Chapter 21

2.1K 93 11
                                    

JESSICA

Lumipas mga araw wala na kaming balita galing kay Mr.Valencia hindi naman daw tumatawag or nagmemesage kay Daddy

Malaki na din ang naitulong ni Deanna sa negosyo ko sya na din ang taga diliver ng mga supply sa mga commercial area na hawak namin ang manpower para hindi na sila kilangan pumunta ng agency..pati pag deposit sa mga bangko ng mga sweldo Nabawasan na tuloy ng trabahu ang mga kasama ko sa opisina..nagiging seryoso na sya sa buhay hindi ko na din sya mapilit na bumalik sa pag aaral diskarte lang daw kung gusto mo umasenso hindi na ako nakipagtalo dahil alam ko mamimilosopo lang sya..

Gusto ko sana bumili na lang ng condo para magkasama na kami sa iisang bubong..ayaw naman ng parents ko nag iisa na nga lang daw ako iiwanan ko pa sila..sila na lang nagsabi na si Deanna na lang ang umuwi sa bahay ganun kami kasuportado ng pamilya ko..kaya isang gabi kinausap kami ng parents ko..

Daddy:

Anak ayaw  nyo ba magka anak? medyo tumatanda ka na nak at gusto na din namin magkaapo

Me:
Gusto naman Dad kaya lang sa ngayon masyado pa  kami busy lalo na ngayon ang ibang agency sa amin na kumukuha ng supply kasi direct kami sa factory,dahil yong manpower ng factory galing sa agency ko

Daddy:
kaya na siguro ni Deanna imanage yan kung sakaling mabuntis ka o si Deanna na lang ang magbuntis mas bata sya syo

Bigla naman ako siniko ni Deanna at binulungan ako panu daw mabubuntis ang isa sa amin dahil pareho kami babae..napatawa tuloy si Daddy at si Mommy dinig kasi nila ang bulong nya eh malakas naman ang boses nya,pinaliwag naman sa kanya ang tungkol sa IVF syempre parehong doctor ang kausap namin naliwanagan naman sya..pero umayaw sya na sya ang mabuntis ako na lang daw

Kaya na pagkasunduan namin sa canada gagawin ang proseso ng IVF
kailangan ko muna kausapin si Kianna at si Jellie para maayos mapatakbo ang agency at nangako naman ang mommy ko na on call na lang sya sa ospital kung kinakailangan or si daddy na lang muna ang magdduty, si mommy muna ang magmanage ng agency habang nsa canada kami...
Nag ayos naman kami ni Deanna ng mga papeles ok na kasi ako dahil hindi pa naman expired ang visa ko kaya tutok kaming 2 sa kanyang mga application for visa..

Nakarating na kami ng canada at meron na din kausap ang Daddy ko na doctor na kaklase nya sa UP na dto na sa canada nakabase,nakset na din ang appointment namin sa kanya

pareho kami muna dumaan sa treatment,saka  ako ng ovarian stimulation,trigger injection,egg retieval,semen collection,Fertilization and embryo development,embryo transfer,luteal phase lahat ng to pinagtyagaan namin matapos para lang magkaron kami ng anak..habang nag aantay kami ng schedule for pregnancy test..napag usapan na naman namin ang tungkol sa pamilya nya..pero todo iwas pa din sya magkakaroon na daw sya ng sarili nyang pamilya kaya wala na daw syang pakialam kung hindi nya makilala ang totoong pamilya nya..

Dumating na ang schedule para sa pregnancy test..bago kami pumunta sa ospital tumawag ang Daddy ko na
uuwi daw ang pamilya ni Joseph Wong sa pilipinas para makita si Deanna

Me:
sweet  tumawag si Daddy uuwi  daw ang pamilya mo sa pilipinas gusto ka daw makita

Deanna:
wala akong pamilya na kailangan umuwi sila ate Bea lang ang pamilya ko,hindi ako makipagkita sa kanila

Para hindi na tuluyan sya mabadtrip sinabihan ko na lang na kung yan ang gusto nya suportahan ko na lang sya..

Hanggang makrating kami ng hospital salubong pa din ang kilay nya,hindi na sya pumasok sa loob ng clinic sa lobby na lang daw sya..panay naman ang dasal ko na sana positive para makauwi na kami ng pilipinas..

Paglabas ko  galing sa room ng doctor nakita ko sya nakayuko habang kinukotkot ang kuko nya napatingala sya bigla ng tumayo ako sa harap nya..

Deanna:
anu sweet bakit malungkot ka anu resulta,nakabuo ba tayo?

nanginginig pa ang boses nya..matagal ako sumagot bigla naman tumulo ang luha ko..saka ako sumagot na....positive at 1 month pregnant na ko..bigla naman sya sumigaw para makaattract kami ng attention kaya tinakpan ko agad ang bibig nya..at hinila ko sya sa tabi para yakapin napaiyak naman kami pareho sa sobrang tuwa..

Kumain muna kami bago kami bumalik sa apartment..

Me:
kailangan na natin magpabook ng flight pauwi mauubusan na tayo ng pera dito ang laki ng difference ng pera natin kumpara sa pera nila

Deanna:
pasensya ka na sweet wala man lang akong naitulong sa proseso na to para tayo magka anak semilya ko lang ang naging ambag ko dito

Me:
wala yon sweet masyado lang akong practical sayang kasi ang pera pagmagtagal pa tayo dito nakabuo na din naman tayo

Habang nag aantay kami ng susundo sa amin dito sa airport..yes nasa pilipinas na kami..biglang my lumapit sa amin na lalaki na kamukha ni Deanna pero parang mas matanda sa kanya..

lalaki:
Hi,are  you Deanna Wong?I'm Peter Wong

Deanna:
sori hindi ako marunong mag english pag hindi mo ko maintindihan wag ka na makipag usap sa akin

hinawakan ko naman ang braso ni Deanna kasi nagmamaldita na sya kakausapin ko na sana ang lalaki pero bigla sya nga salita

Lalaki:
oo naman fluent naman ako magtagalog..nagtaka kayo pero ako kasi ang magsusundo sa inyo..ah miss Jessica nasa house nyo kasi ang family ko inaantay na ang pagdating nyo you can call your dad if you want to confirm

Bigla nga tumunog ang phone ko sinabi nga ni Daddy  na itong PPeter daw ang pinasundo nila para hindi daw mabigla si Deanna..

Hanggang makarating kami ng bahay hindi pa din kumikibo si Deanna..

Napaiyak naman si Mommy habang yakap nya ako naiyak sya sa tuwa dahil magkakaapo na daw sya..ng bumitaw na si Mommy hinahanap ko si Deanna my nakita naman akong 4 na taong nakaupo sa sala..senenyasan naman ako ni Daddy na tumakbo daw paakyat si Deanna  sa kwarto namin..

SINO BA AKO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon