Chapter 31

2K 92 8
                                    

DEANNA:

3months after ng proposal ko kay Jessica ay nagpakasal na din kami,parehong pamilya namin ay nagsabi na hindi na kailangan patagalin kasi may anak na din naman daw kami parang pormalidad na lang daw..

Akla ko dahil kasal na kami ay mawala na ang kapraningan ni Jessica mas lalo syang naging mahigpit..parang mas lalo sya nagkaron ng power para bantayan lahat ng kilos ko..wala na akong laya kulang na lang lagyan nya ng cctv ang katawan ko para lahat ng kilos ko makikita nya..
Madalas namin pag awayan ang kapraningan nya..

Me:
anu ka ba naman Jessica nagkataon lang na kumuha si Vannie ng bondpaper sa stockroom at andon din ako kung anu anu na nasa isip mo bat hindi mo kaya iplayback ang cctv para malaman mo kung my ginawa kaming kabalaghan nakakainis ka na..

Sabay talikod ako at lumabas..nakita ko naman si Ate Bea  at si Rex nag uusap sa labas

Ate Bea:
o bakit parang sinakluban ng ulap yang mukha mo?

Me:
Hay naku si Jessica nappraning na naman..hindi ko na alam kung san ko ilulugar ang sarili ko..akla ko dahil kasal na kami tahimik na buhay namin

Ate Bea:
pagpasensyahan mo na sobrang mahal ka lang kaya ganun sya..kahigpit

Kianna:
bossD tawag ka ni Mam pumasok ka daw

Hindi ko na alam kung anu pa ang kailangan ko gawin..lahat na ng alam ko na ikakagagalit nya hindi ko na ginagawa,lumabas lang sandali tatawagin nya agad ako

Me:
bakit nasa labas lang naman ako kausap ko si Ate Bea at si Rex

Jessica:
sigurado ka nasa labas ka lang,baka lumandi ka naman

Me:
bakit ba lagi ganyan ang nasa isip mo,di ba nakikita mo naman sa cctv..Jessica kasal na tayo my anak na tayo kaya wala na akong dahilan magloko,pinagseselosan mo si Vannie kaya hindi ko na din sya kinakausap,hindi ko na din sya nilalapitan para wala tayong pag awayan

Jessica:
malay ko ba kung nagkikita kayo sa labas,minsan mo na ako niloko kaya hindi malayo magagawa mo pa ulit yon

Me:
malalaman mo din naman kasi nakikita mo dito sa cctv eh di sana nakita mo na wala si Vannie sa table nya..hanggang kilan ko ba pagbabayaran ang nagawa ko dati na kasalanan syo,hindi pa ba sapat na parang robot na ang trato mo sa akin,paano pa ako makagawa ng kalokohan sabay tayo umaalis at pag uwi ng bahay magkatabi tayo matulog pag namamasyal magkasama din tayo,hindi mo naman ako pinapayagan  umalis mag isa pag kumukuha ng stock pinapasama mo si Ponggay panu pa ako makagawa ng kalokohan

Jessica:
anu nagrereklamo ka na dahil hindi mo na magagawang mambabae?

Me:
hindi ko na alam kung anu pa gagawin ko para matahimik ka..mahal kita mahal ko kayo ng anak natin binago ko lahat ng alam ko na mali sa akin pinilit ko matutunan lahat kasi ito ang gusto mo na pag aralan ko ang tungkol sa negosyo mo ginawa ko naman..anu pa ba ang kulang..akala ko dahil kasal na tayo tapos na tayo sa ganitong isyu
nakakapagod ka na...

Lumabas ako pagtapos namin mag usap ni Jessica kahit anung gawin kong tama my isyu pa din sa kanya ok lang sana kung totoong niloloko ko sya..halos ingat na ingat na ako sa mga kilos ko pero wala pa hindi pa mawala sa sestema nya ang nagawa kung kasalanan dati..

JESSICA

Matatapos na office hour wala pa din si Deanna mula ng lumabas sya kanina tapos magwalk out dahil nagtalo kami hindi pa sya bumabalik

Buti na lang naiwan si baby kay Mommy dahil wala syang duty kung hindi mahirapan ako magmaneho..kaya malakas din loob na iwanan ako..

Naisipan ko tawagan si Mommy kung nasa bahay na si Deanna..

otp:

Me:
Hello Mommy andyan na po ba si Deanna,musta naman po si Baby?

Mommy:
Wala pa si Deanna dito,di ba magkasama naman kayo dyan...ito si Eanna nakakatuwa na sayaw ng sayaw,kaya lang ayaw dumede sa bote pero kahit papanu kumakain na din naman sya ng solid food

Me:
Ganun po ba,medyo may pinagtatalunan lang po kami kaya nagwalk out hanggang ngyon hindi pa bumabalik..sige po uwi na din ako..

Mommy:
Hay naku Jessica nagkaganyan pa kayo kung san kasal na kayo

Kinabukasan hindi pa din umuuwi si Deanna..kaya tumawag na lang ako kay Kianna na hindi na muna ako magrereport kung my kailangan pirmahan ipapadala na lang sa driver dito sa bahay..

Habang naglalaro si Eanna dito sa sala hindi ko napansin nakatulala na pala ako nagulat na lang ako biglang umupo si Mommy sa tabi ko..

Mommy:
Nak,is there any problem,i'm your mother you can tell me kung anu man pinagdadanan nyong mag asawa..

Bigla ako napaiyak kay Mommy..kinuwento ko lahat kung bakit nagwalk out si Deanna..

Mommy:
hindi mo ba naisip na somobra ka na..madalas naririnig ko sinisigawan mo sya..pero hindi ka nya pinapatulan..nagger ka nak inabuso mo din kabaitan ng asawa mo..kung nakagawa man sya ng kasalanan dati pinagsisihan nya na yon di ba nakita mo naman kung gaanu sya kaseryoso matuto magpatakbo ng negosyo mo kasi yan ang gusto mo mangyari sa kanya naging sunud sunuran sya syo pero para syo hindi sapat yon dahil nangingibabaw syo ang selos..hindi maiwasan yon na tumingin sya sa ibang babae natural lang na humanga sya pero ang patulan o magloko hindi nya ginawa  dahil sya mismo takot gumawa ng kasalanan na ikakagalit mo...

Iyak ako ng iyak..habang nag sasalita si Mommy

Me:
ayw ko lang po kasi mangyari na wala akong kaalam alam na my kapalit na pala ako dahil masyado akong kampante...ayaw ko po mangyari sa amin ni Deanna yon..

Mommy:
Nak pinakasalan ka na ni Deanna my anak na kayo..wag mo ibunton sa kanya ang kasalanan ni Carlo dahil naging maluwag ka noon sa kanya kaya kay Deanna kailangan mo gawin yon kasi hindi mo nagawa kay Carlo noon..patawarin mo na si Carlo at patawarin mo na din ang sarili mo pati ang kasalanan noon ni Deanna patawarin mo na din kung gusto mo maayos ang pagsasama nyo...napagod lang yon sya alam ko magpapahinga lang yon pero hindi yon susuko mahal nya kayo lalo na ang  anak nyo..tawagan mo ang mother in law mo baka andon lang si Deanna sa kanila..bigyan mo muna sya ng space uuwi din yon pag namimiss nya na yong nagger nyang asawa at xerox copy nyang anak...

Tama nga lahat ng sinabi ni Mommy dahil ayaw ko mangyari sa amin ang ginawa ng ex ko kay Deanna ko lahat naibunton ang hindi ko nagawa dati kay Carlo

1wk.na wala pa din paramdam si Deanna..naka off ang cp nya...hindi nya ba kami namimiss ng anak nya?

SINO BA AKO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon