Chapter 20: Last Hope
Aling Eviosa POV:
Inilalayan ako ni Manong Driver para makapasok ako sa loob ng bahay. Matapos akong makapagpaalam sa kanya ay umalis na sya para naman intindihin naman ang kanyang pamilya.
Tiningnan ko ang buong bahay ayos naman ito at walang nawawala. Ibinababa ko na lahat ng binili ko sa lamesa at pumunta sa kwarto ko.
Humarap ako sa salamin na nasa harapan ko at doon ko na naman nakita ang aking matang namamaga dahil sa kaiiyak. Kinuha ko ang nagiisang litratong natira saken..
" Anak...." biglang buhos ng luhang kanina ko pang gustong ilabas. Nabasa ng luha ko ang litratong masaya. Ang batang nakahalik sa kanyang yaya habang yakap-yakap nya ito.
"Sandra....." at doon na ako tuluyan humagulhol. Sa pagkakataon ito ngayon lang ako umiyak ng ganito. humihingal narin ako dahil naninikip ang dibdib ko dahil kanina pa akong iyak ng iyak.
Niyakap ko ang litrato na hawak ko. Hanggang ngayon hindi parin kita nakikita,..
"Mahal na Mahal kita Anak......" hagulhol ko.
Patuloy lang ako sa pag-iyak habang nakapikit ang mga mata ko. Gustong gusto ko syang makita. Gusto ko syang mayakap at mahalikan kahit sa huling segundo ng buhay ko dito sa mundo.
" Kamusta... ?" isang malamig na boses ang nagpatigil sa pag-iyak ko. Hindi ako nakaibo at nanatiling nakatalikod.
"Ilang taon din ang nakalipass....." sunod nyang bigkas.
Sa pangalawang pagsasalita nya ay nahulaan ko na kung sino sya. Ang taong matagal ko ng hinahanap at taong gusto kong humingi ng tawag sa lahat ng kasalanan kong nagawa.
Humarap ako sa kanya. Ang Anak ko ! Sabay ng luhang tumulo sa mga mata ko. Lalo akong naiyak nun nakita ko sya. Ang laki na nya at sobrang ganda. Peru nalulungkot ako dahil wala na syang puso isa na syang bato na punong-puno ng pait sa ngiti nya.
BINABASA MO ANG
The Black Killer (On going)
ActionSandra Gabriel Alston. She's not ordinary girl you wanted... She's Brutal living in miserable life.... A girl who have no heart... No conscience.. A Fearless girl.. A Broken girl that want a great revenge to all the people who hurt her before.. S...