabahan tuloy ako baka makita ni Jessica

Rachel:
hello can i join you parang ang saya saya nyo dito..

Nagsasalita sya habang nakapulupot pa din ang kamay nya sa leeg ko buti na lang andito si Ponggay..

Ponggay:
girl dito ka na sa tabi ko kasi baka mamaya makasama ka sa litson na matadtad pag makita ka ng matador...dito ka laro tayo pompyang

Hindi nga ako nagkamali biglang lumapit sa amin si Eanna

Eanna:
Dada,Mommy called you...go now po if you don't want her to get angry

Ate Bea:
cous alam ko na kung san nagmana ang anak nyo..

Pumunta na ako kay Jessica habang hawak ko ang anak namin..

Jessica:
umayos ka ha..ayan pala ang beauty na inaapreciate mo..uwi na tayo mayamaya dahil pagod na yan si Eanna..

Sinunod ko na lang si Jessica para walang away..

Malapit na din manganak si Jessica kaya ingat na ingat na din ako sa mga kilos ko..habang tumatagal nagiging maayos na ang pagsasama namin dahil naging seryoso na ako siguro gawa din sa paghihigpit sa akin ni Jessica nakasanayan ko na gumawa ng tama kahit hindi sya nakatingin o wala sya sa tabi ko hindi din maiwasan na humahanga ako sa magagandang babae pero yong my interest ka na kilalanin pa sila wala na sa isip ko lagi na lang ang tumatatak sa isip ko ayaw ko na bigyan ng sama ng loob si Jessica dahil kung nagawa nya  na iwasan ang ex nya bakit hindi ko din gawin na umiwas sa tukso para its a tie..
sino ba ako sa buhay nya para hindi sundin ang sinasabi nya para din sa ikaayos ng pamilya namin..

SINO BA AKO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon